Kabanata 7

2169 Words
Getting to know each other day   Pagtapos ng speech ni Kuya nagsilabasan na rin ang mga Estudyante, nakahinga na rin ako ng maluwag. Na-suffocate ata ako kanina e, ang hirap makahinga sa sobrang dami ng estudyante tapos ang tagal pa naming naghintay. That was the first time for me na sobra akong napagod.   Saan na ba ang punta ko nito? Hindi ko talaga kabisado ang pasikot-sikot sa buong University. Luminga-linga ako para hanapin si Kuya.   Wala na siya.   Nagkibit-balikat ako tsaka nagsimulang maglakad. Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang maghanap ng kakilala, kaya lang mukhang imposible hindi nga nila ako kilala e.   "Saan ang punta mo?" Nilingon ko siya. Ang anak ni Mr. Trinidad, seryoso pa rin ang aura niya.   "Hindi ko pa alam." Nagkibit-balikat ako.   Lumapit siya sa'kin. "Hanapin natin si Farrah tsaka tayo kumain sa Cafeteria." Nilagpasan niya ako. Akala ko lalapitan niya ako.   Hinabol ko siya. "Sino si Farrah?" Tanong ko. Alam niyo yung feeling na may hahanapin ka pero hindi mo alam kung ano o sino. Tsk.   Nilingon niya ako nang may pagtatakang aura. "Farrah Ysabelle Montgomery" Simple pero may makahulugang sagot. Anak ng may-ari?   "Montgomery? She’s the daughter of the owner?" Di nga?   Tumango lang siya tsaka muli akong iniwan. Ibig sabihin makakasama namin siyang kumain?   Omg 0.0   Sabay na kaming naglalakad ngayon. Hinintay niya na ako sa paglalakad, naawa siguro.   "What's your name?" Panimula ko.   "Eunice—Eunice Trinidad." aniya   "Ikaw? Anong pangalan mo? Tsaka anong family name ang dinadala mo?" Bakit kanina niya pa pinagpipilitan ang family name ko. Wala naman siguro siyang binabalak 'no. Tsaka bakit masyado siyang interesado. "Halata namang kilala. Branded ang lahat ng gamit mo."   "Hindi 'no" protesta ko.   "Panong naging hindi? Fake ba ang mga 'yan?" Diretso pa rin ang tingin niya sa daan habang kinaka-usap ako. Parang walang pake-alam sa mundo.   Oo ba o Hindi? Parang pagyayabang ata kung maging 'Oo' ang sagot ko.   "Tanya—Tanya Medina ang pangalan ko." Change topic na lang.   "Tanya.." Nag-iisip siya, problema? "Such a nice name." Aniya na may ngiti.   "Salamat."   Ito ang huli naming pag-uusap dahil hinanap na namin si Farrah. Ang hirap niyang hanapin sa daming Estudyanteng nakakalat.   Wala nga talagang klase sa Unang Araw. Lahat kasi pakalat-kalat lang at puro chismisan ang inaatupag. Payabangan dito, pasikatan doon, pagandahan dito at syempre payamanan doon. Tsk.   "Eunice!" Sigaw nang babaeng makakasalubong namin. Itim ang buhok niyang hanggang balikat ang haba, may maputing kutis at mapupulang pisngi (hindi siya make-up, natural lang) matangos ang ilong at may magandang mata. Maganda ang pangangatawan, sexy kung baga. Naka-High Neck Dress siya, Slingback Heels at Chanel shoulder bag.   "Kanina ka pa namin hinahanap." Bungad na sagot ni Eunice sa kaharap namin. Siya na siguro si Farrah.   "Oh.. Sorry. Hinanap ko pa kasi si Kuya para ibigay yung pasalubong ko. Yung pasalubong ko sa'yo nasa kotse, mamaya ko na lang ibibigay." Ang ganda niya.   "Okay. Halika na't kakain na tayo. Kanina pa ako nagugutom, baka pati itong kasama ko." Paalis na sana siya kaya lang pinigilan siya ni Farrah.   "Who is she?" Tanong niya.   Muli siyang humarap kay Farrah. "Farrah si Tanya. Tanya si Farrah." Pagpapakilala niya sa amin.   "Oh, Tanya." Ngumiti siya. "Farrah Ysabelle.." Pakilala niya pa habang nakalahad ang kamay para makipag shake hands. Tinanggap ko ito. "Forget about the Last Name. Siguro naman nabanggit na sayo 'yon ni Eunice." Down to Earth. Napatango na lang ako.   "Tanya Medina" Pakilala ko naman.   "Nice to meet you, Tanya." Bumitaw na rin kami.   "Pwede na ba tayong kumain?" Panira sa usapang utas ni Eunice.   "Hayst! Hindi ka na talaga magbabago, Eunice. May new friend tayo dapat hindi ka ganyan, baka ma-wirduhan siya sa'yo." Natatawang sabi naman ni Farrah.   Papunta na kami ngayon ng Cafeteria para kumain. Gutom na rin ako e.   "Tanya, pagpasensyahan mo na 'tong si Eunice ganyan lang talaga 'yan.. medyo weird pero mabait. Since grade school ganyan na siya kaya nasanay na rin ako, sana ikaw rin." Aniya sabay yakap sa braso ko. Nabigla ako pero hindi ko na lang ininda. She's nice and sweet. That's good.   "Wala namang problema sa'kin 'yon, kahit sino basta madaling pakisamahan." Sagot ko na medyo nahihiya. Mabuti na lang talaga kina-usap ako ni Eunice kanina kundi wala akong makakasama buong araw.   "Good. Let's go? Gutom na ako." Bumitiw siya at naunang maglakad sa'min. Glass Door ang Cafeteria, para siyang Restaurant na pang-sosyal ang ambiance. Ibang klaseng Cafeteria sa loob ng School. Hindi naman ganito ka sosyal ang Cafeteria sa Academy, tama lang.   Sumunod na rin kami sa loob. Medyo marami na ang Estudyante sa loob, oras na kasi ng kainan.   Umupo si Farrah sa apatang table malapit sa Glass Wall. Gusto niya rin pala ang ganitong lugar sa Cafeteria, maganda kasing pagmasdan ang labas habang kumakain.   "Maupo ka." Aniya. Umupo ako sa tapat niya, sa tabi rin ng glass wall.   Umupo naman si Eunice sa upuan na nakatalikod sa Glass Wall, Square type kasi ang table kaya harapan ang upuan.   Magsasalita na sana ako kaya lang biglang sumigaw si Farrah. "Ate Ria.."   Agad lumapit sa'min ang isang babaeng nasa 20's, naka-uniporme siya na parang waiter.   "Miss Farrah.." Utas nito tsaka inabot ang isang Rectangular Shape na parang Menu. "Ano pong kakainin niyo ngayon?" Tanong nito. Menu nga, namimili kasi siya dito habang nag-iisip.   "Bagong Menu po ba 'to?" Tanong ni Farrah.   "Yup. Binago namin ang ibang Dish, pero meron pa rin kami ng mga paborito mo." Sagot nito.   "Ah sige.. gano'n na lang sa dati naming inoorder ni Eunice." Tumingin siya sa'kin. "Ikaw Tanya order ka." Inabor niya sa'kin ang Menu. "Siya nga pala Ate Ria si Tanya, Tanya si Ate Ria." Nagbatian kami tsaka nagshake-hands. Napag-alaman kong matagal na siya dito at sobrang close talaga si Farrah sa mga nagtratrabaho para sa kanila. Hindi nagkakalayo ang pag-uugali namin ni Farrah, maaawain at magpagkumbaba.   "Oh ano? Anong gusto mo?" Tanong ni Ate Ria.   Umiling ako. "Gano'n na lang din sa kanila, Ate Ria."   "Okay. Ate Ria, tatlong order ah." Paalala niya kay Ate Ria.   "Okay. Wait a minute lang Girls ah." Tsaka siya umalis dala ang Menu.   Backpack pala ang dala kong bag ngayon, Chanel backpack. Kaya hindi masyadong mahirap dala-dalahin, kahit umupo na lang ako na hindi mag-aalala kung saan ilalagay.   "Tanya.." Tawag sa'kin ni Farrah. Tumingin ako sa kanya nang may tanong sa mukha. Ngumiti siya sa'kin. "Taga saan ang mga Medina?" Tanong niya.   Ahmm.. Napag-usapan na namin 'to, kailangan ko lang ng lakas ng loob para sabihin. Pagsisinungaling nga 'to pero hindi naman masama na itago ang katotohanan para sa kabutihan ng lahat.   "Province, Province of Marinduque nagmula ang Pamilya ko." Nakangiti kong sagot.   "Ngayon ko lang siya narinig, malayo ba 'yon dito sa Manila?" Tanong pa niya.   "Yup. Malayo." Simpleng sagot ko.   "So, saan ka nakatira ngayon?" Muli niyang tanong.   Sabi kasi sa'kin Soliman Land daw ang sasabihin ko kapag tatanungin ako kung saan ako nakatira. Soliman Land ang isa sa may mga magagandang tirahan dito sa Manila. Pagmamay-ari ito ng isa sa kaibigan ni Daddy si Tito Sebrino Soliman. Kumuha rin si Daddy ng isang bahay kung sakaling maghanap sila ng bahay kung saan ako kunwaring nakatira.   "Sa Soliman Land." Sagot ko.   "Talaga? I heard that Soliman Land is a Private Village. Totoo ba 'yon?" Aniya   Yun din ang sabi sa'kin ni Tito Seb, private nga 'to kaya hindi ako madaling sundan kung sakaling paghinalaan nila ako.   "Yup. Medyo mahirap nga makapasok doon kung hindi ka talaga taga doon."   Tumango-tango siya. Magsasalita pa sana siya kaya lang dumating na ang pagkain namin.   Nilagay ang pagkain sa harapan namin, tig-iisa nga kami ng bawat Recipe. Bulgogi, a Slice of Cake and Red Tea.   "Kumakain ka ba ng Bulgogi? Favorite kasi namin ni Eunice ang Korean Cuisine." Tanong ni Farrah.   "Kumakain naman, hindi lang masyadong mahilig." Sagot ko.   "Pero ang Cake na 'yan ang tiyak na magugustuhan mo." Aniya habang magsisimula na siyang kumain.   Tinitigan ko ang Cake, mukhang masarap.   "Choco caramel Frosting and Strawberry Filled Creamy Cake." Sabi ni Eunice habang tinititigan ko ang Cake. Ngayon lang siya nagsalita ulit, pero bakit sa paraan na tuwing may hindi ako alam.   "Di ba ang haba ng name? Don't worry Tanya, hirap ka man sa pagbabanggit ng pangalan bawing bawi naman sa Lasa. Sa Creamy Palace kasi 'yan pina-gagawa." Did I just heard Creamy Palace?   "Siguro nakakain ka na rin doon at walang ganyang Cake. Hmm.." Sumubo muna siya ng Cake. Itinabi na kasi niya yung Bulgogi at Cake naman ang kinain niya. "This Cafeteria makes an agreement to Creamy Palace na lahat ng Cake or some Pastry recipes na idedeliver nila dito ay hindi nila ilalabas sa Shop nila, so bago sa panlasa ng lahat." aniya   "Farrah, di ba sinabi sayo ni Chef Joseph na 'wag maglalabas ng kahit anong details about dito sa Cafeteria." Naiinis na sabi ni Eunice.   Tumigil sa pagkain si Farrah tsaka tumingin sa'kin. "Mapagkakatiwalaan naman si Tanya e, di ba? Tsaka na carried away lang ako." Masaya niyang sabi tsaka muling kumain.   Nagkibit balikat lang si Eunice tsaka kumain na rin. Kumain na rin lang ako, masarap talaga ang Creamy Cake.   Sa mga oras na kasama ko si Farrah at Eunice hindi ko naramdaman na Maniego ako. Hindi kasi sila tulad ng mga nakikita ko, na puro yaman ang pinag-uusapan.   Dumaan muna kami sa Locker Room para sana mag-iwan ng gamit. Nabibigatan na kasi si Eunice sa dala-dala niyang laptop sa bag.   "Sandali lang ah." Nagpaiwan na lang kami ni Farrah sa labas ng Third Locker Room. Sa First Locker Room kasi ang sa’min ni Farrah, ewan ko nga kung bakit magkakahiwalay.   Sa paghihintay namin, ang hallway sa tapat ng mga Locker Room ay muling nagbigay ng espasyo. Parang alam ko na 'to e. Xandra.   "Si Xandra na naman 'yan.." Ani ng katabi ko, si Farrah. "Not an S but X, hmp." Pag-arte nito. Ano daw?   Tumingin ako sa kanya. Alam niya, syempre alam niya ang lahat tungkol sa University na pagmamay-ari nila.   "Masanay ka na sa ganyang eksena. Maldita kasi ang Xandra na 'yan kaya kinatatakutan." Kaya nga pati ako nasampolan kanina. Tumingin ako sa mga estudyanteng nagkakagulo sa takot. "Malalaman mo naman agad kung sinu-sino ang pinagbibigayan ng daan, may tatlong klase kasi 'yan." Meron pang iba?   Muli akong tumingin kay Farrah. Tatlong klase? "Kapag takot, inis at galit ang ekspresyon sa mukha ng mga estudyante, si Azzelea Caxandra Sarmiento at ang mga kaibigan niya ang lalabas sa daan. At kapag pagkamuhi at paghanga naman syempre yung kambal niya at si—"   "May kakambal pa siya?" pagtataka ko.   "Azzrael Caleb Sarmiento." Sagot ni Eunice na kalalabas lang ng Locker Room.   "The Bad Boy Hunk of the University." Ani Farrah.   "Mana-mana lang 'yan." Utas naman ni Eunice.   "Oy hindi naman lahat. Magkaiba si Tyrone at Claude huh." What? Mga kapatid ko na ba ang topic? Wag! Ayoko. Ayokong topic 'yan.   "Whatever." Tsaka umirap si Eunice.   "Halika na Tanya ituloy natin ang pag-uusap sa daan." Nagsimula kaming maglakad. Mabuti na lang at iniwas niya ako kay Xandra, kundi lagot ako sakanya.   "Nasan na nga tayo?" Tanong ni Farrah.   "Azzrael." Sagot naman ni Eunice.   "Ah! Kapag paghanga at pagkamuhi si Azzrael nga o kaya si Tyrone ang lalabas sa daan, mga Badboy 'yon at walang modo." May inis sa mukha ni Farrah habang kinukwento 'yon. Kung mayabang si Tyrone hindi ko kokontrahin 'yon, pero ang Badboy? Ewan.   "At syempre kapag paghanga.. paghanga.. paghanga.. " Iisa 'yon e. "Syempre si Claude  Maniego. Ang bait kasi niya at responsable."   "Mabait. Pagsusungit na umaabot na sa point nang pagiging mabait, di ba Farrah?" Sarcasm na tanong ni Eunice.   "Hindi ah. Mabait naman talaga siya e." Ah.. She likes Kuya Claude. "Di ba Tanya?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.   Hindi naman sa kumokontra ako, mas mabait si Tyrone kesa kay Kuya Claude. Masungit nga talaga si Kuya Claude kahit saang anggulo.   "Hindi mo ba sila kilala?" Tanong ni Farrah. Malapit na kami sa Soccer Field, masarap daw kasi ang hangin dito. "Kilala mo sila for sure, Maniego Royalty." Sabi pa niya sabay crossed arms.   Hindi ako makasagot. Hindi lang kilala dahil isa ako sa tinutukoy niya.   Nandito na kami ngayon sa isa sa mga Bench ng Soccer Field. Mahangin at masarap magpahinga sa lugar na 'to. Mabuti na lang at papalubog na ang araw.   "Siya nga pala, Tanya. Anong Schedule mo?" Ani Farrah habang hawak-hawak ang Phone niya. Makakagamit na rin ako ng Cellphone dito sa School, madali nang ma-contact ang mga kapatid ko.   Agad kong kinuha ang bag ko tsaka hinanap ang papel na ibinigay sa'kin ni Kuya Claude kanina. Wala 'tong pangalan kaya ibinigay ko ito kay Farrah.   Tumingin muna siya kay Eunice tsaka binasa ang papel. "Halos magka-parehas tayong tatlo. Ang saya naman." masayang bulalas ni Farrah   "Hindi naman lahat." Seryosong sabi naman ni Eunice. Parang buong buhay niya seryoso na siya.   Bakit parang may gusto akong malaman dito sa University na 'to. May hindi ako maintindihan.   "Bakit Eunice?" Wala sa sarili kong tanong.   Nagkatinginan ang dalawa. May hindi nga siguro tama.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD