"Hindi na ba magbabago ang iyong desisyon, iha?" Malumanay siyang tumango ng may pilit na ngiti. Ilang beses na siyang pinapakiusapan ni Lady Aurora na huwag munang tumuloy sa plano nitong pag-uwi ng Pilipinas pero buo na ang kaniyang pasya. Kanina pa siya tahimik na pinagmamasdan nina Lady Aurora at Master Audric. Malungkot ang mukha ng ginang habang nanatiling nakamasid sa kaniyang ginagawang pag-aayos ng mga gamit. She decided to go home. Ano pa ba ang dahilan kung bakit siya magtatagal doon? Biglang nagkaroon ng liwanag ang kaniyang pag-iisip, kasabay ng paghampas sa kaniya ng katotohanang hindi nga siya nananaginip sa lahat ng nangyayari. She wanted to see a chance where she could finally say she's not dreaming, pero hindi niya magawa. Hindi. Dahil ang lahat ng nangyayari ay sady

