Chapter 11 - One on One

1818 Words
Halos mapapadyak sa sahig si Abigail bago mabilis na nilayasan ang binata. Pulang-pula na talaga ang kaniyang mukha. She's been standing in front of that man with just a little sexy lingerie dahil sino ba namang mag-aakalang may darating ng ganoong oras. Though it's not that daring, still, hindi pa rin siya nito dapat nakita nang ganoon.  Gahd, what's happening? Ang bilis ng mga pangyayari. Matapos ang sampung minutong pagkukulong niya sa kaniyang silid, marahas siyang bumuga ng hangin para labasin ang "bisita". Nakapagpalit na rin siya ng cotton short at sky blue t-shirt na medyo maayos naman. The most important thing, she's now wearing an undergarment beneath her tops. Natigilan siya nang makita niyang suot-suot nito ang Sofia printed apron na paborito niya. Ang bilis ng kamay nito sa paghihiwa ng mga sahog.  "You're really cooking?" "Yes," may pagka-suplado nitong sagot. Napaangat ang isang kilay ng dalaga. It's almost nine in the evening and yet, magluluto talaga ito ng matinong pagkain! "I hope you don't mind me doing the cooking right now kasi parang nami-miss ko ang kumain ng maayos na pagkain at para na rin sa'yo..." he trailed then quickly glared at her. "Konting-konti na lang at mukha ka nang kawayan." Inirapan niya ang lalaki pero ngumisi lamang ito. Mukhang na-aamuse sa naaasar niyang mukha. Kung alam lamang nito na nang mga sandaling iyon, natataranta talaga siya.  Humakbang si Abigail papalapit sa lalaki pero hanggang kitchen island lamang ito. Wala pang limang dipa ang layo ng kaniyang lutuan sa kaniyang kinatatayuan kung saan ay nag-uumpisa na ring magluto si Idrish. Masusing pinagmasdan ng babae ang kaniyang "bisita" habang nakatalikod ito. Halos yumuko na ito habang nagluluto dahil sa tangkad ba naman nito at sa baba naman ng kaniyang cook top. She find it amusing looking at the man such good-looking as him pero eto ngayon at nagluluto! Huminga nga malalim si Abigail. Napailing na lamang siya tanda ng pagsuko sa bilis ng mga pangyayari. Nagtataka din siya kung bakit imbes na magalit siya't mangamba ay talagang iba ang kaniyang pakiramdam dito. Naiinis, oo. Pero ang isang Abigail Entice kasi ay hindi naman talaga marunong magalit. In her twenty-five years of existence, madalas pa nga siya ang i-bully lalo na noong siya'y bata pa lamang. Talaga naman kasing ayaw niyang makipag-away. Palagi na lamang niyang katuwiran na lahat ng di-pagkakaunawaan ay nadadala naman sa maayos na usapan at kung hindi gagatungan, hindi na lalaki ang issue. She has the most soft and kind-hearted heart. Nasakisihan iyon ng kaniyang ama mula sa kaniyang pagkabata hanggang ngayon. Even Pamela, she can attest to it. Minsan nga ay gusto na siya nitong batukan sa sobra niyang kabaitan pero later on ay naunawaan din nito ang kaniyang prinsipyo at paniniwala. Kahit nga ang kaibiga'y nahawa na rin niya ng kaunti. Bahagya na rin itong lumambot mula sa pagiging isang b***h noong hindi pa sila nagkakakilala. "Talagang gutom ka nga," Napapahiyang ibinaba ni Abigail ang may katamtamang laki ng mangkok na nangangalahti na lamang sa sabaw ng sinigang. Kahit siya'y hindi makapaniwalang naka-dalawang punong pinggan siya ng kanin. Napadighay ang babae kasabay noo'y natawa naman ang binata. Hindi makapaniwala si Abby. Daig pa siya kasi ng lalaki.  "Promise, this is so far the best lutong-bahay that I have ever tasted." "Well, thank you. Ikaw ang unang taong nagsabi sa aking masarap akong magluto." Dahil siya lang naman ang nilutuan mo, Idrish. A part of him has whispered to himself. Hindi naman kasi siya nagluluto ng para ibang tao. He's a cold-blooded vampire, for pete's sake, at kung magluto man siya'y mabibilang lamang iyon sa kaniyang mga daliri. Kakaiba siyang bampira maybe because he's a half-vampire and half-human too. He has learned it decades ago noong kinailangan niyang huminto sa mundo ng mga tao dahil na rin sa isang misyon. It was in Russia where he first met Tim and they became friends. Kailangan niyang mamuhay ng parang isang tao lalo na kapag mayroon siyang misyong kailangang gampanan sa mundo ng mga ito.  "You must eat decent food. Kung hindi pa'ko siguro dumating, malamang pizza ang kakainin mo." Humalukipkip si Idrish habang prenteng isinandal ang sarili sa upuan. "About that, I-Idrish. Baka puwedeng bukas na lang natin pag-usapan sa opisina ang task ni pinadala ni Boss. A-Ano kasi..gabi na at gusto ko na ring magpahinga." Bumakas sa mukha ng lalaki ang nakakalokong ngiti. Pinalobo ang kanang pisngi gamit ang dila nito saka humalukipkip.  Now, she's learning, Idrish silently told himself. Hindi man niya direktang sinabi sa babae kanina, mukhang may ideya ito kung ano'ng gagawin niya kapag hindi pa rin nito binanggit ang kaniyang pangalan. Hindi niya naman sinasadyang sabihin iyon kanina, pero talagang hahalikan niya ang dalaga dahil sa talagang naiinis siya kapag too formal ang pakikitungo nito sa kaniya. Which is quite unusual, dahil isa siyang dugong bughaw sa kanilang lahi. He has learned to be treated with high respect, even vampire lasses she has been flinging around, ayaw niyang tinatawag siya sa kaniyang pangalan. Nanay niya lang ang babaeng puwedeng gumawa noon. Kaya kahit siya'y hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla na lang, sa estrangherang mortal na ito, gusto niyang namumutawi sa bibig nito ang kaniyang pangalan. "Nasaan na nga pala 'yung tauhan mo? 'Yung si Felipe?" His eyebrow almost became one, "And why is that question? You're looking for Felipe?" Damn. Kumulo ang kaniyang dugo sa narinig. Siya ang kasama pero iba ang nasa isip at hinahanap pa?! "Trabaho ang kailangan nating pag-usapan, Miss Salcedo. Stop thinking for other men."  "Ano? Nagtatanong lang ako kasi nakakapagtaka namang pakalat-kalat kang mag-isa sa metro ng walang body guard." "I don't need a bodyguard. Why would I?" He gritted his teeth. Sa isip ay gusto na niyang sakalin si Felipe. "It's just dapat kasama mo siya dito." "Why, natatakot ka ba sa akin? If you're thinking like I'm going to do something to you, huwag kang mag-alala dahil hindi ko gagawin iyon. Unless you'll like it too." Her face flushed. Bumalik ang inis niya sa kausap. "Can you please just answer my question? You know what, huwag na. Magsimula na lang tayo." Naiinis na tumayo ang dalaga at tinungo ang silid nito.  "You're an asshole." Idrish castigated himself. Bahagya siyang nagsisi sa pagkaka-embarass ng dalaga. Alam naman niyang hindi ito katulad ng ibang babae.  "Pasensiya na, Miss Salcedo. Kailangan kasi niyang magtrabaho sa kumpanya ko bilang parte na rin ng kaniyang training. Gusto niya rin kasing magtayo ng negosyong katulad sa EON sa Ireland. Ikaw lang ang nakita kong karapat-dapat na magturo sa kaniya ng mga pasikot-sikot at technique sa pagkuha ng mga de-kalidad na litrato. Actually, he will also be a camera man pero naisip kong mukhang kailangan niyang matuto sa'yo. Kaya turuan mo siya kung paano ang humawak ng camera." Inis na binuklat ni Abby ang laptop. After staying in her room for about fifteen minutes, lumabas na siya para harapin si Idrish at gawin ang pakiusap ng amo.  "Let's start this one on one. Sabi ni Boss, gusto mo daw matutunan ang basic and complicated photo capturing. Bakit, if I may know? Is this for fun or purely business? Depende kasi sa taong may hawak ng camera ang output." "Yeah, about that. I need to learn something to run a business like EON." Mabilis na sagot ng lalaki matapos mabalis na nag-flash dito ang narinig niyang usapang ni Tim at ng dalaga. Hindi agad sumagot ang dalaga. Nakatitig lamang ito sa lalaki na tila ba hinahanap sa muha nito kung may bahid katotohanan ba ang sinasabi nito. He's a royal blood, right? Parang hindi naman kapani-paniwala ang gustong mangyari ng amo. "Why, you don't believe your boss? Mukha ba akong nagsisinungaling." Bahagyag umangat ang isang kilay ni Abigail. "Lord Idrish, pasensiya na po. Isa po kayong royal blood, hindi ba?" Dinig ng dalaga ang mahinang pagmura ni Idrish. Halatang hindi nito inaasahang may alam siya tungkol sa kaniyang posisyon. Napapikit pa ang binata, halata sa mukha nito ang pagkakadismaya. Napakagat-labi si Abigail. She find him amusing dahil saglit na napalitan na naman ng pagkaasar ang mukha ng lalaki. "Okay, huwag ka nang magmura. I don't want to hear any profanities kapag talaga ngang magiging apprentice kita. I only have one condition kapag nagsimula na tayong magtrabaho ng magkasama." Umangat na naman ang isang kilay ni Idrish habang nagtatakang tumingin sa dalaga, pero agad ding napaiwas ang mga mata nito nang magaan na ngumiti pabalik sa kaniya ang kausap. "I will call you Lord Idrish, no more no less." "You don't need to -," Biglang nagtaas ng kaliwang kamay si Abigail sanhi para huminto ang pagsasalita ng lalaki. "Yes, I need to. Kailangan ko po kayong igalang. I am just a nobody. Therefore, I'll call you Lord Idrish," then Abigail smiled. Gusto niya ang tunog ng pagkakatawag sa pangalan ng lalaki kasama ang titulo nito. Hindi talaga kasi siya makapaniwalng isang dugong bughaw ang kaniyang nakilala, maliban sa talagang alam niyang iyon ang dapat niyang itawag dito. Hindi sila close at naniniwala si Abigail, hindi naman ito bababa sa pedestal nito para lamang makisalamuha sa mga ordinaryong taong katulad niya. But to her dismay, parang unti unti yatang nagiging kampante ang kaniyang puso sa presensiya ng lalaki. Natapos nila ang halos apat na oras na pag-uusap nang hindi namamalayan. It's past two in the morning nang mapasadahan ng tingin ni Abby ang wall clock sa living room.  "Sigurado ka bang komportable ka dito?" Alanganing tanong niya sa panauhin. Isang dugong bughaw na patutulugin niya sa kaniyang couch sa salas. Malaking tao pa naman ito. Lagpas na nga ang paa ni Idrish sa kaniyang Marcella velvet 4-seater sofa.  "Why? Would you allow me to sleep with you inside your room kapag sinabi kong hindi?" He playfully smirked but got faded when he saw her face. Naaasar na naman ito at kailangan na niyang huminto. May kasalanan pa nga siya dito kanina.  "I'm sorry, and for the earlier one." Seryosong saad ng lalaki na mukhang naunawaan naman ng dalaga. Tipid lamang itong tumango at nag-iwas ng tingin saglit bago nagsalita. Tila pinipilit nitong ibaling sa iba ang usapan.  "From what country are you from again, Lord Idrish?" "Ireland. Why?" "I see," she gulped before smiled timidly. "Sige , pahinga ka na, kamahalan."  Idrish felt she wants to say something pero bigla na lamang nag-iba nang may mapagtanto. Hindi na nagsalita ang dalaga. Tahimik na lamang nitong kinuha ang laptop at ilang saglit pa'y humakbang na papuntang silid nito. He keep on staring at her, tila hindi niya maalis ang tingin kay Abby.  Nang nasa harapan na ito ng pinto ng silid, she smiled.  "I'm sorry earlier, too. Kung medyo naging mataray ako. Ikaw pa lang kasi ang unang lalaking pinapasok ko dito. And about the question of which country you were from. That's because my mother is an Irish too." And then she went inside. Naiwang nakatulala sa direksyong iyon si Idrish. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD