Chapter 46 Ngayon siguro naman matatahimik kana iwan muna ako dito at huwag munang gulohin pa dahil mas masama akong kalaban tandaan mo iyan tiim bagang kong wika kay Beatrice ang Papa mo at si tito Mackey ang nagturo saking pumatay huwag na sana tayong umabot na tulad nila kong pinahalagahan mo ang pinagsamahan natin noon sa mansion sabay bitaw ko kay Beatrice na panay ang iyak nito at walang namutawing salita. Pinunasan ko ang mukhang nadumihan ng lupa matapos akong ingudngod ni Ethan sa puntod ng ina nitong dinuraan ko bago kinuha ko ang tumalsik na susi ng bahay at sasakyan bago walang imik na tumayo at naglakad palayo habang panay pa din ang agos ng luha sa Mata ko. "Dahil hindi kami noon nakasama sa hearing ng kaso ni Papa kaya wala kaming alam at hindi din namin nakita na may ved

