Chapter 32 - Agmuntus

4617 Words

Nakatulala lang at pilit na pinoproseso ng dalaga sa kamalayan nito ang nasaksihan. Nasa harapan pa rin niya ang mga nilalang na may mga pangil pero ngayon ay nakabulagta na. Lasog-lasog ang mga katawan nito habang ang iba'y nakahiwalay pa ang mga ulo. Kung kanina ay halos mawalan na siya ng pag-asang mabuhay dahil sa mga nilalang na noon niya lang nakita, mukhang ngayon ay mas nakakatakot pang tingnan ang may gawa ng pagpaslang sa mga ito.  Pero bakit? Bakit nagawang patayin ni Idrish ang mga kauri nito? Habang tinitingnan niya ang lalaki ng mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwalang ganoon ito kabangis at parang sanay na ito sa ginawang pagpaslang? Napalundag sa gulat si Abigail nang maramdaman ang isang mahinang tapik sa kaniyang balikat. Paglingon niya'y ang nag-aalalang mukha noo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD