Chapter 12 "Isa sa mga ikinakatakot ko ang magamit nito ang namanang talento sa ama nyang si Nike dahil kinuha ito noong witness, at itinuro nito ang mga may likong gawain na kanyang nasaksihan at dahil sa kakayahan nitong magbasa sa pamamagitan ng pagbabasa gamit ang bibig ng taong nag uusap kahit malayo. Nasa custody namin noon ang mag anak ng sumailalim sila sa witness protection, ngunit nasundan at napatay ang mga magulang ni Nathy tulad ng huling hiling sa amin ng magulang ni Nathy bago malagutan ang mga ito ng hininga na alagaan ito ay tinupad naming magkapatid. Halos anak na ang turing namin ni Ruben kay Nathy kaya masakit para sa amin ang malamang nanganganib ang buhay nito. "Kailangan palitan ang baradong ugat sa puso ni Nathy, at sa lalong madaling panahon kahit pinipilit

