Chapter 21 "Anoman pong nangyari sa pagitan namin ni Nathy, ay nakahanda akong panagutan ginawa ko lang ang paraan na alam, Kong makakapigil sa kanya na umalis ng bansa kahit alam kong mali dahil nasaktan ko kayo nila father. "Hindi ko lang kasi talaga kayang malayo na kay Nathy Tita, dumating na ang plane ticket nya kahapon alam ko kong gaano nyo prinotektahan si Nathy at alam ko din na sa pag alis nya ay may magandang buhay ng nakahanda sa kanya doon maging ang katahimikan. "Pero ipinapangako ko sa inyo, na Bibigyan ko din sya ng magandang buhay sa piling ko at siguridad na hindi sya mapapahamak Tita Mia, hindi ko sinasabi sa salita sinasabi ko ito ngayon dahil Gagawin ko po ang lahat masiguro lang na ligtas lagi si Nathy. Napakagat labing niyakap ko si Luke, napakaswerte ni Nathy

