Chapter 49 "Mag-iingat kayo huh, lagi mo kaming bisitahin dito kapag may oras ka. Kamusta na nga pala si Daniela. "Okay! Naman po sya sa bago nyang trabaho at nakakarekober na din kahit paano mula ng lumipat sya hindi na po masyadong naglalasing at nag iiyak tuwing makikita nya ang picture ni daddy. "Mabuti naman kong ganon mas maganda nga ang ginawa nyang paglipat ng lugar dahil baka mauwi sya sa depression. Sumapit ang araw ng binyag iilan lang kaming nakarating dahil sa may pasok pa ang karamihan ng kinuha ni kian na mga kasamahan din namin sa trabaho. Nagpaalam akong bibili muna ng sampagita sa grupo dahil panay pa ang picture taking pa nila. May kasal din na nakapila at nagsisidating na ang mga pamilya marahil ng lalaki at mga abay nagsisimula na din ang picture taking sa groom

