B*tch
Natapos ang pag-uusap naming tatlo nang hindi nasasagot ang katanungan sa isip ko. There's something wrong in that School. I won’t stop until I find the answer. Curiosity was killing me.
Nandito ako ngayon sa Kitchen, tumutulong sa paghahanda ng umagahan.
"Tanya, wag ka ng tumulong dito. Madudumihan ang damit mo." Pilit na pagpapa-alis sa'kin ni Ate Violet.
"Oo nga Tanya, sayang naman ang damit mo." Pagsang-ayon naman ni Ate Pinky. Kambal sila, ang saya-saya nilang pagmasdan parang walang problema.
"Ayos lang ako Ate Violet at Ate Pinky. Gusto ko lang makatulong." Utas ko habang naghihiwa ng Carrots.
"Hayaan niyo na nga si Tanya. Mabuti nga at mabait na bata ang amo natin, marunong tumulong sa bahay." Pagsang-ayon naman sa'kin ni Chef Susan. Siya ang tagaluto dito sa bahay at si Ate Violet at Ate Pinky naman ang tumutulong sa kanya dito sa kusina.
"Siya nga pala, nasan si Nanay Rosa?"
"Nasa kwarto ni Sir Apollo. Naglilinis para sa pag-uwi niya mamaya." Ani Ate Pinky.
"Uuwi na si Kuya?" Akala ko matatagalan pa siyang umuwi. Finally!
"Yup. Maghahanda kami para mamaya para sa hapunan. Sabay-sabay kasi ang pag-uwi nila. Darating din kasi si Sir Danny at Madame Katherine." Sagot ni Chef Susan habang inaayos na ang pagkain.
"Uuwi silang lahat? Yes. Magkakasama kaming kumain mamaya." Tumalon pa ako sa saya. Hindi ko na tuloy nagawang mag hiwa ng gulay.
"Oh siya pumunta ka na doon sa hapag kainan at aayusin na namin ang pagkain niyo." Tinataboy talaga ako nitong kambal na 'to.
"Okay." hinubo ko ang apron na suot ko tsaka inilapag sa lamesa.
Nagtungo ako sa Dining Room, wala pa ang mga kapatid ko.
Naupo na lang ako sa upuan ko, maghihintay ng makakasama.
"Ang salamin ko?" Ngayon ko lang naramdaman na hindi ko pala ito suot. Nasan 'yon?
Kinuha ko ang bag ko tsaka hinanap doon. Wala. Saan ko ba ipinatong 'yon? Naiwan ko kaya? Ugh! Hindi ka puwedeng mawala!
"Tsk. Burara ka kasi, heto oh." Hindi ko alam kung paano nangyari pero nasa harapan ko na siya. Inabot sa'kin ni Kuya Claude ang salamin ko. Galit ba siya? As usual.
"Good Morning, Kuya." Sa takot ko 'yan lang ang nasabi ko. Sinuot ko muna ang salamin. Baka maiwan ko na naman at pagalitan ulit ako.
"Ts. Morning." Galit nga. Naupo siya sa upuan niya tsaka nagbasa ng diyaryo.
"Your breakfast is ready." Sabay na sabi nang kambal habang inilalapag ang umagahan namin. "Fried Rice, Chinese Cashew Chicken and Potato Salad." Ani Ate Pinky. Ngumiti ako at marahan na inilapit ang mukha ko para maamoy ang pagkain. Sarap.
"Wow. Potato Salad." Bungad na sabi ni Frollo habang paupo na ng upuan niya.
"Fried Rice sa'kin." Sabi naman ni Tyrone. Umupo na rin siya sa tabi ko.
"Pang-Lunch 'yan hindi Breakfast." Reklamo ni Kuya Claude, hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa diyaryo na hawak niya. Umagang-umaga nagagalit. TSS.
"Masarap naman, Kuya" sagot ni Frollo, nagsisimula na kaming kumain pero si Kuya nanatiling nakaharap sa diyaryo at walang balak kumain.
"Kape na lang sa'kin, Ate Violet. Pahingin na rin ng tinapay." Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga.
Natapos na kaming kumain, ang sarap talaga. Nauna kaming tatlo sa sala habang naghihintay kay Kuya Claude na matapos sa pagkain.
"Ate, kamusta pala ang first day mo sa School?" Itinuon sa'kin ni Frollo ang atensiyon niya. Hindi na naman kailangan na pag-usapan.
"Ayos naman. May mga kaibigan na nga ako." nakangiti kong sabi. Totoo. Farrah and Eunice. They're really nice.
"Talaga? Sino?" Ani Tyrone.
"Si Farrah and Eunice." Sagot ko naman. I sure he knows them well.
"Farrah? As in Farrah Ysabelle Montgomery? Ate di nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Frollo. Tumabi pa siya sa'kin dahil sa pagtataka. See? At mukhang may hidden agenda pa ang bunso ko. Cute.
"Someone's blushing. Crush kasi ni Frollo si Farrah. Tsk." Napakamot pa sa ulo si Tyrone. So? There's nothing wrong with it at all. It's normal for a teenager to admire, especially to an extraordinary person.
Ginulo ko ang buhok ni Frollo. "Binata na siya oh."
"Ate matagal na." Inalis niya ang kamay ko sa ulo niya. Nainis ang bunso ko. "Ate pakilala mo ako kay Farrah, please?" Nagpuppy-eyes pa siya. How adorable my baby brother is. Aww.
"Si—"
"Baka nakakalimutan niyo, hindi natin kapatid si Pia sa labas." Ani Kuya Claude na kapapasok lang ng sala. Nakalimutan ko. Sorry.
"Ay oo nga pala." Napakamot sa batok si Frollo. "Sayang naman." May panghihinayang sa mukha ni Frollo. Soon, baby. Soon.
"Frollo, baka nakakalimutan mo Maniego ka. Kahit sino kilala ang bawat isa ng Pamilya, kaya wag kang mag-alala kilala ka ni Farrah." Pag- aassure ni Tyrone kay Frollo. Talaga lang, huh?
"Not fun at all." Seryosong utas ni Kuya Claude. Humarap siya sa'min at tumingin sa'kin. "Xandra touched Pia. I may not be there, but I know everything."
Paanong...? Oops! He's the President of the school. I almost forgot about that.
"For real, Tanya?" Agad na tanong ni Tyrone. Nag-aalala siyang tumingin sa akin.
"Hindi naman sa ganon. Nakasalu—" Pinutol ni Tyrone ang sasabihin ko. "Anong ginawa niya?" Aniya
Umiling ako tsaka yumuko. Ayokong magsumbong lalo na't ginusto ko naman ang ginagawa ko. Halos ikulong na nila ako para lang itago at ngayon na nakalabas na ako, gusto kong tapusin ang nasimulan ko. I don't want to ruin everything.
"Tanya.." Galit na wika ni Tyrone. Mabait siya pero pag nagalit, mahirap na. "Kuya mo 'ko, kaya sabihin mo sa'kin kung anong ginawa ni Xandra sa'yo."
Naiyak ako sa sinabi niya. Bihira naming pag-usapan ang gap sa age naming dalawa, matanda nga siya ng isang taon sa'kin pero ayaw niyang tinatawag ko siyang Kuya. Pero ngayong galit siya, gusto niya akong protektahan bilang Kuya ko. Pinilit kong pigilin ang mga luha ko.
Lumapit siya sa'kin tsaka ako niyakap. "Andito lang si Kuya pag kailangan mo ng tulong. Prinsesa ka namin kaya dapat hindi ka inaapi ng kung sinu-sino lang." Inangat niya ang mukha ko tsaka pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko. "Ang ganda ganda mo tapos aapihin ka lang. Upakan ko 'yon e. Anong gusto mo ipalapa ko kay Arthur?"
"Kuya hindi kaya ni Arthur yun, masyado pang bata 'yon. Dapat si Silvester, para hanggang kaluluwa." Sabat naman ni Frollo. Natawa na lang ako. Silvester and Arthur are Siberian Husky, bata pa nga lang si Arthur kaya hindi pa nakakatakot pero si Silvester kaya kang patayin sa takot.
Tumingin si Tyrone kay Kuya Claude. "Anong ginawa ni Xandra kay Tanya?" Tanong nito.
"Wag na, Tyrone. Lalayo na lang ako sakanila." Protesta ko.
"Hindi ikaw ang dapat lumayo. Sila ang lumayo sa'yo dahil ikaw si Piarra Britt--" Pinutol ni Kuya Claude ang sasabihin ni Tyrone.
"Wag mo ng problemahin Tyrone. Ako na ang bahala." Tumalikod siya sa'min. "Umalis na tayo." Tsaka nagsimulang maglakad si Kuya Claude palabas ng bahay.
Sumunod na lang kami kay Kuya. Inakbayan ako ni Tyrone habang palabas kami ng bahay. "Sorry, wala ako kahapon para protektahan ka."
"Naks naman. Ayos lang ako 'no."
"Hindi yun okay. Next time tawagan mo 'ko, anong silbi niyang Cellphone mo kung hindi mo gagamitin." Aniya. Tama nga naman. Pero hindi naman puwede.
"Hindi nga kasi pwede. Medina ako sa School."
"Kahit na. Pwede naman nating sabihin na magkaibigan tayo. Tsaka, wala silang magagawa dahil ako ang makakalaban nila." Binatukan ko siya. Arogante.
"Ang yabang mo talaga. Pumunta ka na nga sa kotse mo, baka malate na naman tayo." Tinulak ko na siya. Ang clingy masyado. Ayst.
"Sige. Bye. Call me huh!" Pahabol pa niya.
"Ewan." Dumiretso na ako sa kotse ko. Nandoon na pala si Mang Garry.
Papasok na sana ako ng tawagin ako ni Frollo. "Ate, Call me rin huh! Malapit lang naman ang High School Department doon. Madali nang tumakbo para puntahan ka."
"Ts. Oo na. Sige Bye. Ingat kayo ni Kuya Claude." Niyakap ko siya.
"Bye Ate. See you sa School." Tumakbo na siya pa papunta sa kotseng gagamitin nila ni Kuya
Nauna ang kotse ni Tyrone, sumunod ang kotse ko tsaka ang kotse nina Kuya. Kahit ganito, may mga taong nagpo-protekta pa rin sa akin.
"Miss Tanya, sorry hindi ko alam na inaaway ka na pala kahapon. Akala ko kasi--"
"Mang Garry, pati ba naman po ikaw? Ayos lang naman po ako. Walang masakit, walang galos at walang problema. Sadyang bago lang ang kaalaman ko sa paligid kaya nagkagano'n."
Bagong-bago. Sana nga may makapag-sabi naman sa'kin ng mga bagay na dapat kung gawin at ang mga bagay na hindi ko dapat gawin. Hindi kasi ako iniinform, kaya ayon nagkagulo.
"Tanya!" bungad sa'kin ni Farrah pagpasok ko ng Classroom.
Bakante ang upuan sa tabi niya kaya doon ako umupo.
"Good Morning, Farrah," bati ko.
"Good Morning din," bati niya pabalik sabay nakipagbeso sa'kin.
Inayos ko ang pagkakalagay ng bag ko sa upuan. Shoulder bag ang gamit ko ngayon, hindi ko pa kasi 'to nagagamit baka masira lang.
"Hey, Tanya. Ang ganda ng bag mo." Nakangiting puri ni Farrah. Totoo maganda nga 'to, kulay Cream kasi Simple at Elegante kung titignan. "Kate Spade? Wow, ang mahal kaya niyan," sabi niya sabay umayos sa pagkaka-upo.
"Magkano ang bili?"
Nabigla ako sa tanong niya kaya hindi ako agad nakasagot. Tinatanong talaga niya ako? Hindi ko alam.
"Huh? An-ano kasi..."
Ano ba ang dapat kong sabihin? Dapat akong lumayo sa malaking katotohanan.
"Bigay lang sa'kin," nag-aalinlangan kong sagot. Sana maniwala siya.
"Pwedeng makita at mahawakan? May ganyang brand ng bag si Mommy, gusto ko rin sanang magpabili kaya lang medyo may kamahalan." Ngumiti ako tsaka tumango. Alam ko kung ano ang gusto niyang makita.
"Ayos lang." Kinuha ko 'to tsaka binigay sa kanya.
Tuwang tuwa siya habang pinagmamasdan ang bag. "Pwede ko bang buksan?" Tanong pa niya.
"Oo naman." Nakangiti kong sabi.
Binuksan nga niya 'to. Ngumiti na lang ako.
"Wow," aniya pagbukas ng bag. Nabigla ako kaya agad ko siyang hinawakan.
"May problema ba?" nagtataka kong tanong.
Nanlaki kasi ang mata niya na parang ngayon lang nakakita ng isang bagay.
"Sh*t. I'm so blessed," sabi pa niya.
"Ano ba kasing problema?" Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Original. Saka, ikaw pa lang ang nagdadala ng ganyang bag dito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam ko naman na mangyayari 'to, hindi ko lang inexpect na mapapa-aga.
"Sorry, I checked the inner part to know if it is original or fake. Sorry to offend you, pero first time ko kasing makakita ng isang estudyante na nagdadala nang bag na milyon ang halaga." Mas lalo akong nabigla sa sunod niyang mga sinabi.
"Milyon? Milyon ang halaga niyan?"
"Hindi mo alam?" aniya
Umiling ako.
"Myghad, Tanya. Patingin nga ng sapatos mo." Yumuko siya tsaka tiningnan ang sapatos ko.
Ipinakita ko naman ito.
"Louis Vuitton, Milyon din ang halaga niyan, eh." Napakamot siya sa batok. "Saka napansin ko lang, ibang bag ang gamit mo tsaka sapatos kahapon. Sa pagkakatanda ko Louis Vuitton din ang sapatos mo kahapon pero ibang design and then yung bag mo backpack pero Chanel. Umamin ka nga... Anak ka nang Presidente 'no?" Pinandilatan niya ako ng mata.
"Huh? H-Hindi.." Ito ang pinaka ayaw kong mangyari. Ayoko ng magsinungaling.
Nagkibit-balikat na lang siya tsaka ibinalik sa akin ang bag. Umayos na rin kami sa pagkaka-upo.
Kaming dalawa lang ni Farrah ang magkaklase sa Subject na 'to, 'Major Subject' lang kasi ang nakalagay.
"Sorry class, I'm late." Pumasok ang isang lalaki na nasa 20's ang edad. Professor namin? Gwapo siya at chinito."Ako nga pala si Ashton Lee ang magiging Golf Professor niyo." Kung hindi siya nagpakilala mapagkakamalan ko siyang estudyante rin katulad namin.
Wait..What? Golf? May golf subject ba? Akala ko ba major subject? Baka naman nagkakamali lang siya 'no.
"Yes!"
"First Subject, easy."
"Ang gwapo ni Sir."
"Golf lang? Tsk. Easy Money."
Omg! May Golf nga.
"Wag niyong i-easy easy ang golf class. Dahil dito mahahasa kung kaya niyo bang makitungo at makihalubilo sa taong kakailanganin niyo." Seryosong utas ni Sir. Wait, what? Anong klaseng mga subject ba ang meron dito? Baka naman may casino rin dito ah.
Pero bakit? Golf class talaga? Hindi sa natatakot ako kasi marunong naman akong mag-golf, Daddy teach us how to play golf. Pero bakit golf? Laro lang 'yan.
"Sir, tuturuan niyo po ba kami?" tanong ng kaklase kong babae.
"Kaya nga ako nandito para turuan kayo. Next week tayo mag-aactual game, magle-lesson muna tayo ngayon." Totoo? Hindi ba dapat Calculus, Physics, English or something na totoong subject? Bakit golf?
"Farrah.." Lumapit ako ng konti sa kanya para marinig niya.
"Why?" Aniya
"Golf talaga? Bakit golf class?" bulong ko.
"Major subject kaya natin 'to kaya kailangan nating makinig.." Major? Major Major? Hindi ma-absorb. Promise.
Umayos ako sa pagkaka-upo at muling nakinig kay Sir. Major pala talaga 'to.. hindi naman ako na-inform. Just sit and listen, Tanya. Golf lang 'yan. Golf pa lang.
"So.. before we start the discussion in this class. Who has the background in playing golf? Or Who played golf here?" Tanong ni Sir.
Luminga-linga ako, nakita ko si Tammy, Wayne at Joao na tumaas ng kamay, ang mga pinsan ko. Hindi na ako nagtaas ng kamay, ayokong mabisto sa napaka-agang panahon. Unang klase pa lang pero marami na akong nalalaman. Wag pahalata.
Tinuruan naman kaming magpipinsan sa paglalaro ng Golf kaya hindi na kami maninibago sa larong 'to. And Kuya Claude is the best for this game.
"Oh! Maniego Royalty. What should I expect?" Kaya nga hindi na talaga ako tumaas pa ng kamay. Ininform naman sa'kin na wag daw ako gagawa ng mga actions na paghihinalaan ako ng mga tao sa paligid ko. Maniego knows everything. I'm not Maniego here.. so I act normal and nothing special.
"Pero wala na bang kahit isa sa inyo na marunong maglaro ng golf?" Muling tanong ni Sir, gustuhin ko man ang tumaas ng kamay pero hindi pwede. "After three years of my teaching, Maniego's always on the line. I expect one who can break them down here."
Tsk.
Tumaas man ako ng kamay useless din dahil Maniego pa rin ang nananalaytay na dugo sa'kin.
Tumingin ako sa mga pinsan ko. They're watching me. Medyo na insultong ekspresyon ang ipinapakita nila sa akin, sabihin ba naman yun ng harap harapan. Kaya siguro parang pinatataas nila ako ng kamay kasi ibang apelyido ang dala ko at marunong akong maglaro. Hindi nila alam Maniego din ang totoong apelyido ko. Ngumiti na lang ako at umiling. Ayoko. Ayoko ng madagdagan pa ang kasinungalingan ko, masyadong mabigat baka hindi ko na kayanin sa susunod.
"Sir, let's start the discussion? We need to finish the Rules, medyo marami po 'yon." Tumayo si Tammy. Hindi na siguro makapag-pigil. Napa-ngiti na lang ulit ako.
"Oo nga pala." Natauhan si Sir kaya nag start na siyang mag turo.
Naging pre-occupied ako buong klase, nahihirapan na akong magsinungaling. Hindi na talaga tama. Pero kailangan.
Paano ko babaguhin ang mga nasimulan ko na. Mahirap sirain ang tiwala ng tao. Mas mahirap kong mas tatagal pa. I am sure sooner or later babagsak na lang ako sa bigat at wala ni isa ang sasalo sa akin. Masakit.
"Saan na tayo?" Tanong ko kay Farrah, naglalakad kami ngayon patungo kung saan. Hindi kasi nagsasabi kung saan kami pupunta, eh.
"Basta!" aniya. ‘Yan lang sagot niya simula kanina, ewan.
"Farrah, may galit ka ba sa mundo? Tumigil naman tayo oh," reklamo ko.
"Malapit na tayo. Konting lakad na lang."
Hayst.
Huminto siya sa harap ng isang shop, shop sa loob ng University. May bibilhin lang pala siya. Hindi agad sinabi.
"Let's go?" aniya.
Sumunod ako sa kanya papasok ng shop. Shop with different merchandize, bags, shoes, dress or something na gusto ng mga babae.
"Girls shop, para sa'tin. Sa kabilang shop store ang para sa mga boys," aniya.
Nakakapagtaka lang kasi. Pinapayagan ang ganitong tindahan sa loob ng paaralan? Kung bookstore lang sana 'to baka puwede pa.
"Mamili ka na diyan, Tanya. I know ibang iba ito sa mga gamit mo, pero try mo magaganda rin naman yan e." Aniya habang busy siya sa pamimili. I don't care kung malayo ito sa mga gamit na binibigay sa akin ng mga magulang ko. I just want a normal life.
"May klase pa tayo." I uttered.
"After lunch, Tanya. You should check some stuff here. Go! Find something you want. I'm just here." Ayaw talaga magpapigil.
Tsk. Sige na nga.
Pumunta ako sa stall ng mga libro. I love reading books. Mabuti na lang may mga libro dito.
Tumingin ako sa Science Fiction. "Hmmm.." halos lahat meron na ako. May isang libro na lang akong hinahanap, yung bagong labas na Hunger Games na libro. Tsk. Ang hirap kasing humanap no'n. I'm just caught to the idea of the writer for writing that such a challenging life. I hope no one in this world sacrifices their lives for another, not being so selfish but to love yourself first before someone else.
Pumunta ako sa dulo ng bookshelf.
Is it true? Why is it so untrue? Upgraded ang lugar na 'to. Wala akong mahanap sa kung saan tapos nandito lang siya?
Meron sila? Ghad. I'm so blessed.
Tumingala ako tsaka nagpasalamat.
"Thank you po."
Kukunin ko sana ang libro nang may biglang kumuha nito. Ako ang nauna ah.
"Sorry, pero ako unang nakakita--" Hinarap ko ang lalaking kumuha nito, tsaka tinuro ang librong hawak niya. Gwapo siya at medyo familiar, pero wala akong oras para kilalanin siya dahil ang gusto ko ay ang libro. Nakangiti lang siya sa'kin habang nakatunganga. Ngingiti-ngiti wala namang dimple. Tss. "Hoy! Akin yan!" Sigaw ko pa sa pagmumukha niya kaya medyo natauhan.
Umayos siya sa pagkakatayo tsaka muling ngumiti. "Bakit hindi mo kinuha? Teka nga, Miss. Hindi mo ba ako nakikilala?" Lumapit siya sa'kin na parang naghahamon ng away.
"I don't freaking care who the hell are you. Just give me back my book." Sigaw ko tsaka hinila ang libro. Akala niya. Mabait ako, sa mabait sa akin. Kung bastos ka, bastusan tayo. Hindi ako tinuruan ng mga magulang ko na maging mabait sa kaaway. Dahil lahat daw hindi pantay-pantay ang turing sayo.
"Sh*t. That's mine. I'm the first one who get that. You b*tch." Sigaw niya, tsaka niya hinila ang libro mula sa akin. Umuusok na talaga ang ilong ko sa galit. Buisit. Tinawag niya ba 'kong B*tch? Sumusobra ka na talaga!
"But I'm the one who saw that. I'm just saying thank you to God kaya hindi ko agad nakuha." Hihilahin ko na sana ulit ng itaas niya ang kamay niya. Mataas pa naman itong halimaw na 'to. Tss. "Mister. Sana kunin ka na ng taga-sundo mo sa lupa. HALIMAW." Sigaw ko sa mukha niya tsaka siya iniwan dun. Halimaw siya. Halimaw. Bastos.
"I'LL HUNTED YOU! HUMANDA KA! B*TCH" Sigaw niya pa. Umirap lang ako sa ere tsaka nagmartsa pabalik kay Farrah.
"Hanapin mo."
Oh Gosh. Nagiging B*tch na nga ba ako? Ganito ba ang epekto sa akin ng hangin dito? Poisonous.
Tsaka anong tinawag niya sa akin? B*tch? Anong B*tch? Hinawakan ko ang mukha ko. Namumula nga pala ako pag galit. Kainis. Nakita niya kaya ang pamumula ng mukha ko?
Padabog akong bumalik kung nasaan si Farrah. Dapat pala hindi na lang ako naghanap ng libro nang hindi ko nakita ang librong 'yon at hindi ko nakilala ang lalaking 'yon. Buisit.
Kainis. Alam niyo 'yon? Yung kayo ang nauna at nakakita pero naagaw pa ng iba! Buisit.
"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? You wanna eat people?" Tumigil siya sa pamimili.
"Hindi. Ah basta... naiinis lang talaga ako." Kumukulo talaga ang dugo ko sa taong 'yon. Ngayon lang talaga ako nainis ng sobra.
"Bakit? May gusto kang bilhin?" Aniya
"Meron. Meron talaga." Inis kong sabi habang nagdadabog.
"Bakit hindi mo bilhin? Halika samahan kita." Hinila niya ako, pero agad kong binawi ang kamay ko.
"Wala na."
"Huh? Anong wala na?" Tumungin siya sa'kin.
"Wala na! Wala na yung libro. Kinuha nang walang modong lalaki na akala mo kung sinong gwapo na ngingiti ngiti pa wala namang dimples. Kainis. Buisit. Ugh!" Gusto kong sumabog.
"Hoy kalma. Namumula ka." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Sino ba 'yon?"
"Ewan. At hindi ko na gugustuhing malaman pa. Buisit. Bakulaw. Halimaw. BASTOS!" Lumabas ako ng shop at iniwan si Farrah. Ayoko na sa lugar na 'yon, hindi makatarungang lugar. Tsk.
"Hey! Wait."
"Kain tayo?" Tanong ko. Ginutom akong bigla sa nangyari, stress eating.
"Sure. Pero bakit badtrip ka?" Aniya.
"Wag na nating pag-usapan. Kain na lang tayo." Tsaka ko siya hinila papuntang Cafeteria.
Ayokong magalit. Masama 'yon. Masama. Ang laki-laki na nga ng kasalanan ko dadagdagan ko pa. Love Your Enemies, Phoebri. Love Everyone. Love that HALIMAW.
"Oh saan kayo galing? Pinuntahan ko kayo sa Room niyo, ang bilis niyong nawala ah." Bungad sa'min ni Eunice. Kitang kita sa itsura niya ang pagod. Ito kasing Si Farrah. Kasalanan niya lahat.
"Si Farrah kasi dinala ako sa Shop." Paliwanag ko.
"Ikaw talaga Farrah. Pati si Tanya sinasali mo sa kalokohan mo." Aniya.
"Hindi naman masaya. Nabadtrip kasi 'tong si Tanya. Bigla-bigla umaalis." Tsk. Big deal talaga sa kanya ang pag-alis ko, nabitin sa pamimili?
"Mabuti nga, napigilan ka." Natatawang utas ni Eunice. "Siya nga pala Tanya kanina pagpunta ko sa room niyo nandoon si Tyrone.. TYRONE MANIEGO hinahanap ka." What? Yung mokong na yun hindi nag-iisip. "Magkakilala pala kayo?" Bigla-bigla niyang tanong. Bumagsak ang balikat ko.
Patay na ako nito pag nalaman ni Kuya. Such a dirty moves, Tyrone.
"Huh?" Anong sasabihin ko? "An.. Ano kasi.." buisit na Tyrone yun oh! Ako ang naiipit sa ginagawa niya.
Ito na ba yung maagang karma? Kanina yung lalaking-ngingiti-ngiti-wala-namang-dimples tapos ngayon ang biglang sulpot ni Tyrone? Ano ba 'yan.
"Close kayo?" Tanong naman ni Farrah. Omg! Liars go to hell. Siya 'tong may kasalanan ako naman 'tong may kaparusahan. Saan na ako pupulutin nito?
"Ewan?" Hindi sure kaya patanong? Huhu hindi ko talaga alam.
"What's with the 'EWAN'? You okay?" Nag-aalalang tanong ni Farrah. Ngumiti ako ng hilaw tsaka tumango.
"You know him or not?" Tinititigan niya ako. Nakakatakot talaga siyang tumingin. "Stay away from them. Hindi magiging normal ang buhay mo dito kung lalapit ka sa kanila. They are all rot you in hell." Tsaka niya kami iniwan ni Farrah. Tiningnan muna ako ni Farrah bago niya 'ko kaladkarin ulit para sumunod kay Eunice.
Nakayakap na siya sa braso ko habang nakikipagsabayan ng lumakad kay Eunice.
"Bitter lang 'yan." Bulong sa'kin ni Farrah. "One of the Maniego Siblings is her first love. That's why." Napatulala ako. One of them? The Who?
Tumingin ako kay Farrah, nakangiti lang siya habang nakayakap pa rin sa braso ko. "Sino?"