Chapter 43 Tuwang-tuwa ang dalawa ng makita ako at hanggang sa pagtulog ko ay katabi ko ngunit napilitan akong lumipat ng higaan dahil baka masipa nila ang p*********i ko sa likot nila matulog. Napahagikhik ako ng makitang naglatag si Ethan ng higaan sa lapag dahil maski tulog ang dalawa panay ang karatehan kaya halos ayaw ng itabi ni Luke si Nathan sa kama dahil ilang beses na itong nabayagan. Hinalikan ko ang dalawang bata para gisingin at maihatid na namin sa school dahil magluluto kami ng dadalhin kina Daniela. Maingat kaming tatlo lumabas ng kwarto ni Ethan at hinayaan lang itong makapag pahinga pa. Napangiti ako kay ate Nathy dahil tila ito magnanakaw na takot makalikha ng ingay. Bumalik ako sa kama at muling natulog dahil wala naman akong lakad. Tanghali nako nagising at nag

