Chapter 12 - Stay Away

1541 Words
Kamuntikan nang mapalundag si Abigail nang sa pagpihit niya'y nasa likuran na niya si Idrish. Katatapos lang niyang maisara ang pinto ng kaniyang unit and it's just past seven in the morning.Nang magising siya kanina'y wala na ang lalaki. Maayos na ring nakatupi ang pinagamit niyang kumot at unan. Hindi nga niya napigilan ang mangiti.  So much for a royal majesty. Nagtiyaga itong matulog sa kaniyang sofa sa salas at marunong din palang mag-ayos ng pinagtulugan. Ang linis kasi at napakaayos ng pagkakasalansan ng mga gamit. Tumaas din ang kaniyang kilay sa amusement. Nakita lang naman niyang may toasted bread and sunny side up egg plus bacon sa maganda niyang dining table.   What the? Gulat na gulat siya sa aga ng lalaki at bakit nandoon ito ulit?! "Oh my God, I-Idrish! Ba't ka naman nanggugulat?! At bakit ang a-aga aga, nandito ka? Hindi ka ba umuwi? I thought you went home?" Naguguluhan talaga siya dahil sa ayos naman ng binata'y nakapagpalit na nga ito ng damit at sobrang bango pa nga.  She castigated herself. She's really crushing on this man.  "I did. Just got back." Kibit-balikat na namulsa lang sa likuran ang lalaki habang tila pinipigilan nito ang sariling matawa dahil sa reaksyon ng babae. She's just so cute with her facial expression na halatang nagulat talaga sa kaniyang presensiya. That morning, ngteleport lang naman ang binatang bampira pero nasa baba na ang kaniyang kotse, courtesy of Felipe.  "Kailangan ka pa palang sindakin para maibigkas mo ng mabuti ang aking pangalan, binibini. And I thought you'll call me by my title. Mahahalikan na sana kita." Mas lalong nagkulay-kamatis na ang mukha ng dalaga. Paanong hindi siya magdadalawang-isip na banggitin ang pangalan ng "dugong-bughaw" na kaharap kung kagabi nga'y tuluyan na siya nitong sinindak? Kamuntikan nang mawalan ng balanse sa gulat si Abigail habang nakaupo pa rin sila ng panauhin niya sa dining table. Bigla na lang kasing tumayo si Idrish at dumukwang sa dalaga na kamuntikan pa nitong mahalikan ang huli. Idrish was just quick to move at agad na napigilan ang kaniyang inuupuan. "You see, I really like it to be respected. Indeed that's the right thing to do, but don't make me feel I am my father. It's Idrish for you, Entice. Otherwise, that lips of yours will be punished." "Stop calling me that title, Entice, at magiging magkaibigan tayo." Sa naalala'y umusbong ang iritasyon sa babae. Mabilis siyang humakbang at iniwanan ang lalaki. Bitbit ang laptop bag sa kanang kamay, suot na knap sack at suot sa kaliwang balikat ang sling bag ng pag-aaring camera, inirapan niya si Idrish at mabilis na tinungo ang elevator.  Nice. Talaga pa lang hindi biro ang sinabi ng kaniyang amo kagabi. Ang akala nga niya'y nag-iimagine lamang siya sa mga nangyayari because it was too sudden. Parang pinlano na hindi at parang sumasakit ang kaniyang ulo sa bilis ng mga pangyayari. Iyong pagkikita nila ng binata sa pinagtatrabahuan niya, she thinks it's normal. Pinsan ito ni Boss Tim, natural may karapatan itong magpunta doon. Then, isinabay siya nito papuntang Bulacan at pinakain pa.  No, it wasn't a date. He's just being a gentleman kaya niya ako dinala sa resto-bar na 'yon. Tapos, eto nga. Bigla lang susulpot sa tapat ng kaniyang pintuan kagabi. Naabutan pa siya sa napaka-alanganing sitwasyon at sasabihin ng kaniyang amo, ang pinsan nito'y magiging apprentice niya sa EON? This is not really happening. Mas lalo pang sumakit ang kaniyang ulo nang maalala ang ama. "Let me carry this." Halos manlamig ang kamay ng dalaga nang marinig ang boses ni Idrish. His breath is gracefully fanning her neck. "No, it's okay, kaya ko 'to." Napaigtad ang dalaga, kasabay noo'y wala sa sariling nahimas nito ang leeg. Blangkong napatingin doon ang lalaki bago tiim-bagang sumagot.  "I insist, Entice." Iiiwas pa sana ni abigail ang laptop bag pero hindi na niya nagawang pigilan pa ang kasama. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya ito pinagbigyan. napahinga na rin siya ng malalim nang pati ang kaniyang camera slig bag ay inabot nito. Nasa tapat na sila ng elevator at naghihintay na lumapag sa kanilang floor nang magsalita and binata.  "I'm sorry last night. I didn't mean to offend you." Seryoso ang boses nito. "L-Let's just forget about it. Huwag na lang sanang mauulit."  Saktong bago pa makasagot si Idrish, tumunog na ang hudyat na nasa palapag na nila ang lift. mabilis na naunang pumasok ang babae sa loob bago kagat-labing sumunod din ang lalaki. Nasa limang pasahero ang sakay ng lift at tatlo doon ay pawang mga kababaihan. Unang tingin pa lamang ni Abigail, she can clearly see how those women drool for her companion.  Pero parang sanay na yata ang kaniyang kasama sa ganitong mga pagkakataon. When she lifted her head to see kung ano ang reaksyon ni Idrish, nakita niyang nakabaling lang din sa kaniya ang guwapo nitong  mukha. Tumaas pa ang dalawang kilay nito na tila ba nagtatanong kung meron ba siyang kailangan. Gosh, she bit her lower lip again to hid her embarrasment. Ilang beses na ba siyang napapahiya dito? Huling-huli siya nitong tumitingin at tila nagmamasid sa mga kilos nito.  "Hi, I'm Cindy. These are my friends Karla and Georgina. What's your name, handsome?" Lakas-loob na humarap kay Idrish ang tila modelo sa tangkad at may kaputiang babae na kulay pula ang buhok. Parang manyika ang mukha nito at s atngin ni Abigail, may lahing haponesa ang babae.  Napatikhim ang dalaga at napayuko. Tila siya ang nahihiya sa inasal ng kasabayan nilang babae. Oo, moderno na ang panahon ngayon pero para sa isang tulad niyang konserbatibo pa rin ang pananaw sa mga ganitong pagkakataon, idagdag pang halata ang landi sa boses nito, she just can't help it but to distance and face the other side of the lift. Bahagya pa siyang humakbang papuntang unahang bahagi matapos lumabas sa isang palapag ang dalawang lalaking kasabayan. Ngayo'y nasa likurang banda na niya ang binata na halos pinalilibutan na ng tatlong babae. Kunot-noong naghintay ng isasagot ni Idrish, lihim na kinastigo Abigail ang sarili. Huwag kang tsismosa, Abby. Hindi kayo close noong tao at wala kang pakialam sa pagiging malapit niya sa mga babae. "You can have our numbers, big guy. We're free tonight, 'wanna have fun with us? Foursome?" Kung puwede nga lang na mag-hagdanan na lang ang dalaga dahil sa narinig, ginawa na niya. Naaalibadbaran na siyang talaga sa mga naririnig. Ayaw man niyang aminin, mukhang alam na niya ang ibig sabihin ng mga babae.  Halata na ang kaniyang pagkakaasiwa dahil sa panaka-naka niyang paghawak sa kaniyang leeg.  Please, please. 'Tagal mo namang makarating sa ground floor. Nasa 3rd floor na sila ng gusali at dahil sa salaming disenyo ng lift, Abigail can see what' s happening behind. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa ginagawa ng dalawa.  The Karla lady is caressing Idrish's chest while the Cindy, hinihimas naman nito ang isang braso ng lalaki. Ang isang babae nama'y nagsindi ng sigarilyo. Natatarantang naghanap ng kaniyang panyo ang babae. Bawal siya sa usok ng sigarilyo. Lihim siyang nagpasalamat nang  Pero bago pa niya tuluyang makapa ang panyo, mabilis siyang kinabig ni Idrish at masuyong niyakap. Deretsong dumikit ang mukha niya sa matikas nitong dibdib, 'yung tipong sakto namang makakahinga pa rin siya sa ginawa nito. Hindi siya prepared sa inakto nito at aalpas sana sa yakap ng lalaki nang marinig niya itong nagsalita.  "Pinag-iisipan ko pa sana ang inyong imbitasyon, but you ladies, disappointed me. Ang gaganda niyo sana pero mukhang ang liliit naman ng inyong mga utak. Out."  Ang huling salitang binanggit nito ay nagpakabog sa kaniyang dibdib. Matigas ito at nakakakilabot. The three ladies hurriedly went out of the lift looking very pale at scared.  "Sa sobrang bait mo, kahit delikado na sa'yo, tatahimik ka pa rin." Napahiwalay na siya dito at ngayo'y naiwang napatanga sa lalaking nauna nang tumalikod at lumabas ng elevator. Hindi magawang mag-react ng dalaga. Did he just protected her from inhaling the cigarette smoke? Bakit parang alam nito ang tungkol sa pagiging bawal niya doon? "Bakit ang sungit mo sa mga babae? They are appreciating your looks but you do otherwise." "They just want one thing from me, and you know what it is, baby?"  "Bakit ano ba 'yun?" "No, you don't want to know it. Now, just keep on going at may tatawagan pa pala ako." Hindi na siya nagsalita pa. Naisip niyang siguro, may mga responsibilidad din ito bilang parte ng pamilyang dugong-bughaw. Nalaman din niyang may mga negosyo pala ang binata at ang photography ability na gusto nitong matutunan ay dahil meron itong business na gustong pasukan in the same line.  Kagabi ay nagpakuwento din siya dito kung gaano kaganda ang bansang Ireland. Hindi niya sinabi ditong may dugong irish siya katulad nito kaya nagulat din siya nang sinabi nito iton kagabi. "You are of Irish descendant, right?"  Kaya lahat ng gusto niyang malaman, nasagot nito ng walang pag-aalinlangan. "Ill be leaving, Entice. May kailangan lang akong puntahan pansamantala. I'll catch up." Nagmamadali nitong paalam sa kaniya. At bago pa man siya nakasagot, nanigas na siya nang bigla itong yumuko sa kaniyang balikat at inilapit ang labi sa kaniyang leeg.  "I will not stay long. Stay away from other people, lalong-lalo na sa mga lalaki."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD