bc

Seeking Justice

book_age18+
379
FOLLOW
1.4K
READ
HE
stepfather
bxg
musclebear
love at the first sight
surrender
like
intro-logo
Blurb

Naghahanap si Luke Zamora ng hustisya para sa kanyang amang napatay kahit na dumadaan sya sa butas ng karayom mapanagot lang ang mga may sala ngunit ang hindi nya alam na ang kanyang half brother ay isa din palang lihim na silent killer sa murang edad ni Ethan Zamora ay natuto na syang humawak ng baril at pumatay ngunit paano kong sya na mismo ang inutosan na pumatay sa nakakatandang kapatid makakaya ba ni Ethan na kalabitin ang gatilyo ng baril na nakatutok sa tapat nang puso ng kanyang kapatid at ilang milya lang ang layo sa pinagkukoblihan nila ng mga kasamang pumatay sa kanyang ama.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Kumukuha ng kursong architect si Luke Zamora at mag isang Naninirahan sa Manila dahil muling nadestino ang kanyang ama na si Alejandro sa dati nitong trabaho bilang isang sundalo kasama ang Mommy Carmen nya. Nangupahan ulit ang kanyang mga magulang malapit sa trabaho nito habang ang kanyang ina ay isang mananahi Ginagamit pa din nito ang may kalumaan na nyang makina sa pananahi na libangan nya para hindi mainip at isa din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan para makatulong kay Alejandro. Araw-araw ay may nakukuha si Carmen na customer kaya laking tulong sa kanilang mag asawa na may pandagdag gastosin sa pag aaral ni Luke. Ngunit lingid sa kanila ay nagtratrabaho din si Luke bilang isang working student para naman masabayan nito ang yaman ng kanyang girlfriend na si Donna ngunit hindi inaasahang nabuntis nya ito na labis ipinag tataka ni Luke dahil nag iingat sya. Takot pa si Luke na pumasok sa buhay may asawa, dahil Papatapos palang sya sa kanyang pag aaral at isa pa nahihiya ito sa mga magulang nya na nagsisikap mapag-aral siya kaya kahit malayo sa kanya ay tinitiis ng mga ito para mabigyan siya ng magandang buhay. Dahil sa nakikitang Ginagamit ng kanyang ina bilang contraceptive, ay ginaya nya ito sa kanyang girlfriend ngunit hindi naman epiktibo nabuntis pa din ito handa naman syang panindigan ito kahit may takot sa Dibdib na ma-disappointed, ang kanyang mga magulang. Napilitan si Luke na sabihin kay Donna ang kanyang pag iingat na mabuntis ito dahil nagpupuyos na sa galit si Donna sa pag aakalang ayaw siya ni Luke panindigan ngunit ng marinig ang sinabi ni Luke ay tila ito binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagbago ang Aura, nito at biglaan din siyang pinaalis ng walang dahilan. Kahit puno ng pagtataka at katanungan ang isipan ni Luke ay napilitan siyang umalis sa bahay ng kasintahan at unawain ito. Sa sumunod na araw ay binalikan niya si Donna dahil sa pag aakalang parte ito ng paglilihi ni Donna at baka sakaling malamig na ang ulo nito sa kanya bitbit ang biniling mga pasalubong na prutas at bulaklak ay muling nagtungo si Luke sa bahay nito ngunit nagtaka sya ng iba na ang nakatira sa bahay na tinutuluyan nito. Ate ni Donna, ang sumalubong sa kanya ito na din ang bagong nakatira sa bahay at ibinalitang umalis ng bansa si Donna at umuwi sa bahay ng magulang nila na nasa America at sinabing hindi lang sya ang lalaking naghahanap dito na may mga bitbit ding regalo, para sa kapatid nito at parehong boyfriend din ang pakilala ng mga ito. M-Masama ang loob ni Luke, na inabot sa ate ni Donna ang mga biniling pasalubong para sana sa kasintahan at magiging anak nila ngunit hindi lang pala sya ang naging boyfriend nito marami sila at napatunayan nya ding umepekto naman ang pag iingat niya na huwag itong mabuntis. Dahil sa sobrang sama ng loob ni Luke ay nakipag inuman sya sa kapitbahay at kaibigan nyang si Grey Bautista, at halos hindi na niya nagawang pumasok sa kwarto at sa sala na lang nakatulog. Kinabukasan kalabog ng pintuan at ingay ng cellphone na nag vibrates ang gumising sa kanya patamad na binuksan ni Luke ang pinto dahil sa nararamdamang hangovers' at inuluwa ang humahangos na si Grey nawala ang antok ni Luke dahil sa narinig na sinabi ni Grey at ng Mama Silvia nito. Magkasamang Napatay daw ang kanilang ama, at kailangan nilang umuwi sa probinsya kong saan ang mga ito ay pansamantalang nakatira. Sa lamay ng ama ni Luke, ay nabunyag din ang sikretong itinago nito sa kanilang mag ina matapos nilang makita si Ethan Zamora at nag isang survivor na kamukhang-kamukha niya kaya napilitang ipagtapat sa kanila ni Silvia ang totoo naging doble, ang sakit sa kanilang mag ina ang nalamang pangloloko sa kanila ng Daddy nya at pagkamatay nito na sa hinagap ay hindi nila sukat akalaing magagawa nito sa kanila. Ngunit mas pinili pa din ni Luke, at ng kanyang ina ang mabigyan pa din sila ng hustisya at mahuli ang mga salarin na pumatay sa kanyang ama at magampanan pa din ang naiwan nitong tungkulin sa naulilang kapatid na may karamdamang autism. Dahil sa mga naituro sa kanya ng kanyang ama kahit na malayo ang linya sa kursong kinuha niya bilang isang architect ginamit niya ang naipasang ka-alaman sa pag iimbestiga ng kanyang ama sa pagtutulungan nila ni Grey na nasa linya din katulad ng kanyang ama ay maingat at palihim din silang nag iimbestiga at ang kanilang nakukuhang impormasyon ay ibinibigay nila sa pinsang pulis ni Grey na si kevin, at kasamahan naman nito ang humahawak sa kaso ng kanilang ama. Sa paghahanap nilang mag kaibigan sa mga salarin at kagustuhang mabigyan ng hustisya ang kanilang ama na napatay at mas lalo pa silang napalapit sa mga salarin ng minsang makadaupang palad na nila ang mga ito ay nagulo din ang tahimik nilang buhay Dahil para sa kalayaan ng grupo ni Mackey Vicente, ay Gagawin din nila ang lahat para hindi sila matunton at malayang mamuhay ang lahat ng balakid sa kanila ay inililigpit din nila. Nang malaman ng mga ito na palihim na nag iimbestiga sina Luke at Grey ay lalong nagalit sina Mackey sa nalamang malapit na silang matumbok ng grupo ni Luke para matapos na ang kaso at hindi na umabot sa kanila ang imbestigasyon ay nagbabayad ang mga ito ng aako sa kasalanan nila at kasabay din ang planong muling pagpatay kina Luke. Dahil sa karamdamang especial ng half-brother ni Luke wala silang ka alam-alam na ginagamit pala ito ng mga pumatay sa kanilang ama. Muling kinuha ng mga grupo ni Mackey si Ethan para gamitin sa planong pag Papatay kina Luke at Grey dahil tinuruan nila itong gumamit ng baril at pumatay. Sa labanan ng hustisya at kriminal maging matatag kaya si Luke na harapin ang mga ito at ang natatanging susi na makakapagturo sa mga kriminal ay may sariling mundo, ang kanyang half-brother na si Ethan ng tanging natirang buhay at Piping saksi sa mga nangyari at ang isang pang problema ni Luke ay ang blangkong sketch ng kanyang half-brother sa mga nasaksihan nito sa nangyaring krimen ngunit walang mukha. Dahil sa bigat ng problemang dinadala ay naisipan ni Luke mag simba para kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam, at nagtirik ng kandila para sa kanyang ama at sa Papa ni Grey narinig nya si Nathy Melendez na nag eensayo sa loob, ng saradong simbahan. Nabighani sya sa maganda nitong boses at galing sa pagtugtog ng piano. Nang matapos ito sa pag eensayo, at makita si Luke ay nilapitan niya ang malungkot na binata at pinayuhan ito. Humiling si Luke ng isang awitin kay Nathy ng kausapin siya nito at agad naman pina-unlakan ng dalaga hindi namalayan ni Luke na napapasabay na pala sya sa pagkanta nito at nag pagaan kahit paano sa Dibdib nya. Alaga ng magkapatid na pari at madre si Nathy Melendez, at galing din sa gulo ang pamilya nito katulad ni Luke naulila din sya ng mapatay ang kanyang mga magulang. Ngunit muling nagbabalik ang banungot sa kanyang nakaraan ng makilala nya si Luke at ituro pa ang mga taong gustong pumatay kina Luke at Grey nag iwan din siya ng kwintas na magsasalba sa buhay ni Luke. Dahil sa babala at pagtuturo ni Nathy ay nakilala na ni Luke ang mga pumatay sa kanyang ama. Ngunit sa muli nilang pagkikita ni Nathy ay nanganganib na din ang buhay nito dahil sa sakit at ipinapapatay na din ito ng kanilang mga kalaban. Pinag hatian nila Luke at Grey ang kulang sa perang pampa opera ni Nathy para madugtungan ang buhay nito. Iniligtas mo ang buhay ko sa panganib dahil sa ibinigay mong kwintas, kaya bilang ganti ay dinugtungan ko din ang buhay mo mga salitang binitawan ni Luke sa wala pang malay na si Nathy matapos ang successful operation nito sa puso. Dahil sa sobrang guilty din nila Luke at Grey sa pagkadamay ni Nathy sa gulong kinasasangkutan nila ay napag desisyonan nilang tulongan ulit ito. Pinatira ni Grey sa bahay nila si Nathy pansamantala para sa kaligtasan nito at hindi naman tinanggihan ng dalaga na labis ikinatuwa ni Luke ang pag payag nitong manatili muna sa bahay ng kaibigan nya at sustentado nila ang pangangailangan nito hanggang sa matapos ang kaso sa magulo nilang buhay at panganib may puwang kaya ang pag ibig sa kanila ni Luke.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook