Abby's POV
"Abby, who's Pamela's crush?"
I tried to hide my smile. Parang lokohan lang talaga ang dalawang 'to. Ang lalaki, denial habang ang babae naman pakipot.
"Abby, I'm waiting. Who's her crush again?" Ngayo'y mas lumapit pa sa amin si Boss leaving the stranger quietly observing what's going on. Nakahalukipkip ito na tila ba parang boss din sa harapan namin pero ang mga mata niya, imbes na ilinga sa ibang anggulo para naman masabing hindi siya nakikiusyuso, mas lalo pang tumitig sa akin. Sa mukha pa lang ay tila hindi maniniwala sa kung ano'ng lalabas sa bibig ko.
"Ahm," tumikhim ako at sumulyap muna sa kaibigan kong mataray ding nakahalukipkip habang nakikipaglabanan ng tingin sa nagtatanong.
"Si Mallari, Boss. Crush ni Pam but that was before naman, hindi na ngayon."
Natatawang napailing si Pamela kasabay ng paghugot sa aking kamay. "Like you care, e wala ka namang pakiaalam kung crush ko 'yung tao."
Nagsalubong ang dalawang kilay ng Boss. "Yeah, like I care. Knowing you, Uytingco. Mabilis mapalitan ang lalaking nagugustuhan mo di ba?"
Okay, this is a battle between the lovers.
Mabilis kong hinawakan sa kamay ang kaibigan ko bago iyon pinisil. Mukhang hindi maganda ang patutunguhan ng usapan kaya kailanga ko nang ilayo siya bago pa man lumala ang sitwasyon.
"Why, ikaw hindi? At ano naman sa'yo kung meron akong nagugustuhan at least ako, hindi ko 'yon ide-deny kung sakali. Hindi katulad ng iba diyan, lantaran na nga ang landian, hindi pa magawang aminin."
"Ah, so you're affected? Dahil ba 'to sa isang litratong lumabas na nasa isang fine dining restaurant ako kasama si Ashley?'
Kitang-kita ko kung paano'ng napunan ng sakit ang mga mata ng aking kaibigan. Ashley Laxama is a known architect in Singapore na napapabalitang fiance ni Boss Tim pero walang pag amin kaming naririnig mula sa lalaki. The news is all over the media, dahil kilala ang lalaki at ang pamilya nito bilang isa sa mayayamang angkan mula sa Laguna. Ilang beses nang nakitang magkasama ang dalawa at sa mga panahong iyon, ilang beses ko ding nakikita ang kaibigan kong nasasaktan.
"This is non-sense. I don't want to talk to you, Timothy. Bahala ka sa buhay mo at bahala din ako sa buhay ko." Pagkasabi niyo'y agad naman na'kong inaya ni Pam na lumabas ng silid. Tikom ang bibig kong napatingin ako sa boss naming naiwan na halos pumutok ang mga ugat sa leeg dahil sa tintimping galit. indi ko din naiwasang mapatingin sa estrangherong iyon na tila ba walang pakiaalam lang sa nangyayari. He is smirking, at nakita ko pa kung papaano niya tinapik sa balikat ang boss kong nanatiling nakatingin lang sa kaibigan ko.
"Teka, Pam. Saan ka pupunta? Nagpaalam ka ba ng maayos?"
She knows where I will be heading at nagpresenta din siyang samahan ako. Wala pa rin kasi akong sasakyan. Kasalukuyang nasa talyer ito nang aksidente kong nabangga ang isang poste dalawang linggo na ang nakakaraan. Nagulat na lang ako nang may tila tumawid sa aking harapan and I was so lucky na hindi man lamang ako nasaktan. Himalang wala akong naging galos kahit pa yuping-yupi ang unahan ng aking Honda CRV.
"Just...come on, kailangan na nating umalis, Abby. You need to meet that officer now. Kailangan nating makita si Tito Carlos bago ako umalis."
"Aalis? Sa'n ka pupunta? Teka nga, magpaalam ka muna ng maayos kay Boss. Ayan o tingnan mo, parang mangangain na ng tao. E kung sana pinakasalan mo na di ba, e di ikaw na ang boss ko."
"Just shut it. Let's go."
Ang tigas talaga ng kaniyang ulo. Halos kaladkarin na niya ako palabas ng silid na iyon kaya naman wala na rin aong nagawa kundi ang sumunod.
Pero hindi pa kami tuluyang nakakalayo nang biglang dumagudong ang isang boses. Lahat ng naroroon ay napatingin sa boss naming bagama't galit na galit kanina ay mababanaag ang kakaibang pag-aalala sa mukha. "Pamela Uytingco."
"What?! Puwede ba, Tim. Kailangan na naming umalis ni Abigail dahil may importante siya lalakarin tungkol sa kaso ni Tito Oscar."
"And you're going, Pamela?"
"Sinabi ko nga di ba?" Nanggagalaiti iyang sagot.
"Hindi ka nga nagpaalam." Pabulong kong tanong sa katabi ko. Napahawak ako sa aking sintido dahil sa biglang pagsakit niyon. Now I am caught in a situation na alam kong made-delay talaga ang lakad ko.
"Pam, okay lang ako na lang ang aalis. Just trust me, okay. Kaya ko."
"I already told him. I can't let you go alone."
"E bakit parang galit?" Hanggang mamaya pa kasi ang trabaho nito, di gaya ko na nakapag-file nako ng half-day leave. Kahit naman ex siya ni boss namin, basta pagdating sa trabaho professional kami. Mas lalo na siya, dahil mahal na mahal niya ang photograpy.
I saw Pam closing her eye bago tila tinitimpi ang galit na humarap sa kaniyang ex.
"Kailangan ko lang samahan si Abigail, Boss." Halatang nang-aasar itong sumagot. Siniko ko siya. Aba't boss namin 'yan tapos pabalang lang na sasagutin? Kahit pa meron silang history.
Kita ko ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Boss Tim. "No, you stay here."
"You're not going anywhere, Pamela. You stay here." Maawtoridad na sinabi ni Boss Tim, pagkuwa'y bumaling sa akin ito, bahagyang lumambot ang mukha.
"I'm sorry, Abby, but she's staying here. I'll let my cousin go with you-,"
"What the.. Ano ba'ng pakialam mo? Saka sino'ng cousin ang pasasamahin mo dito? Abby needs me, uuwi siya ng Bulacan at kailangan niya ng kasama."
"I said no, Pamela! Hindi makakabuti sa'yo ang magbiyahe ng malayo ngayon!"
"But she needs companion at wala din siyang sasakyan. Gusto ko siyang samahan!"
"I said no and it's final."
Natameme ang kaibigan ko, while ako? Sumakit na ang ulo ko. Halatang-halata na may hugot ang dalawang 'to pero mas ayokong ako ang dahilan ng pagtatalo nga mga ito. I was about to rebutt nang biglang magsalita ang panauhin.
"I'm on my way to Bulacan, Tim. If your staff wants to, she can go with me."
"Tumikhm si Boss, "Can you? Can you also go with her to the police station?"
"Boss.." I trailed. I know he is concerned with what happened to my father, but I would prefer to be discreet about it. Isa pa, hindi ko kilala ang lalaking sinasabihan niyang sasama sa'kin.
"Boss, kaya ko po. I can manage to go there ng walang kasama." Tipid akong nangiti pero matigas ang tono ng boses ko para malaman niyang ayokong makaabala.
"It's okay, Abby. Ayokong nai-stress si Pam." Tumingin sa'kin si Boss, 'yung klase ng tinging may kahulugan. "My cousin here, Idrish, he's on his way to his farm in Bulacan kaya hindi naman abala s akaniya. "
"By the way, this is Idrish, my cousin. And Idrish, this is Abigail Entice, kaibigan ni Pamela. And Pam, of course."
Napalingon ang kaibigan ko sa huli nitong sinabi. It's like saying, alam mo na naman ang nakaraan namin.
When I stared at his face, a blurred vision flashed into my mind pero mabilis lamang iyon.
"Idrish."
Idrish. What a unique name for a gorgeous man like him.Pero may katamaran nga lang sa pagpapakilala ng maayos. Usually, kapag ganitong nagpapakilala, handshaking happens. Pero sa lalaking nagpapakilala, hindi yata uso. Nanatili lamang itong nakapamulsa while towering into me.
Pero mabilis akong napailing. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?
"Abigail Entice." Tipid kong sagot.
"Boss, really, I can manage. Ayoko pong maabala si Mr. Constantine. Magko-commute na lamang po ako."
Magalang akong tumanggi sa aking boss dahil bakit ako sasama dito e ngayon ko lang naman ito nakilala? Idagdag pang mukhang hindi naman bukal sa loob ang sinasabi nito? Ang sama nga kung makatingin sa'kin.
"Okay lang po, Boss Tim. No need na po, magko-commute nalang ako." Ngumiti ako dito at may sasabihin pa sana sa kaibigan ko nang biglang nagsalita ang Idrish. Nang naibaling ko dito ang aking tingin, nagulat pa' ko nang makita kong na sa'kin na naman nakatuon ang matatalim niyang titig.
"If you're gonna take public transport, instead of being there for an hour, it could take you two. Anyhow, it will depend on you kung gaano kaimportante sa iyo ang meeting na dadaluhan mo. Hindi mo naman siguro gugustuhing ma-late sa meeting niyo, am I right, Entice?"
Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinambit. I am used to be called by any combination of my first name Abigail, but for the second? I could only remember my deceased mother calls me by that name.
"Girl, sige na, sumabay ka na lang muna sa pinsan ni Tim. We'll just talk when you got back." Pam's voice is apologetic, pabulong din niya itong sinabi. Mukhang ayaw na ring makipagtalo sa kaniyang ex. I glanced at my wristwatch and by the time it shows, mukhang tama ang pinsan ng amo ko.
"Don't worry, hindi ako nangangagat. If there's one thing I'd like to do with you, you'll collapse if you'll know."
"Huh?!" Napatingin ako dito dahil hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi pero hndi niya ako pinansin. Namura tuloy siya ng kaniyang pinsan, pero parang nagbiruan lang naman dahil nagtawanan pa ang dalawa. Kung tawa man 'yung sa kaniya. Parang ngisi kasi na ewan.
"Abby, it's okay. My cousin is harmless. Ako ang makakalaban niya kapag may ginawa siyang hindi tama."
"Talaga ba?" That Idrish smirked, this time I could see it clearly before he headed first papalabas ng pintuan. "Sumunod ka na lang sa'kin."
Wala na akong nagawa nang marahan pa'ko nitong tapikin. I know he's telling the truth at nagtitiwala naman ako sa sinabi nito. Kahit naman kasi madalas itong magsungit, pagdating sa akin, hindi ito basta-bastang nagagalit. Dama ko namang sincere si Boss Timmy.
"I'll call later, girl. Mag iingat ka at balitaan mo'ko kay Tito Oscar, okay?"
I kissed her cheeks and assure her that I will.
At habang papalapit ako sa kotse, with this man already sitting into the driver's lair, biglang sumakit ang tagiliran ko. Kinapa ko ang bandang iyon and I realized, balat ko na naman sa tagiliran ang sumasakit. Paminsan-minsan ay sumasakit na iyon magmula ng mag-dalaga na'ko but it's the first time na parang pinapaso.
Napapikit ang mata ko kasabay ng isang malalim na paghinga. This pain, medyo nagiging madalas na at sa tuwing mararamdaman ko iyon, it progress. I mentally noted pagkatapos nitong problema ko kay Daddy, I'll refer this one to the doctor at nang malaman ko ang dahilan ng pagsakit.
Idrish's POV
I can sense something is wrong with her pero nanatili siyang tahimik. While sitting silently beside me, I can feel the tension in her body. Panaka-naka siyang pumipikit. I stared at her but I couldn't comprehend what she's thinking.
And that made me frustrated mula pa noong isang gabi. The first time I saw her, I tried invading her mind but I couldn't fathom what's inside.
Naramdaman kong tumitindi ang tensyong namamayani sa kaniyan katawan and somehow I sensed she's in pain.
"Are you alright?"
Nilingon niya 'ko at pilit na nginitian, "Oo naman. O-Okay lang ako. Maraming salamat nga pala, Mister?..."
"It's Idrish. Idrish Constantine."
"Mr. Constantine, Thank -"
"Don't let me feel older than you. I'm just 5 years ahead of you." I snapped. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa kaniyang mukha pero hindi na siya nagsalita.
Fool. You're almost a century older than her.
Kinastigo ko ang aking sarili sa ginawa ko. The truth is I'm way too ahead of her being an immortal at ang sinabi kong limang taon ay base lamang sa human physical appearance ko. Hindi ko alam pero nainis ako nang hindi man lang niya banggitin ng matino ang pangalan ko.
"Just call me Idrish."
"I-Idrish. Ahm, thank you nga pala sa pagpapasabay sa'kin. Nakakaabala talaga." She bit her lower lip and avoided my gaze.
Nagsalpukan ang dalawa kong kilay sa inis. Earlier in that studio, I saw her with that man gawking at her like a predator to his prey while naked pero ni hindi man lang siya umangal. Her hesitation is clear as the water dahil sa namumula niyang pisngi pero ang lumanay pa rin niyang magsalita. What frustrates me more, I can not hear her thoughts! I know she can hear me, when I transported that message na huwag niyang tatanggapin ang imbitasyon,nakita ko ang kaniyang reaksyon. How come I can't do the same to her?
Mabuti na lamang at nababasa ko ang laman ng isipan noong Mallari and I can say, he's serious getting her into dinner. Mukhang may gusto nga sa kaniya ang lalaking yon.
Pumagitna sa amin ang katahimikan. While she is continuously touching her left-lower side, bandang beywang, hinawakan niya ang kaniyang cell phone at nag-text. Bumalik naman ang isipan ko sa naging usapan namin ni Tim noong isang araw.
"And the prince is here," Tim gave me a respectful vow. "Lord Idrish Constantine."
"Stop that, Timothy. We're brothers."
"In the code, yes. But you are still a prince." He handed me a goblet of wine.
Tim is the only human friend that I have. I consider him as my brother, not by blood but by deeds. Minsan na niyang nailigtas ang buhay ko noon. He knew my true identity at isa din siya sa madalas kong bisitahin kapag nandito ako sa mundo ng mga tao. S
"So, she's your mission?"
"Yeah. And I need you to help me with this. Kailangan kong subaybayan ang lahat ng kaniyang kilos."His father, Dr. Oscar Salcedo is missing. The theriac is compromised."
Agad namin siyang pinuntahan. Hindi pa man siya nakikita ng aking mga mata'y umuukilkil na sa aking pang-amoy ang nakaliliyo niyang bango.
Ahhh! So intoxicating that I can almost feel my raging blood pero kailangan kong pigilan. I need to calm down otherwise, lalabas ang mga pangil ko ng wala sa lugar. Mula nang gabing makaharap ko siya, pinahirapan na'ko ng babaeng ito. And dating pagkasabik ko sa dugo ng tao na nagagawa kong kontrolin, pilit na binubuwag pagdating sa babaeng ito.
And right now, she's just inches away from me, I can hardly breathe just to hold myself from snatching her. Kailangan kong makalayo sa kaniya dahil kung hindi'y baka kung ano pa'ng magawa ko sa kaniya. Mabilis kong naihinto ang sasakyan habang siya nama'y halos mapasubsob sa ginawa ko. Halata ang matinding gulat niya sa ginawa ko. Kitang-kita ko kung papano'ng nanlaki ang kaniyang mga mata and she's trembling.
Marahas kong tinanggal ang aking seatbelt at deretsong binuksan ang pinto para makalabas. Saktong paglabas ko ng sasakyan ay naramdaman ko ding nagispaghabaan ang mga pangil ko and I swear, I can feel my blood gushing at that moment. Parang may sariling mga buhay na gustong kumawala sa loob ng aking katawan.
"M-Mr. Constantine?"
"Stop that. I'm not my father!"
"P-pero may problema ba?"
"Just stay here."
"W-Wait, saan ka pupunta?!"
"Just stay there! My driver is on its way."
Akma pa sana siyang bubuksan ang pinto ng kotse para lumabas pero inangilan ko lang siya kaya biglang natigil. Mabuti na lamang at mabilis si Felipe. Mabilis akong lumayo s alugar na iyon. Ni hindi ko siya nilingon. Nagmamadali ang mga hakbang kong lumayo habang sa isip ay kausap ko si Felipe.
Wala pang limang minuto'y huminto na sa aking tapat ang isang ashton martin na minamaneho ni Mardox. Nakayuko akong humakbang at mabilis na pumasok sa likurang upuan.
"Lord Idrish, ano po nangyari? Nasaan na po ang babae?" Nagtatakang napalingon sa'kin si Mardox.
"Kasama niya si Felipe. Just drive."
I closed my eyes and tried to pull my shits with this phenomenon happening to me. Pangalawang beses na itong nangyayari. Merong nag-iiba sa akin sa tuwing naaamoy ko ang babaeng iyon. Parang merong gustong kumawala sa akin habang nararamdaman ko din ang kakaibang puwersa.
"Nagiging asul na naman po ang inyong mga mata. At ang inyong pangil..."
"Tawagan mo si Felipe. Tanungin mo kung nasaan na sila."
"Masusunod po, Lord Idrish."
Wala pang sampung minuto ay nakabuntot na si Mardox sa aking Bentley. I keep on thinking kung ano ang meron sa babaeng mortal at ganito na lang ang nagiging reaksyon ko sa tuwing malapit ako sa kaniya.
Damn! In less than 72 hours, this mortal has brought unexpected scenes I wasn't prepared to encounter.
Who are you?
Alam kong merong hindi tama at base sa mga nagaganap, looks like it's not only the antidote and the scientist's whereabouts that are bound to be discovered. Mukhang distraction ang dala sa'kin ng babaeng 'to.
I admit, it seems she just brought storm and chaos into my cold-hearted world. It all started that night when I first saw her.