Nangiti si Master Audric sa nakitang hilatsa ng mukha ng binata. Mukhang wala itong kaalam-alam sa ibig niyang sabihin. Kunsabagay, alam niyang wala sa pagkatao ng anak ang mapalapit pa isang babae maliban lamang kung mga panandaliang aliw.
Mukhang hindi pa rin nito nauunawaan ang ibig niyang sabihin. Alam ni Audric, unti-unting pinapasok ng dalaga ang kalooban nito.
"The lady you are with last night and just this morning, ang anak ni Dr. Salcedo. She's a somebody to you."
"Hindi ko po alam ang inyong sinasabi, Athair. Nakatutok ako sa kaniya dahil kailangan natin ang first-hand information sakaling may update na ang kanilang mga pulis. Kasalukuyan pa rin siyang naghahanap sa kaniyang ama at ayon sa nalaman ko, her father's vehicle was found abandoned in Quezon province. The policemen have aligned with my initial opinion, hindi dinukot si Dr. Salcedo. Nagpunta na doon sina Felipe at walang bakas ng marahas na pagdukot."
"It's been a week, at wala din kaming makitang palatandaan ni Agmuntus. I have gone to the sacred valley, pero tahimik doon. It's just strange though dahil may ibang puwersa akong namatyagan doon and it's not from xegnons. For the meantime, we have strengthened the force in that place."
"Iyan din ang sapantaha ni Felipe, Ama. Being a former xegnon, kahit papaano'y alam niya ang mga kilos ng dati niyang mga kasama. Sa ngayon daw ay mukhang wala pang palatandaan na nagsisimula nang magising si Agmuntus, but I am not being complaisant here. Lalo pa't dalawang beses nang inatake ng mga ito si Entice."
Napaangat ang isang kilay ni Master Audric sa narinig. Tumikwas ang isang sulok ng bibig nito nang marinig ang pangalang binanggit ng anak.
"I thought her name is Abigail, or Abby? Narinig kong tinawag ni Felipe na Miss Abby ang anak ng researcher?"
"It's her second name. Her full name is Abigail Entice Salcedo." Halatang nagtataka si Idrish sa pangiti-ngiti ng ama.
"I know what you're thinking, Master Audric, but you're wrong. She's not even part of my league."
"I am not saying anything, Idrish. I was just wondering kung bakit may sariling tawag ka sa dalaga," nagkibit-balikat ito nang makitang nagsalubong ang mga kilay ng anak.
Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ng kasiyahan ang ama para sa nakatakdang maging susunod na pinuno ng kanilang lahi kapag dumating na ang takdang panahon. Wala silang tanging hiling ng kaniyang asawa kundi ang makahanap din ito ng tamang babae na makakasama nitong bubuo ng pamilya. Katulad ng mga mortal na tao, silang mga bampira partikular na ang kanilang lupon, ay naghahangad din namang magkaroon ng sariling pamilya para makabuo ng mga susunod pang henerasyon.
"She's just a mission. You know I can not like her. Aside from the fact that I am not seeing myself being tied up, she is just a mortal-,"
"My son, hindi lahat ng mortal ay traydor at hindi nakakaunawa sa atin."
"Hindi nga ba, Ama? Paano natin maipapaliwanag ang pagkawala ng..." Hindi naituloy ni Idrish ang pagsambit ng pangalan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Erina.
"Alam mong hindi totoo 'yan, Idrish. Nadamay lamang siya at naipit ng sitwasyon."
"Yeah, a collateral damage, kaya ngayon wala na siya at kahit kailan, hindi ko na makakasama, Ama. At itong nangyayari sa ngayon, hindi rin ba ito pagtatraydor sa ating lahi? That man just vanished," napatayo na at may kontroladong galit sa boses ni Idrish nang sinabi iyon.
"Kung kelan malapit nang makumpleto ang antidote na kailangan natin, saka mawawala ang doktor na 'yun."
Napahinga ng malalim si Master Audric. He can definitely understand where his son is coming from. Hindi dalawa o tatlong beses na sila'y pinaasa at iniwan sa ere ng mga opisyal ng iba't-ibang bansa mula sa iba't-ibang panig ng mundo. The Evrox were always committed to their oath na po-proteksyonan ang mga taong nabibiktima ng mga xegnons and yet, dahil sa pareho pa rin silang mga bampira, hindi pa rin maiwasang talikuran sila ng mga ito kapag nasa oras na ng alanganin.
Katulad na lamang ng nangyari kay Erina. She died during one of the encounters in Vietnam kung saan ay nagboluntaryo itong maging isa sa mga Evrox na tatapos sa panlalapa ng mga Xegnons sa ilang probinsiya ng nasabing bansa. Na-trap sa loob ng malaking building ang babaeng bampira, ilang beses sumubok si Idrish na pasukin ito para kunin ang babae. He just arrived from the other part of the world because of a mission at that time. Pero hindi nakinig ang punong-sandatahan ng militar ng bansa, ipinagpatuloy pa rin nito ang pagpapaulan ng mga balang may kasamang compound na siyang tatapos ng tuluyan sa napakaraming blood-suckers na lumusob sa nasabing lugar.
And this, the missing theriac. An antidote that was once promised to them that could heal the vampire from its thirst for blood at the same time will make them live like normal for they will be immortal no more. In other words, matagal mang panahon pa ang hihintayin, darating pa rin ang oras na silang mga bampira ay mamamatay sa takdang panahon.
"Lord Idrish, mukhang hinahanap na po kayo ni Miss Abby." Ani ni Felipe sa pamamagitan ng telepathy na nagagawa nilang gawin ng normal.
"Forgive me, my Master. I should have not raised my voice earlier. I need to go now. Asahan niyo pong mahahanap namin ang doktor sa lalong madaling panahon." Bahagyang kumalma na si Idrish pero kuyom pa rin ang dalawang kamay nito. Humarap ito sa ama at bahagyang nagyuko ng ulo.
Tumayo na rin si Master Audric at lumapit sa anak, "Spare her, Idrish. She's different."
Hindi sumagot ang lalaki, bagkus, tiim-bagang itong ngsalita bago bahagyang lumambot ang mukha.
"Pakisabi na lang po kay Ina, uuwi ako at bibisitahin siya sa susunod."
"You know your mother, baka siya na rin ang sumunod na bibisita dito para makita ka. But she understands you're on a mission. Babalik rin dito si Mardox kapag nagkaroon na kami ng balita tungkol sa mga lamenshka."
_____________________
"Kapag bumalik siya dito, Helen, pakisabi na lang na umalis na'ko. Pakibigay na lang din nitong camera ni Boss Tim sa kaniya."
"Sige po, Miss Abby. Pero totoo po ba'ng dito na magtatrabaho ang napaka-guwapong pinsan na 'yon ni bossing? Puwede po ba'ng ako na lang po ang maging on-call asistant niyo?"
Natawa ang dalaga sa pagiging prangka ng kausap. Mukhang pati ito'y nabiktima na rin ng kamandag ng dugong-bughaw na iyon. Katulad niya'y sanay na sanay na ang mga mata ni Helen sa mga nagu-guwapuhan nilang mga males model pero mukhang tinamaan pa yata ang isang 'to.
"Ang alam ko'y hindi naman siya magiging permanente dito, Helen. Kailangan niya lang matuto sa mga pasikot-sikot at pagkuha ng magagandang anggulo pero wala naman sa'king problema kung papayagan kang ikaw ang maging on-call ko." Malumanay na sagot ni Abigail. Noon tila may na-realize ang kausap at napatakip pa sa bibig.
"Hala, pasensiya na po, Miss abby. Nakalimutan ko po!" Naging apologetic ang mukha nito at humawak pa s akaniyang kamay.
"Hah, bakit? Wala ka namang -,"
"Narinig ko po kasing girlfriend ka po pala ni Mr. Pogi. Naku, pasensiya na po talaga, Miss Abby."
"Ano? Teka sino'ng..." then she just remembered what happened earlier, noong nag-self declare ang lalaking sinabi kay Alden na "boyfriend" niya daw ito.
Hindi alam ni Abigail pero maliban sa inis niya s alalaki ay nakakarmdma din siya ng kilig sa mga pinaggagagawa ni Idrihs. And the way he calls her, para siyang teen ager na kinikilig dahil nakakasabay ang crush sa paglalakad o di kaya ay napapansin.
Biglang sumakit ang ulo ng dalaga. For sure, sa tabil ba naman ng bibig ni Helen, pupusta pa siyang nasa nobenta porsiento na'ng may nakakaalam sa issue na iyon.
Huminga siya ng malalim at naglagay ng pilit na ngiti sa kaniyang mukha.
Talaga yatang masusubukan ang kaniyang pasensiya sa dugong-bughaw na iyon.
"Puwede ba'ng humingi ng pabor sa'yo, Helen? Puwede ba'ng matulungan mo akong maipaalam sa mga taong naniniwala kung sakali, na hindi iyon totoo? Hindi ko siya boyfriend, it was just -,"
"Baby, uuwi na ba tayo?"
Napatalon sa gulat si Abigail nang sabay na sumulpot sa pintuan ang taong pinag-uusapan at impit na tumili naman si Helen dahil sa kilig.
"Naku, Miss Abby ha? Deny-deny pa po kayo, e dinig na dinig ko po ang baby na sinabi ni Mr. Pogi. Yieee! Sobrang bagay po talaga kayo, Miss Abby!"
Tigalgal na napatingin lamang ang dalaga sa lalaki habang ang huli'y lumapit na sa kaniya at kinuha ang bitbit niyang laptop at camera.
"Bye, Miss Abby, Sir Pogi. Humayo na po kayo at magparami."
Ano daw???
"your highness hindi ko po gusto ang mga pangtitrip na ginagawa niyo sa akin." bumilis ang mga hakbang niya at sinadyang iwanan ang lalaki pero mahahaba pala ang binti nito kaya mabilis din siya naabutan.
"What do you mean I'm tripping on you? Is this about you being me as your boyfriend?"
"Hindi po maganda ang joke niyo." 'yun lang ang sagot ng dalaga bago mabilis na tumalikod sa lalaki. Pero humabol pa rin si Idrish. "I'm not any other girls na pwede niyo pong landiin."
Umangat ang isang kilay ni Idrish, mukhang naaasar na rin nang mga oras na 'yon.
"You know what? If I can only explain to you kung bakit ko nagawang sabihing boyfriend mo ako, ginawa ko na." Pero hindi pa rin siya pinansin ng dalaga.
Hell, this really frustrates him. Paano niya ngayon sasabihing nagawa niya lang iyon para mangilag si Alden na halatang may pagnanasa sa dalaga? Paano niya din sasabihin ditong binigyan niya ito ng leksyon at hindi na makikita sa EON simula sa araw na iyon?
"Fine, just go. Our work ended in here anyway. I guess I'll see you tomorrow." Mapait na sumaludo sa kaniya ang lalaki. Naiinis na rin ang huli sa ginagawa nitong pagpapaliwanag kay Abigail but the latter will stand still to her belief. This is really getting to his nerves. Hindi niya kailangang magpaliwanag sa isang mortal. Kaya naiinis siyang isipin na apektado siya sa babae.
With that argument, they have parted their ways.
Imbes na dumeretso ng uwi, sa isang grocery store napadpad ang dalaga. Naisipan niyang sa plaza libertad siya dederetso dahil ilang linggo na oala siyang hindi nakaka bisita sa mga batang lansangan.
Agad siyang namili ng mga basic needs nito. Apat na magkakapatid ang ilang buwan na niyang binabalik-balikan doon at sobrang napalapit na ang kalooban niya sa mga ito kung kaya't ganun na lamang ang kaniyang pagpapahalagang matulungan ang mga bata. Maliban doon, she finds to donate most of her salary to some families living in the streets. Madalas ay namimili siya ng mga groceries para sa mga ito at nakikipag-usap din siya sa ibang NGO's para sa karagdagang tulong na maaaring maipaabot sa mga ito.
For Abby, the world could be better kung ang bawat isang tao na may kayang gawin ay hindi magdadalawang-isip na tumulong. Dalangin niya na sana'y pukawin ng awa at kapatiran ang kanilang mga puso.