Wala pang alas-nuebe ng umaga'y nasa EON building na sina Idrish at Abigail. Nang magpaalam ito saglit sa kaniya kanina, akala niya ay hindi ito makakabalik kaagad. She is about to just go alone nang bigla na lang itong sumulpot sa kaniyang tabi. She was opening her car's door that time. Wala na siyang nagawa nang sinabi nitong sa kotse nito sila sasakay. Idrish brought his bentley na mas lalo pang nagpadagdag ng lakas ng dating nito sa lahat ng kababaihan at binabaeng makakasalubong.
Thanks to the man's driving skill dahil kahit sobrang traffic na'y nagawa pa rin nitong maging maiksi ang kanilang biyahe. Halos lumipad na sila sa kalsada na kung hindi pa sinaway ng dalaga, malamang ay nawalan na ito ng malay dahil sa sobrang pangamba. Kaunti na lang at pupulutin na yata niya ang utak niyang sa tantiya niya ay tila nagkasabog-sabog sa tulin ng lalaki na magpatakbo.
She has decided, hindi dapat ganito ang set-up. Kailangan niyang sabihan ang boss niyang hindi siya papayag sa ganoon. Ito pa naman ang nagsabi sa kaniya thru text na magiging regular taga-sundo niya ang pinsan nito. Dapat talaga hindi, dahil maliban sa dugong-bughaw lang naman ito'y nasa Quezon Avenue pa ang EON habang ang lalaki nama'y nasa Mandaluyong ang penthouse na tinutuluyan. Hindi tuloy maiwasan ni Abigail ang makaramdam ng matinding hiya dahil sa ginawang effort ng binata para siya'y sunduin pagkatapos ay babalik din sila ng kabilang direksyon. Sa Pasay pa ang kaniyang tinutuluyan at kahit saan mang tingnan, hindi praktikal ang ginawa ng binata.
Parang kasing-dali lang ng teleportation ang ginawa niya. Iyon ang nasa isip ng dalaga kanina. She mentally noted, sasabihan niya talaga itong huwag na siyang pagkaabalahang sunduin muli sa mga susunod pang mga araw.
Well, kung alam nga lang talaga sana ni Abigail kung gaano kadali para kay Idrish ang ginawa dahil sa pagte-teleport nito. But of course, she didn't know that.
"Bukas, huwag mo na akong sunduin. Magkita na lang tayo dito sa EON." Pahayag ng babae kay Idrish na nasa likuran nito habang tahimik lamang na nakasunod. Kapapasok lamang nila sa kaniyang cubicle at nilalapag na ang mga gamit s alamesa.
Nagkibit-balikat lamang ang lalaki. Prenteng naupo ito sa kaniyang visitor's chair na pabilog kung saan ay tila hindi dito bagay dahil sa tangkad at tikas nito. Parang gustong matawa ng dalaga dahil sa kulay peach ang kaniyang upuan, mukhang nakaka-amuse tingnan ang kaniyang apprentice.
Abigail decided to focus on the things that she must do that morning. Isa-isa niyang nilabas ang kaniyang mga gamit, mula sa dalang laptop hanggang sa kaniyang NIkon D850. It's a gift to her self at ilang buwan pa lang niya itong gamit. Ito rin ang kaniyang ginagamit ngayon bukod sa may isang spare professional camera din siyang issued ng kumpanya. She was placing both cameras on her table nang biglang may kumatok.
Sumuwang sa labas ng pinto ang lalaking co-worker na si Alden, malapit na ka-trabaho ng babae. Mukha itong nerd pero may tikas din naman at masasabi ding guwapo. Isa pang dahilan na magaan ang loob ni Abigail dito ay dahil sa pagiging komikero ng lalaki.
Ngumiti muna ito sa kaniya bago sumenyas na pumasok.
"Hi, Miss Abby."
"Alden! Pasok ka."
Ngingiti-ngiting tumuloy ang lalaki na may bitbit ding isang tila camera bag. Agad nitong nakita si Idrish na seryoso ang mukhang naka-dekuwatro ang isang paa habang bumubuklat ng isang magazine.
"Ah, Miss Abby, pinabibigay nga po pala ni Boss Tim para daw po sa magiging trainee niyo."
Abigail smiled in surprise, "Mukhang kay Boss mismo 'tong camera na'to, a," sinipat nito ang bigay na camera bago tinapik sa balikat ang kasamahan.
"Thank you, Alden. By the way, si Mr. Constantine pala, siya ang pinsan ni Boss na gagamit nitong camera."
"Ahm, Mr. Constantine," tumikhim ang dalaga. Agad namang umangat ang ulo ni Idrish kasabay ng pag-angat din ng isang kilay nito na tila ba nagbababala. Bahagyang umirap si Abigail, pinapaabot sa lalaki na hindi ito puwedeng umeksena.
"Si Alden nga po pala. Siya ang palagi ko ding kasama kapag may mga out of town assignments kami. Alam mo na, trabaho."
Tumayo si Idrish. Noong una, akala ng babae'y magpapakilala din ang lalaki pero pero nalaglag ang panga nito nang magsalita si Idrish.
"Idrish Constantine," the man extended his hand for a handshake and continued.
"I'm Tim's cousin as well as Entice's boyfriend." Matalim ang mga titig nito sa kasamahan ng dalaga. Hindi nito nagustuhan ang "admiration" na nararamdaman nito sa babae. Basang-basa nito na sa likod ng mabait na ngiti ng Alden na kaharap, may malaswang iniisip ang g*go kay Abigail. Nanatili ang matalim na titig ni Idrish sa lalaki kasabay ng pagsambit ng ilang orasyon.
Kitang-kita ni Idrish kung papaano'ng nanlaki ang mga mata at pati na rin ang ilong ng dalaga. Napatanga naman ang Alden na noo'y literal ngang nakatanga sa kaniya dahil sa kaniyang tangkad. Hilaw na napangiti si Alden at parang tumiklop sa narinig lalo pa't kasabay ng pekeng mga ngiti na iyon ang tila nagbabantang mga titig ng binatang binatang bampira. Maya-maya'y sumama na ang mukha ng lalaki at namutla. Bago pa man nila makita ang susunod na mangyayari, mabilis na itong nakaalis sa kanilang harapan.
Isang marahas na pagtikhim ang nagpabaling kay Idrish. Kitang-kita niya ang disgusto sa mukha ng dalaga dahil sa kaniyang sinabi.
Ayaw man niyang gawin ang susunod na mangyayari, wala na siyang choice kundi ang alisin sa memorya ni Abigail ang kaniyang mga sinabi. Bubuka pa lang sana ang bibig nito para magreklamo nang agad na niya itong inunahan. Matamang tinitigan ng binata ang magaganda nitong mga mata habang sa isip ay nagsasabi na ito ng isang orasyon.
An té nach bhfuil tuillte agat, ba chóir go mbeadh a fhios aige cén fáth. Géillfidh tú don ordú seo. (He who doesn't deserve you should know his ground. You will succumb to this order.)
Titig na titig si Idrish sa mga mata ni Abigail. Kailangan niyang mabura sa isipan ng babae ang kaniyang sinabi sa Alden na iyon. Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa kanina pero bahagya din siyang naalarma sa reaskyon ng babae sa kaniyang ginawa.
Entice, you're...damn, why can't I read your mind? Nagugulumihan siyang kausap ang kaniyang sarili. It seems his hypnosis is not working for her!
Mas lalo pang na-frustrate si Idrish nang magsalita ang dalaga.
"Lord Idrish, kung gusto niyo pong maging maayos ang pagtatrabaho natin, puwede ba'ng huwag kang gagawa ng mga pakulo na hindi naman dapat? Hindi porke't pinatuloy kita kagabi sa tinitirhan ko, nakasamang magdinner, at nasindak sa...sa k-kalokohan mo dahil hindi kita matawag sa first name mo, e close na tayo. Now, can we go out of this room at nang makapagsimula na po tayong magtrabaho?"
Now what? Galit na ang babae at kumpirmado ngang hindi ito tinablan ng kaniyang orasyon.
Seryoso na ang mukha at salubong na ang dalawang kilay ng dalaga nang mabilis nitong dinampot ang camera bago humakbang patungong pinto ng kuwarto. Bahagyang napamaang si Idrish not only because he realized, hindi tumalab sa babae ang kaniyang encantation, kundi dahil na rin sa mukhang nagalit na nga sa kaniya ito.
"Pakibitbit na lang po ng camera na gagamitin niyo, Lord Idrish, at sumunod na po kayo sa akin."
Walang nagawa ang lalaki nang mabilis na siyang nilayasan ng dalaga. Nang mga sandaling iyon nama'y natanggap na niya ang kumpirmasyon mula kay Felipe. Mabilis nitong napuntahan ang bahay ng Alden na iyon at doon nga'y nagkalat sa kuwarto nito ang ilang litrato ng dalaga. He was right. The man is lusting over Abigail.
Saktong tumunog ang kaniyang cell phone. When he saw who's calling, he knows, he needs to go back to his place. Mabilis niya munang tinapunan ng tingin ang pinto bago nag-teleport pabalik ng penthouse.
"Idrish,"
"Athair." Mabilis na yumukod si Idrish kay Master Audric kasabay ng paghalik nito sa banal na singsing ng pinuno.
"You found her."
"Found who?" Nagtatakang napatingin sa ama ang binata.
"Ang babaeng kasa-kasama mo ang aking tinutukoy. It seems like you are fond of her."
"Athair, kahit kailan ay hindi ako mapapalapit sa mga mortal. The girl is just an instrument para mahanap natin ang kaniyang ama at makuha na ang theriac."
"Is that so? Then why I am seeing in you my old self? Remember Idrish, we're vampires but we respond to what we feel. Sa tingin ko'y napapalapit ka na sa anak ni Dr. Salcedo. I wonder if it's still because of the mission. At ang iyong mga mata'y nagiging asul kapag malapit siya sa'yo. Tandaan mong may ibig sabihin ang nangyayari."
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Idrish.
"The mere fact that you can't read her mind and you have a failed hypnosis on her...Idrish, she's special."