Chapter 9 - Unexpected Guest

2269 Words
She's been holding the yellow paper since she got home to her own unit. Katatapos lamang niyang maligo at kasalukuyang nasa living room ng kaniyang condo nang muli na naman niyang pagmasdan ang papel. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansing mukhang hindi ordinaryong papel ang kaniyang hawak. May katigasan ito na kapareho ng sa isang cardboard but what caught her attention, parang may invisible lines ito na kung susuriin niya ng mabuti'y parang kasintulad ng sa kaniyang balat. Her birthmark is like the shape of an hourglass. Nanliliit ang kaniyang mga mata para mas lalo pa niya itong pagmasdan, and she's right. "Beloved," may tunog ang kaniyang pagkakasabi. "Si Mommy lang ang narinig kong tinawag niyo ng beloved." Tumayo si Abigail. Maalim pa rin ang kaniyang iniisp habang naglalakad papunta ng kaniyang ksuina nang bigla'y halos tumalon ang kaniyang puso dahil sa malakas na pagtahol ni Willlow, ang dalawang-taong gulang niyang chowchow. "Hey, what is it, Will? Ginulat mo si Nanay." Pumapalatak siyang tumayo para lapitan ang kaniyang aso. Tahol ito ng tahol habang nakaharap sa kaniyang balcony. Nang sumulyap doon si Abigail, kumunot ang kaniyang noo nang parang may anino ng tao siyang nakita doon. Pero imposible iyon dahil nasa 27th floor ang kaniyang unit. Naisip niyang baka namamalik-mata lamang siya kaya naman hindi niya na iyon pinansin. Napahinga pa siya ng maluwag nang bago lisanin ng kaniyang tingin ang balcony, nakita niya ang paglapat ng ilaw ng drone light show. Bigla niyang naalala, it's friday night. TGIF, kaya malamang, may kasiyahan na naman sa baba malapit sa kaniyang condo building. That shadow must have come from that aerial light show. "Stay with Nanay, Will. Ayusin natin 'yung mga kuha ko sa photoshoot kanina." Bumuntot naman sa kaniyan ang golden brown na aso. Willow is a gift from her dad. Nanay ang pakilala niya sa kaniyang sarili dahil itinuturin talaga niyang anak ang alagang aso. Tumunog ang kaniyang cell phone. Abigail smiled when she saw who's calling. Hindi pa man niya naibubuka ang kaniyang bibig para mag-hello, niratrat na siya nito ng mga tanong. "Kumusta ang lakad mo? Nagkausap ba kayo ni Ins. Faegane? Oo nga pala, hinatid ka ba ng pinsan ni Tim hanggang sa Malolos police station? Buo pa ba ang hymen mo?" At humagikhik ito na parang sira. Natatawang inilayo ni Abigail and cell phone mula sa kaniyang tenga para tingnan kung si Pamela nga ba ang kaniyang kausap. She just rolled her eyes nang mapagtantong ito nga ang kaniyang kausap. "Para kang loka-loka. Papaano mo nagagawang isipin iyan sa pinsan ng ex mo, Pam? " Oh shut up, girl. I can see how she stared at you, halos hindi nga mahiwalay ang mga mata niya sa katitig sa iyo. Aminin mo na, he's super hot. And the way he stares at you? Girl, delikado ang Bataan." Napailing na lamang ang dalaga. Sobrang liberated kung mag-isip ang kaibigan niya pero hindi niya itatangging may kakaiba nga siyang nararamdaman. For Pete's sake, she's crushing they guy at naiinis na din siyang kanina pa ito bumabalik-balik sa kaniyang isipan lalo na ang mga kaganapan sa Beatrix. Para lang kasing nag-date sila ng lalaki. Abby castigated herself at mabilis na ibinalik ang focus sa kausap. Magtataka pa sana siya kung bakit parang ang bilis magbago ng mood nito nang biglang maalala niya ang mga sinabi ng lalaking kasama kanina. " Ano na nga? Come on spill it out girl. Crush mo no?" "I think it's just normal if I do. What's not normal is nagagawa ko pang maramdaman 'to despite my father is missing." She heard her tsk bago sumang-ayon. "Eh puwede bang ako muna ha? Mukhang ikaw ang may kailangang sabihin sa akin." Inabot niya ang ulo ng alagang aso at hinimas-himas ito. Parang tsismosa pang sumusulyap-sulyap sa kaniya ito habang nakapatong sa kaliwang hita niya ang ulo nito. "I guess yes pero go mauna kana. I was really worried for you you know. Mabuti na lamang at kasama mo ang pinsab ni.. Nevermind. Tsk, pakipot pa talaga. "So, ano nga? Dali na at magkuwento ka nga. Hinatid ka ba ng pinsan ni Tim hanggang Malolos?" "Hindi. Ang laki ko nang abala no'n." "Ay, ano ba 'yan. Akalan ko nga magkaka-love life ka na," "Sira ka talaga." Natawa si Pam at biglang sumeryoso na ang boses,"Anyway, joke lang naman 'yon. Alam ko namang hindi mo 'yan pansin sa ngayon lalo pa't nangyayari itong kay Tito Oscar. Kumusta, may good news ba?" Huminga ng malalim si Abgail, "Wala pa rin silang balita kay Daddy, pero nakita 'yung sasakyan niya sa Quezon. They are concluding na walang kumuha sa kaniya, pero anwawala pa rin siya." Malungkot niyang saad sa kaibigan. At ikinuwento niya sa kaibigan ang resulta ng kaniyang lakad kanina. To her surprise, ramdam ni Abigail na parang mas nararamdaman niyang buhay ang ama at kusa itong lumisan. Kung anuman ang dahilan nito'y wala din siyang ideya at hindi rin siya sigurado kung tama ang kaniyang kutob. Anga tanging alam lamang niya'y matapos na makita ang papel na may sulat, bahagyang kumalma ang kaniyang sistema. "Sinasabi mo ba'ng sa tingin mo'y nasa paligid lang si Tito Oscar?" Huminga ng malalim si Abigail, kasabay noo'y napapikit siya ng mariin. She suddenly had a smell of the paper's fragrant at parang may bumulong pa sa kaniya. "Ramdam ko Pam, nasa paligid lang si Dad. Buhay siya, at hindi ako titigil hangga't hindi ko iyon napapatunayan." "Well, mas mabuti ang ganiyang fighting spirit, Gail. Kapag kailangan mo ng tulong ko, nandito lang ako, okay?" She thanked her friend sincerely and promised too na hindi siya maglilihim dito. Si Pamela lamang ang tanging taong pinagkakatiwalaan niya maliban sa kaniyang ama. Parang magkapatid na ang turingan nila sa isa't-isa at ramdam niya rin namang mahal na mahal siya ng kaibigan. Kaya naman, hindi na rin niya naiwasan pang magtanong. Abby knows her friend needs her too. Anak-mayaman ito pero dahil matigas ang ulo at sinunod ang sariling gusto, itinakwil ng mga magulang nito si Pamela ang piliin nito ang photography kesa maging abogada. Lahi kasi ng mga abogado ang side ng tatay nito. In fact, judge sa Bacolod ang ama ni Pam, si Judge Uytingco. Ayaw naman niya itong pangunahan pero magmula kasi ng dumulas sa bibig ng estrangherong lalaki ang kasalukuyang lagay ng kaibigan, saglit siyang nagtampo dito. Heck, nauna pang malaman ng supladong lalaki na iyon ang pagbubuntis ng kaibigan? Well, talagang close siguro ang Boss Tim niya at ang lalaki. "E ikaw, its your turn now. Come on spill it. Alam kong may dapat kang sabihin sa'kin." Pumalatak ang kausap niya sa kabilang linya. "Kaya nga gusto ko sanang diyan matulog ngayon sa'yo para magkausap tayo, kaso ayaw naman akong paalisin dito." Namilog ang mga mata ni Abigail. "Nasa'n ka ngayon, Pamela Uytingco? Kasama mo ba si Boss Tim?" Naku't kukutusan niya talaga ang kausap niya kapag hindi ang kanilang boss ang kasama nito ngayon. May pagka-rebelde kasi ang ugali ng kaibigan niya. Pam aside from being a spoiled brat before (dahil medyo nabawasan na daw mula nang magkakilala sila), madaling magrebelde ito. Ginagawa ang lahat ng gusto. Tanging s akaniya nga lang yata ito tumino. "Hey, chill." Pamela chuckled. "Kumalma ka, behave na'ko. Lalo pa't magiging Tita Ninang ka na. Yes, I'm with him simula nang iwanan mo kami sa building. Hindi na ako pinaalis." She bit her lower lip, "Sa wakas, narinig ko din sa'yo. Magtatampo na nga akong tuluyan kapag hindi ka pa nagsabi talaga." "Sorry na, girl. Alam mong wala naman akong balak patagalin na hindi ko ito masabi sa'yo kaso naunahan na'ko ng inis kay Tim kanina. Ayaw akong pasamahin sa'yo kaya nainis akong bigla. Siyempre, ayoko namang mag-isa ka lang susulong doon sa meeting, dapat meron kang kasama. Tapos, hindi ka naman pala sinamahan?" Tila naiinis ang boses nitong sabi. "Ano ka ba? Bakit ko naman pasasamahin sa'kin 'yung tao e hindi ko naman 'yun kilala? Besides, ang suplado nga, parang may regla. Ang sungit-sungit. Isa pa, ang laki ko nang abala sa tao. Pinakain pa nga ako, e." Kung anu-ano pa'ng mga sinabi ni Pam sa kabilang linya hanggang sa naulinigan niyang tinawag ng boses-lalaki ang pangalan ng kaibigan. She smiled when she realized, boses ng kanilang boss ang tumawag. "Babe, come on. Luto na 'yung sinigang mo." Ani nito. "o, akala ko ba walang pakialam ang isat isa?" nang aasarbiyang tanong but Abigail is happy indeed. She's happy for her friend. Alam naman niyang seryoso ang ex nito dito. "I guess I need to step down with my pride para sa baby. Ayoko namang lumaki siya ng katulad ko." Abigail sighed, she knows what Pam is trying to say. Ang tagal kasi nitong nawalay sa totoong mga magulang at higit kaninuman ito ang taong nakakaalam ng maaaring maranasan at maramdaman ng isang batang pinavkaitan ng mga magulang. "Yeah, you're doing it right, Pam. Para sa bata, besides I can see Boss Tim really loves you. "I know, it's just we need to work out lang sa mga issues namin." She smiled. Ngayo'y bahagyang gumaan ang kaniyang bigat sa kaniyang dibdib dahil sa tuwang narardamn para s akaibigan. Tinaboy na niya ito para makakain na. Napansin niya ring it's almost eight in the evening na pala at talagang kailangan na rin niyang putulin ang tawag para makakain na ng maayos ang buntis. "Are you sure okay ka lang diyan? Gusto talaga kitang puntahan diyan para may makasama ka." Abigail smiled. Nakukulitan man sa kaibigan ay mas na-touched naman siya sa sobrang pag-aalala nito sa kaniya. "Believe me, I'm okay, Pam. Sige na, you need to eat now and promise me, be more careful, okay." Tumayo na rin siya para maghanda ng kaniyang dinner. Iinitin na lang niya 'yung pizza na nasa kaniyang fridge. Wala na siyang lakas para magluto pa ng maayos na hapunan. Hindi pa man siya nangangalahati sa paglalakad papunta sa kaniyang kitchen nang marinig niya ang tunog ng buzzer. Nagtatakang nagkatinginan sila ng aso. "Who would that be?" She headed to her door not minding what she's currently wearing. Hindi naman niya bubuksan ang pinto dahil meron siyang peep hole pero hindi iyon ang nangyari. Hindi naiwasang mapanganga ng dalaga nang makita kung sino ang nasa labas ng pinto. Sumalubong lang naman sa kaniya ang kulay asul na mga mata nito saktong pagsilip niya sa peep hole. Huli na nang ma-realize niyang nabuksan na niya ang pinto. His jaw is clenching while he's towering in front of her. "You've just opened the doorway to your death, baby." "A-Anong ginagawa mo dito, Mr. Constantine?" Matigas ang boses ni Abby pero hindi iyon pinansin ng lalaki. Marahan siya nitong iginilid matapos pumasok ng walang sabi-sabi habang tahimik na iniikot ng tingin ang buong paligid. Nakiramdam ang lalaki at hindi man lang pinansin ang ilang beses nang pagtawag ng babae sa pangalan. "Mr. Constantine!" hindi na naiwasan ni Abby ang pasigaw na pagtawag. "Please explain, ano po ang ginagawa niyo dito? You can't just barge inside my place." Titig na titig sa kaniya ang dalaga. Halata ang pagkakataranta nito at tila wala sa sariling napahawak sa kaniyang braso. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng leather jacket, dahil kung hindi, tiyak na magtataka ito sa kaniyang balat kapag nagkataon. Tumunog ang cell phone nito. Idrish smirked when he realized it was Tim who's calling. Maaasahan talaga ang kaniyang kaibigan. He knows he is calling to vouch for his unannounced presence in front of her. Walang nagawa ang babae kundi ang talikuran siya at tunguhin ang cell phone na nag-eeskandalo. Nang makitang sasagutin na ng dalaga ang tawag, mabilis na tinungo ni Idrish ang veranda. He clenched his jaw when he found out a sign that a xegnon just went into the woman's unit. He can smell the scent and he silently cursed. There is something to this mortal woman. Hindi nagkataon ang minsang paglusob ng kalaban sa bahay nito sa Bulacan. Naaalala niyang may binanggit ang pinatay niyang xegnon noon. He first thought that they are looking for her because she is the daughter pero mukhang hindi na iyon ang lagay ngayon. Lumabas ang mga pangil ni Idrish. Thinking of what might have happened to the mortal woman caused him to worry. Alam niyang gagawin lahat ng kalaban ang paraan makuha lamang ang doktor at mabuhay si Agmuntus. At hindi rin tanga ang mga ito para hindi maisip ang unang gagamitin ay ang anak para mapalabas ang nawawalang doktor. Yes, the counsel have concluded and realized, hindi mga xegnons and kumuha sa research scientist. Kaya kailangan nilang maunahan ang kalaban. "Boss naman! Are you tripping me?! Bakit dito siya matutulog? No! Hindi puwede, Boss. Ano?! Unfair naman po yata 'yan?!" Nagpapapadyak pa ang dalaga at napahawak sa leeg. She looked really cute on that pair of bunny indoor sleeper but not with her beige satin pajamas. He clenched his jaw. "He will be your apprentice, Abby. Sa ngayon ay may ibibigay akong bagong assignment na kailangan niyong pag-aralan. Check your email after this call. Importante ito ngayong gabi na mapag-usapan niyo. Trust me, he's harmless." Well, that's fair enough, Tim. Nakangising kinausap ni Idrish ang sarili nang marinig ang sinabi ng kaibigan sa kabilang linya. Of course, he can easily do that. Matalas ang kanilang pandinig. At nang humarap ito sa kaniya, imbes na ito ang unang kakastigo sa kaniyang unexpected arrival, si Idrish ang masungit na nanita dito. "Bago mo'ko tarayan, go back to your room and change. Now." Damn. He just need to do that. Otherwise, he'll just snap and do what he's been fantasizing to do with that mortal woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD