bc

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG

book_age18+
257
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
submissive
CEO
heir/heiress
bxg
humorous
office/work place
poor to rich
sassy
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

After becoming unemployed, mischievous Maggie landed a job as a waitress in a fine-dining restaurant called La Dolce Vita. Determined to earn money to make ends meet, she promises herself that she won't cause any trouble at her workplace. But things got messy when she fell in love with her boss, Mr. Knox Herrera, the cold-hearted restaurateur who wants to earn a spot in the food industry. She helped him in every way she could to assure his success and her efforts has been paid off. La Dolce Vita is now on its glory and it annoyed Keaton so much. The competition between Knox and his stepbrother Keaton was intense. Maggie needs to make sure that she can protect Knox at all costs before Keaton gave him a huge blow that could destroy him for life. 

But what if Keaton has his own way of silencing her? Will she let him use her on his own favor? Or she will fight him in a way that he will stop bothering his own brother forever?

What if Knox discovered her deepest secret, will he be able to accept her, or Knox will turn his back on her because she lied?

 

chap-preview
Free preview
ENCOUNTER WITH A PERVERT
Mabilis na naglalakad si Maggie patungo sa bus station. Balak niyang magsurprise visit sa nobyong si Rupert nang araw na iyon dahil first anniversary nilang dalawa bilang mag nobyo. Sa totoo lang, wala siya sa mood ng araw na iyon dahil sa mga naririnig-rinig niya na may kinalolokohan itong ibang babae. But for the sake of their anniversary, hindi na lang muna niya iyon papansinin.    Si Rupert ay isang anak mayaman na nagmamay-ari ng isang private textile company. Siya naman ay isang simpleng empleyado lamang ng mga ito na kalaunan ay nagresign rin dahil sa may naka-away siyang katrabaho. Sa ngayon ay naghahanap ulit siya ng mapapasukan dahil kailangan niyang suportahan ang kanyang sarili habang nasa Maynila siya. Papaliko na sana siya sa isang kanto nang bigla siyang harangin ng isang lalaki na kataka-takang nakasuot ng mahabang coat sa gitna ng arawan. Noong una ay dinedma niya ito at nagpatuloy sa paghakbang ngunit idinipa ng lalaki ang magkabilaang kamay nito. Dahilan upang makita ng dalaga na wala itong suot na kahit na ano sa ilalim ng coat. Nagpalatak ang dalaga habang umiiling-iling. "Kung may balak kang magpakita ng ari mo sa ibang tao, maano ba namang linisan mo muna 'yan, masyadong madamo, tabasan mo na rin ng kahit na kaunti para hindi naman nakakahiya."   Nanlaki ang mga mata ng lalaki at napalunok. Marahil ay hindi nito inaasahan ang naging reaksyon ng dalaga. "Ano'ng ibig mong sabihin?"   Napaismid ang dalaga at muling tiningnan ang lalaki. "Dapat rin sana nagpatuli ka naman muna bago mo 'yan ibinuyangyang sa harapan namin. Hindi ka ba nahihiya na ipakita 'yan sa ibang tao gayong sa tanda mong iyan ay hindi ka pa tuli? Isa kang dakilang m*ny*k na s*p*t!"   Tila mas napahiya at nanliit ang lalaki sa sinabi niya. Pasimple nitong itinali ang suot na coat at yumuko.   "Get out of my way, wala ako sa mood makipaglaro sa'yo!"   Nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga. Isinuot niya ang wireless headset na nabili niya at kasalukuyan siyang naghahanap ng magandang music na pakikinggan ng maramdaman niyang may biglaang yumakap mula sa kanyang likuran. Ramdam niya rin ang tila matulis at matigas na bagay na nakatusok sa may bandang pwetan niya. She is 5'9 and big boned, she is actually massive! Alam niya kung sino ang pangahas na lalaking iyon. Muli niyang ibinulsa ang hawak na phone at mahigpit na hinawakan ang magkabilaang kamay ng lalaki hanggang sa tuluyan itong makabitaw sa kanya.   "Aray! Masakit! Bitawan mo ako!" hiyaw ng lalaki. Halos hindi na mapinta ang mukha nito sa kakangiwi.   Hindi niya iyon pinakinggan, sa halip ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito na animo'y mababali na sa pagkakahawak niya pa lang. He's probably 5'4 in height and she can simply outpowered the guy aside sa payat rin ito hindi kagaya niya na well-built ang katawan, alagang gym kumbaga.   "Sorry man, you've chosen a wrong victim for today. Now, listen to me very carefully. And don't make me repeat what I'm going to tell you. You have to stop your dirty hobby as soon as possible because if one day, makikita kita ulit doing this kind of s**t, I swear to God, I'm gonna break your tiny covered pututuy with my bare hands. Did I make myself clear?"   "O-o! Oo, b-bitawan mo na ang mga kamay ko!" kandangiwing sambit ng lalaki.   "Listen, siguro kaya malakas ang loob mo na gawin ang bagay na ito dahil walang cctv sa lugar na ito. But I'm telling you, hindi kita papatahimikin sa oras na malaman kong nang pe-perwisyo ka pa ng ibang tao."   Matapos sabihin iyon ay marahas niyang itinulak ang lalaki at kaagad itong sumadsad sa tambakan ng basura. Sinenyasan niya pa ito na gigilitan ng leeg at ng ulo sa baba kapag hindi pa ito nadala.   "Mama!" sigaw ng lalaki at nagtatatakbo papalayo sa kanya.   Muli na namang napailing ang dalaga. Iyon ang mahirap sa ibang kalalakihan, akala nila ay kayang-kaya nila ang mga babae. Saktong kakasuot niya lang ng earphone sa tainga niya nang makatanggap siya ng tawag mula sa isa sa mga kaibigan niya, si Redjie.   "Yes, babe?" aniya. Babe kasi ang tawagan nilang magkakaibigan. Minsan naman ay babies.   "Nasaan ka ngayon?" diretsahang sagot nito.   "I'm on my way to my future husband, why?"   "Great! Bilisan mo at baka wala ka ng abutan!"   "What do you mean?"   "You'll find out, soon! Kaya bilisan mo na at puntahan mo na siya sa bahay niya. Better take a cab, huwag ka nang sumakay ng bus."   "Yeah! Bilisan mo babe at huwag kang papatay-patay diyan!" sigaw naman ng dalawa niya pang kaibigan na sina Percy at Jamaica.   'Ano na naman kaya ang ginawa ng mokong na 'yon at highblood na naman ang mga babies ko?'   "Sige na babies, may nakita na akong taxi, kung anuman 'yang mga nasagap na tsismis ninyong tatlo, better pray na totoo lahat ng iyan dahil kung hindi ililibre ninyo ako ng breakfast, lunch at dinner for a month!" aniya.  She needs to put their suspicions to rest dahil nagsisimula na rin siyang maapektuhan sa mga naririnig niya. C'mon, she's already thirty and Rupert is the man she wants to marry. Gusto na niyang mag settle-down and it's not gonna happen if Rupert is proven guilty without reasonable doubt. "Manong sa Catalina Subdivision tayo." Utos niya sa driver ng makasakay siya sa taxi. Hindi na niya tiningnan pa ang driver dahil ini-enjoy niya na lang ang sarili sa pakikinig sa mga kanta ni Avril Lavigne sa kabuoan ng kanyang biyahe.   "Dito na tayo, miss!" pukaw sa kanya ng driver.   "Magkano?"   Itinuro ng driver ang metro ng sasakyan nito at nakita niyang 210 iyon. Kinuha niya ang kanyang wallet at nagbayad sa driver ng buong 300. Hindi na niya hinintay na suklian siya nito. Umalis na siya kaagad at patakbong lumapit sa bahay ng nobyo. Ganoon siya tuwing sumasakay ng taxi o nagpapadeliver ng kung anu-ano. Tinitiyak niyang nagbibigay siya ng kahit maliit na tip para may pangsnack ang mga iyon, Pampalubag loob na rin at syempre pasasalamat dahil ginampanan ng mga ito ang mga trabaho nila ng maayos.   Alam niya kung saan nakatago ang susi ng nobyo kaya kaagad rin siyang nakapasok nang hindi nangangailangang mang-istorbo para pagbuksan siya. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay nakita niyang nasa kusina ang nobyo at nagluluto ng omelet. Napangiti siya. Pinagmasdan niya ang hitsura nito. Nakasuot lang ito ng boxer short habang nakapulupot pa ang necktie nito sa ulo. Hula niya ay nalasing ito kinagabihan kaya ganoon ang ayos nito. Marahil ay kagigising lang nito at nakaramdam ng gutom. Lalapitan na sana niya ang nobyo ngunit nagulat siya ng biglang may nagbukas ng kwarto nito. If her brain serves her right, Rupert lives alone at may naglilinis lang ng bahay nito tuwing weekend at Lunes ng araw na iyon. Kung gayon, sino ang kasama nng hinayupak?   "Rupert, my cupcake, matagal pa ba 'yan?" anang isang boses babae.    Pagtingin ng dalaga ay natutop niya ang kanyang bibig nang makilala kung sino iyon. Suot nito ang isang manipis na nighties tanda na sa bahay ng nobyo ito natulog. "Almost done, cutie pie! Gugutom ka na ba?" sagot ng binata. Lumapit pa ito sa babae at malanding kinurot-kurot ang pisngi ng babae. Samantalang ang babae naman ay parang bata na animo'y kilig na kilig.   "Cupcake?! Cutie Pie?!" bulalas niya.    Sa lakas ng dagundong ng boses niya ay kaagad iyong nakarating sa pandinig ng dalawa. Napatili pa ang mga walanghiya pagkakita sa kanya. "M-maggie?!" magkapanabay na wika ng mga ito habang takot na takot na nakatingin sa kanya.              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook