Chapter 8 - The First Lead

2325 Words
"I need to go, Idrish. Huwag mo na akong ihatid o ipahatid kay Felipe. It's too much. I'll pay for my meal as well." For some reason, she wasn't able to push what she had planned to do. Nagkahiwalay sila ng lalaki sa Beatrix and he didn't let her pay a cent. Ang hindi niya alam, nakabuntot lamang ito sa taxi na kaniyang sinasakyan papuntang presinto. Sobrang okupado ng mga bagay na maaari niyang malaman ang kaniyang isip. Nabanggit sa kaniya ni Insp. Faegane na meron silang lead kaya naman halos hindi na makahinga sa sobrang kaba ang dalaga.  She calmed herself. Kung meron mang dapat na ipagpasalamat si Abigail sa mga nangyayari, iyon ay ang katotohanang sa tuwing gusto niyang kalmahin ang sarili, with the right focus, nagagawa niya ngang kalmahin ang kaniyang pag-iisip. "We have seen your father's abandoned car sa isang liblib na sityo sa Quezon, Miss Salcedo. We have received a report from the local police na merong isang itim na Chevrolet ang nakitang walang driver at naka-park sa isang medyo matalahib na lugar."  Iyon ang agad bungad sa kaniya ni Inspector Faegane. Magkaharap sila nito ngayon sa mismong opisina ng huli sa Malolos PNP station. Sa wakas ay may sampung minuto pa naman bago ang takdang oras ng kanilang meeting. Hindi na nagpumulit pa ang Idrish Constantine na iyon na siya'y maihatid. Ni hindi na nga siya nito pinasakay sa taxi. Naiwan na lamang ito sa loob ng Beatrix kanina, sa cashier, habang siya'y agad nang lumabas ng resto-bar at suwerte namang may taxi na rin siyang nakita. When she reached the police station, her eyes fixated on the black chevy na nasa parking lot nito. Gustuhin man niyang takbuhin ito dahil sa malakas ang kutob niyang pag-aari iyon ng kaniyang ama, alam niyang sa mga oras na iyon, kailangan muna niyang makausap ang task force. At sa narinig ay nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata kasabay ng matinding pagkabog ng kaniyang dibdib.  His father, nakita ba nila? Is he alive? Meron bang nakita ang mga pulis na senyales kung may nangyaring masama dito? May palatandaan ba ng pamumuwersang nakita sa sasakyan? "Based on the conducted initial investigation, it was Dr. Salcedo's vehicle. Here's the photo you have provided with the plate number, and the actual photo of the chevy found. Ginalugad na rin namin ang recording ng dashcam ni Dr. Salcedo pero wala kaming makitang senyales na may kumuha sa kaniya. We only saw him leaving the vehicle mismo sa abandonadong lugar na iyon." "Kung lumabas siya ng kaniyang sasayan, Inspector, saan siya nagpunta? Ano ang gagawin ni Daddy sa lugar na'yon?" "Hindi rin namin alam, Miss Salcedo. Our conclusion is baka nag-stop over lang ang daddy mo para sa tawag ng kalikasan but minutes, hours later, hindi pa rin ito bumalik." Wala sa loob na napahawak si Abigail a kaniyang leeg. She always did that every time she's troubled and upset at nang mga oras na iyon, both emotions plus desperation succumbed to her reality. Sasakyan nga ng kaniyang ama ang nasa litrato kung saan maayos na nakahimpil sa isang tabi, mismong sa ilalim ng malaking puno ang chevy. Bumaba ang kaniyang daddy pero saan nagpunta?  She viewed the recordings at tama nga ang mga pulis. Kung iisipin ay parang bumaba lamang ang doktor para mag-stretch o umihi pero ilang oras na ang dumaan, walang Oscar Salcedo na bumalik sa sasakyan nito.  "So, hindi niyo pa nakikita ang daddy ko, Inspector?"  Pinipilit niya ang magpakatatag. Ayaw niyang maunahan ng pagluha sanhi ng pangamba. she had promised herself that she will be strong dahil walang mangyayari kapag naging mahina siya. Kailangan niyang makita ang kaniya ama no matter what. Isa pa, sa pagkakakilala niya dito'y hindi ito basta-bastang mawawala lamang nang hindi nakahanda. If this is all about the Theriac antidote, knowing her father, meron itong mga nakahandang hakbang para hindi siya basta-bastang maiwan ng wala man lamang ideya. "I'm sorry, but he was nowhere to be found. The local team's initial investigation, walang nakitang pamumuwersang nangyari sa sasakyan. They even noted there was no sign of scratch, inside and out. Walang stain ng dugo at kahit kalat. Your dad's vehicle is totally fine. Except, they have seen a note on the driver's seat." Iniabot sa kaniya ni Ins. Faegance ang isang may kakapalang piraso ng papel.   "Beloved," she said in a whisper only she can hear it. Kasalukuyan niyang hawak ang kaaabot lamang na dilaw na papel sa kaniya ng kausap. Nakatunghay siya dito habang halos mabura na sa papel ang salitang iyon dahil sa kaniyang pagkakatitig. Iyon ang tawag ng daddy niya sa kaniyang mommy. She can vividly hear it sa recorded videos na kaniyang itinatago. Ano'ng ibig sabihin noon? Why would a piece of yellow scented paper be left in the diver's seat, at makikita ang kotse ng kaniyang ama na tila ba sinadya pang magpunta doon at itigil ito ng maayos? "Meron ba kayong naaalalang tao o pangyayari, bagay that could be possibly associated with the word on that paper, Miss Salcedo?" "My mom. He used to call my mom his beloved, but it doesn't make sense. She's already passed away when I was young." Umupo sa kaniyang tapat ang inspector. The man looks like a little bit of George Clooney at parang may dugong banyaga. Tintigan siya nitong mabuti.  "I don't mean to sound offensive but, we need to know if your father has been experiencing some emotional turmoil? Nabanggit mo kasi kanina na ang mommy mo lang ang tinawag niya ng beloved." She looked up at him.  Was he trying to say na baka... "Are you insinuating my dad may have possibly committed suicide?" Nahihindik niyang tanong sa kausap. She knew how strong his father's faith and how he condemns the act. Ni sa hinagap, hindi niya naisip ang posibilidad na iyon. "We need to also look at the angle na baka sadyang umalis ang iyong ama, Miss Salcedo." "That's not quite possible, Inspector. My mom had passed away since I was a kid and I saw how he has accepted it. I know, he always misses my mom but Dad, he'll never do such a thing as that." "Alright, I understand. I have met Dr. Salcedo too, at alam ko din namang napaka-imposible. It's just that, we really need to open our eyes sa lahat ng anggulong pwedeng mangyari." "Nauunawaan ko po, Inspector. Hindi ko lang din po maisip kung bakit nasa Quezon ang sasakyan ni Daddy. Wala po akong maisip na dahilan. Besides, talahiban po ang both sides ng highway." "About that, we are still doing the searching and investigation, Miss Salcedo. Rest assured that we will not leave this case unresolved. In the meantime, any observations or irregular happenings you may encounter, please kindly inform us immediately. We'll keep you posted as well." Ilang saglit pa silang nagkausap ng inspektor bago tuluyang nagpasalamat si Abby at lumabas na ng police station. She then headed to the Chevrolet parked in the police station's  parking lot. Malungkot niya itong pinasadahan ng tingin. Indeed, wla man lang gasgas ang sasakyan na halos mukhang bago pa ngang tingnan dahil sa hindi masyadong paglabas ng kaniyang ama. Sinabihan din siya ng pulis na maaari niya na itong maiuwi two days after matapos ang ilang imbestigasyon pang kailangan kumpletuhin. At babalikan niya iyon sa mismong araw na iyon. Dad, it's been a week, and yet, there's no sign of you. Please come back home. "You're really serious on this, Drei?"  Hindi man niya lingunin ang taong nagsalita, he knows the only one who's calling him that name. Ito lang din ang may access sa kaniyang penthouse tuwing nasa mundo siya ng mga tao. Kakaahon lamang niya sa pool mula sa halos dalawang oras na continuos butterfly stroke niyang ginawa. Ni hindi man lang siya makikitaan ng pagkahapo. Tahimik namang nasa isang sulok lang si Felipe at naghihintay sa kaniyang maiuutos. Si Mardox kasi'y may ibang inaasikaso din. Isang utos na mula sa kaniyang ama.   Iniabot sa kaniya ni Felipe ang kaniyang tuwalya. He then walked towards Timothy, wearing only his swimming trunks. Pabara-bara niyang pinunasan ng tuwalya ang kaniyang buhok, leaving his body sulking wet.  "So, hindi ka nakasama hanggang sa police station?" Marahas na naupo sa silyang naroon si Idrish. Thinking of what happened earlier, naiinis siya dahil isang matigas na boses lang ng mortal na iyon, hindi na siya naka-rebut.  "I guess, silence means yes. I wonder how an immortal ruthless like you hindi nagawang makaporma sa isang mahinhin at mabait na babae." Sasagutin na sana niya ang panunukso ni Tim nang kapwa sila napalingon sa impit na sigaw ng isang babae. Singbilis naman ng hanging dinaluhan ni Felipe ang isang mamahaling vase na tiyak basag sa sahig kung hindi lamang naabutan ng tauhan.  Namumutlang napatingin sa gulat kay Felipe ang housekeeper ng executive suite na iyon. Kitang-kita kasi nito kanina kung nasaang parti ng outdoor pool ang lalaki pero mabilis na nakarating sa tabi nito.  "P-papa..Di b-ba nasa bandang d-dulo ka-," "Felipe, do it." Matigas na sinabi ni Idrish sa tauhan. Walang inaksayang panahon ang inutusan. Felipe performed the hypnosis act. Mahirap nang masabi ng babaeng housekeeper ang kakaiba nitong bilis. Only Tim knew their true identities. Timothy chuckled. He is holding a glass of rum habang humahakbang papalapit kay Idrish.  "Kung bakit ba naman kasi, rarampa ka ng ganiyan habang may babae sa paligid. Tuloy, hindi na makita ang wastong daan dahil nandiyan na sa katawan mo ang mga tingin." "Bakit, nababakla ka na sa'kin?" Idrish smirked while grabbing a glass too. He poured a generous amount of Jack Daniels and got some ice cubes in the bucket. "G**o, sarap mong suntukin, but I'll not do it. Wala akong panaman sa'yo." Then both of them laughed, 'yun nga lang, tipid pa rin ang kay Idrish. Tim on the other hand is just being humble dahil hidni rin naman matatawaran ang fighting skills ng binatang tycoon. Ito nga ang dahilan kung papaano'ng naging utang na loob ni Idrish ang buhaynito sa kaibigan.  "So, ano nga, seryoso ka nang magtrabaho sa'kin? Take note, you're gonna be a photographer here, my lord. " Idrish smirked, "Stop saying that, brother. or I'll suck your blood out." he then hissed while Tim shrugged his shoulders. Iiling-iling itong tumungga sa alak na iniinom pagkuwa'y tumitig sa bilog na buwan na unti-unting umuusbong.  "Remember our kind that was used to be human blood-suckers?" "The Xegnons. What about it?" Mataman na itong nakikinig ngayon kay Idrish." "Bumabalik na sila at hindi magtatagal, kapag nabuhay na ang kanilang pinuno na matagal nang nahimlay, everything will be in chaos kapag hindi namin nakuha ang antidote." Hindi na lingid sa kaibigan ang tungkol sa theriac. Tim knows, isang gamot ang kasalukuyang ginagawa para silang mga Evrox ay makapamuhay ng payapa sa mundo ng mga tao. With that antidote, xegnons will be controlled as well. Wala silang masamang intensyon sa kanilang hangarin. Sa katunayan ay dala dala pa nga nila ang intensyong tumulong sa mga mortal hangga't may panganib mula sa kabilang lahi. "Nagsisimula na naman silang magsilabasan. Noong una, hindi namin iyon pinaniniwalaan hanggang sa maka-engkuwentro kami nina Mardox at Felipe noong isang araw. And guess what? Ang tauhan mo mismo ang kanilang pakay."  Bumakas ang gulat sa mukha ni Timothy pagkuwa'y tumiim ang bagang nito. Abigail is like a younger sister to him, at ipinagpapasalamat nitong ang dalaga ang naging malapit na kaibigan ng Ex-fiance niyang si Pamela. Mabuting tao ang dalaga at nakita niya rin kung gaano ito kasipag at down-to-earth ang ugali kahit pa may mas lamang na ibubuga ito sa mga female models niya sa EON. "I get it now. Abby is your mission, but why? Sa pagkakaalam ko di'y nawawala ang kaniyang tatay. Wait, may kinalaman ba ito sa pagkawala ni Doc Salcedo?" "I don't want to ask further. Alam kong anuman ang ginagawa mong paglapit kay Abigail, it's all about your mission. Pero sana, Drei, huwag mo siyang itutulad sa mga mortal na kinapopootan mo. She's kind and she deserves to be treated with kindness too." Tipid na tumango-tango si Idrish, pero hindi na ito nagsalita pa. It's not he didn't trust Tim. It's because meron siyang kakaibang naramdaman nang mga oras na iyon.  At hindi nga siya nagkamali. Bigla na lamang ay nag-flash sa kaniyang isipan ang babaeng kanilang pinag-uusapan. She's inside a living room, may laptop na nakapatong sa mga hita habang nakaupo sa isang couch. Someone is staring at her from a balcony. Napakabilis noon at kahit pa malabo ang mukha nito, he is sure, its Abigail Entice. "Entice," his eyes became blue nang bigla niya iyong naidilat. Napatda si Tim at napatayo din nang mabilis siyang tumayo para pumasok sa loob ng unit. Alam niya, nasa panganib ang babae. It's a premonition at isa sa kaniyang mga kakayahan ang makakita ng future.  "Idrish, naging asul ang mga mata mo. At bakit mo tinawag ang pangalan niya?"  Mabilis na kumilos ang lalaki. In less that minute, nakasuot na ito ng rugged jean, puting t-shirt ay leather jacket. "Where is she staying here in Manila, Tim? She's in danger, f*ck!" "I know where it is. Come on, sasamahan na kita." "No Tim, you need to distance yourself. Remember, Xegnons will make every Evrox suffer at hindi malayong pati ikaw ay madamay kapag nalaman nila ang koneksyon mo sa'kin. You'll be a dad soon kaya be more careful." Nakakaunawang tumango si Tim. Tama ang kaniyang kaibigan, this time, kailangan niya ring mag-ingat para sa babaeng mahal niya at sa magiging anak nila. But that doesn't mean, pababayaan niya ang kaibigang bampira kapag kinailangan nito ang kaniyang tulong. "Now, where is she staying here, Tim?" "Sky Tower, in Pasay. Go and take care of her, Drei." "I'll surely will." Paismid niyang sagot. There was a hint of possessiveness into his voice na para bang sinasabing "hindi mo na kailangang sabihin iyan" and then he stormed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD