Unit 404.
Iyon ang numero ng unit ng babae. Idrish learned she's staying in Sky Tower in Pasay na wala pang isang oras ang layo sa kaniyang sariling penthouse.
"Samahan ko na po kayo, Lord Idrish."
"Huwag na, Felipe. Sundan mo nalang sa pag-uwi niya si Tim. Make sure na ligtas siyang makakauwi at siguraduhin mo na rin ang proteksyon niya sa paligid."
Kailangan niyang gawin iyon at masiguro dahil hindi niya gugustuhing may mangyari sa kaibigan lalo pa't malapit na itong maging tatay.
Masunuring tumungo naman si Felipe tanda ng pagsunod sa utos nito. Ang proteskyon na binanggit ng amo ay isang orasyon para hindi maamoy ng mga Xegnons ang kaniyang kaugnayan sa kaibigan. Traydor ang mga Xegnons, at hindi niya maaaring ipagkasapalaran ang kaligtasan ng mga mortal na taong nauugnay sa kaniya, lalo na ang kaibigan na itinuturin na niyang kapatid.
Mabilis na dinampot ni Idrish ang susi ng kaniyang bentley. Of course, puwede naman siyang magteleport pero naisip niyang kailangan niya ring mag-ingat, sa payo na rin ng kaibigan.
"Ngayong nandito ka sa mundo ng mga tao, kailangan mo ring mamuhay ng kagaya namin. Huwag kang mag-alala sa kaniya, kahit mabait iyon, alam kong hindi naman basta-bastang magpapa-agrabyado si Abigail."
Nagsalubong ang dalawang kilay ng binatang bampira sa sinabi ni Tim.
"And what does that suppose to mean? I'm not worried for her the way you want to think of it. Her father is my mission." Angil niya sa kausap.
Pero nagtaas lang ng dalawang kamay at mapanuksong natawa si Tim pati na rin si Felipe na agad nag-iwas ng tingin nang makita ang matatalim niyang sulyap. Alam niyang tinutukso siya ng dalawa mula pa kaninang halos madapa siya sa pagmamadali para makapagbihis at puntahan angdalaga.
"Okay, just go. Ako na'ng bahala sa Sky Tower para hindi ka na masyadong sitahin na makapasok doon.Remember, you're one of my staff at ka-trabaho mo si Abigail kaya kailangan mo siyang puntahan dahil sa trabaho ninyong kailangang tapusin."
"G-Good evening, Sir. What can I do for y-you?" Nababaluktot ang salita ng isang babaeng receptionist on duty nang saktong tumayo siya sa harapan ng front desk. Tatlong babae ang kasalukuyang naroroon kasama ang dalawang male staff na halos magdikit na rin ang mga mata sa bagong dating.
With his black v-neck tee, denim rugged jeans at sneakers, parang isang modelo na rakista ang porma ni Idrish. Lahat ng kababaihan ay halos mabali ang mga leeg sa katitingin sa binata pero parang wala lamang iyon dito.
"I'm here for Entice Salcedo," halos maglupasay sa kilig ang receptionist dahil sa lalim ng boses nito. Lalo na nang magdikit ang kaniyang mga kilay dahil sa bahagya na rin siyang naaasar dahil sa pagpapa-cute ng mga kausap. Pero mabilis niya ring nirendahan ang sarili. Kailangan niyang huwag magalit dahil talagang mag-iiba ang kulay ng kaniyang mga mata kapag nagkataon.
"Am I allowed now to proceed? I'm in a hurry to be with her."
"H-ha? A, eh, s-sandali lang po, S-Sir kasi, kailangan pa po naming itawag kay Miss Abby ang pag-akyat niyo. Si Miss Abigail Salcedo po ang kailangan niyo, hindi ba? B-Boyfriend niya po ba kayo?"
"Obviously, she is, Miss. And you'e asking too personal question. Puwede ba'ng pakibilisan?" Bigla siyang naging iritable lalo pa't nakita niya kaninang halos kabilugan na ng buwan. It's almost eight in the evening at ramdam niyang nasa paligid lamang ang kalaban.
Bago pa man mawalan ng pasensiya si Idrish, mabilis nang naagaw ng isa pang female receptionist ang kanilang atensiyon. Kabababa lang nito sa telepono at apologetic ang mukhang lumapit sa binata.
"W-We're very sorry for the delay, Mister Constantine, hindi po namin alam na katrabaho po pala kayo ni Miss Salcedo at pinsan pa po ng big boss. Tuloy na po kayo, Sir. Unit 404 po."
Tumango ang lalaki at nagpasalamat bago nagmamadaling tinungo ang elevator. Sa isip niya'y minumura si Tim. May-ari pala ito ng mismong condominium, hindi pa nilubos ang pagpapapuslit sa kaniya doon ng mabilis. Ito lang naman kasi ang nagpapakilala sa kaniya na pinsan nito.
And when he reached his destination, ramdam na naman niyang nagsisipaghabaan ang kaniyang mga pangil. It only means one thing - nasa malapit na nga ang kalaban. Malakas niyang kinatok ang pinto ng dalaga. Mabuti na lamang at bahagya pa siyang nakayuko nang magbukas ang pinto at tumambad sa kaniya ang mukha ng babaeng halatang gulat na gulat din. Kung hindi, baka nakita nito ang hindi dapat makita. Pinilit niyang ikubli ang bibig.
Halos malaglag naman ang panga ni Abigail sa gulat habang nakatingala sa kaniyang nakatitig.
"You've just opened the doorway to your death, baby."
He hissed in dismay. Nakaramdam ng inis ang lalaki nang makita ang suot ng dalaga nang magbukas ng pinto.
Pagkasabi niyo'y mabilis niya itong itinulak papasok ng unit kasabay ng pagsira ng pinto. On his peripheral vision, Idrish saw the shadow in the balcony na mabilis ding nawala nang makita ang kaniyang presensiya. Napahinga ng maluwag ang binatang bampira nang masigurong tuluyan nang umalis ang isang xegnon.
"Are you really that careless to just open the door wearing that..thing?!"
"Bakit ano ba ang masama sa suot ko? And please lang po ha. T-teka, sandali lang. Ano ba'ng ginagawa mo dito? Mr. Constantine -,"
"If you will not stop calling me by my last name, you'll see how can I make you do it." Titig na titig si Idrish sa babae. Mula sa mga mata nito hanggang sa napunta sa labi nito.
Halos maliyo sa natural na bango nito ang binata kaya unti-unti na rin niya itong binitawan. Maya-maya'y bumaba pa ang mga tingin ni Idrish, bago ito mapang-asar na nagsalita.
"You're too accomodating to be a victim, Entice. Talagang nagbubukas ka ng pinto mo ng nakaganiyan?" Bahagyang nagtagis ang bagang ni Idrish habang ikinukumpas ang kamay sa kaniyang harapan.
Napaatras si Abigail at nahihindik na napa-krus sa dibdib nito nang mapagtanto nga ang suot. She's just wearing a sexy pair of beige lingerie na hindi man sobrang seductive, still, it's very inappropriate to be seen by a man. Tumalikod si Idrish at bagama't hindi nya klarong narinig, she knows he's like cussing somthing.
Halos lumundag sa gulat ang babae nang biglang tumunog ang cell phone nito. Mabilis nitong dinampot iyon habang sinusuway ang nagtatahol na si Willow. Nakaharap sa unexpected visitor ang chowchow pero mukha namang hindi ito galit. Para pa ngang tahol na gustong makipag-kaibigan.
Tumalikod si Abigail sa lalaki at humakbang papuntang kuwarto. Pero habang ginagawa iyo'y sinagot na niya ang tawag.
"Boss?" Napahimas sa kaniyang leeg ang dalaga. Hindi niya mawari kung matatakot ba siya o magagalit sa kasalukuyang sitwasyon pero aminado siyang hindi siya nakakaramdam ng panganib kapag kasama niya ang "pinsan" ng amo. Mas lalo niya pang niyakap ang sarili.
"Abby, good evening. "Tatanong ko lang kung dumating na ba diyan si Idrish?"
Lumingon ang babae sa gawi ng binata. Nakita niyang nakatayo lamang ito doon malapit sa may pinto habang nakahalukipkip na nakamasid sa kaniya.
Siraulo ba 'to? Bakit parang siya pa ang galit kung makatingin?
"Boss naman, ano po ba'ng ibig sabihin nito? Bakit bigla-bigla na lang siyang susulpot dito?" Kung hindi niya lang amo ang kausap at nangangamba siyang mawalan ng trabaho, at kung malapit lang ito, baka nasigawan na niya ang amo.
"Pasensiya na, Miss Salcedo. Kailangan kasi niyang magtrabaho sa kumpanya ko bilang parte na rin ng kaniyang training. Gusto niya rin kasing magtayo ng negosyong katulad sa EON sa Ireland. Ikaw lang ang nakita kong karapat-dapat na magturo sa kaniya ng mga pasikot-sikot at technique sa pagkuha ng mga de-kalidad na litrato. Actually, he will also be a camera man pero naisip kong mukhang kailangan niyang matuto sa'yo. Kaya turuan mo siya kung paano ang humawak ng camera."
"Pero Boss, alam niyo -,"
"Babe, please wear the black lingerie I've bought for you."
"You wish!"
"Pam, come on, please sleep with me tonight."
Napapikit si Abigail. Nae-eskandalo siya sa mga boses sa kabilang linya. Nakalimutan na nga yata ng kaniyang boss na kasalukuyan siyang kausap nito.
"Hey, shut up. Kausap po ang kaibigan ko, ulol!"
'Nak ng pagong! Mabuti na lang at alam ng kaibigan niyang nandoon pa siya at naririnig ang intimate moment ng dalawa.
"I'm sorry, Abigail. I forgot you're there. I have to go, ikaw na ang bahala sa pinsan ko. Mag-a-out of town kami ni Pamela for two weeks."
At mabilis nang naputol ang tawag.
"I guess, nasabihan ka na?" Biglang sumulpot sa likuran ni Abby ang lalaki. Gustong matawa ni Idrish. Halata kasing tarantang-taranta ang dalaga. Natutuwa siyang nakikita itong naiinis.
Katulad na lamang ngayon. Kitang-kita niya ang frustration sa maganda nitong mukha.
"So what's for the dinner?" Patay-malisya, he asked again. Mas lalo pa siyang lumapit dito hanggang sa halos dalawang dangkal na lamang ang layo ng kanilang mga katawan. Napaatras si Abby. Parang may saltik nga ang lalaki. Kani-kanina lang kung pagtaasan siya ng boses para magpalit ng damit, wagas. Nakakadismaya ngang malaman na imbes magalit siya dito'y kung bakit parang nagdulot pa ng kakaibang kiliti sa kaniya ang pagiging protective nito.
"I-Idrish, pwede bang lumayo ka nga," iniharang ng babae ang kamay sa dibdib ng lalaki. Pero bago pa man iyon tuluyang lumapat, si Idrish na mismo ang dumistansiya.
Not so close.
Huminga ito ng malalim bago nanliliit ang mga matang tiningala ang lalaki.
"I'm not cooking. Kung anuman po ang dumating diyan sa labas ng pintuan, pakibuksan na lang muna. Hayan ang pambayad sa counter."
Ah, the smell. It's really intoxicating. Gustong-gustong ibaon ni Idrish ang ilong nito sa mabangong leeg ng babae. But he pulled his full strength not to do it. Ayaw naman niyang matakot ito sa kaniya.
Little by little, instead of being thirsty for her blood, napagtanto ni Idrish na ibang pagkauhaw ang kaniyang nararamdaman. Maliit ang babae, haggang dibdib lamang niya ito at parang hindi makabasag-pinggan sa amo ang mukha. Nang mahawakan niya kanina ang maliit nitong beywang, ramdam niya din kung gaano kalambot ng katawan nito. Idrish could feel his needs as a man peri hinding-hindi niya iyon gagawain sa dalaga. Aside from the fact that he doesnt do mortals dahil manganganib ang buhay ng sinumang mirtal na kaniyang makakasiping, he cant just bear the thought na saktan ito.
Maybe because he knows Abigail is a kind soul.
"Go, and change. Next time, huwag na huwag kang magbubukas ng basta-basta ng ganiyan ang ayos mo."
Inirapan niya ito at hindi sinagot.
"And don't make that face on me, lady. You just don't know how you turn me on." Sabi pa nitong naglakad papuntang kusina ng hindi man lang siya nililingon.