Abby's POV
Kanina ko pa napapansin ang kakaiba niyang tingin sa'kin. Kung hindi magsasalubong ang mga kilay na tila ba inis na inis, nakahalukipkip naman ito at laging kagat ang labi na tila ba nagpipigil na magsalita.
Ano ba naman 'to? Sana ay hindi na lang ako sumabay sa lalaking ito kung ganiti namang parang naaabala ko pa siya ng husto.
Muli akong napaigtad sa kirot na nagsimulang maramdaman ko kani-kanina lang. I felt uncomfortable at napapakagat-labi na rin ako. Ano ba itong nangyayari sa balat ko? Nakakaramdam na'ko ng paminsan-minsang sakit dito pero hindi iyon klase ng sakit na tatagal ng ilang oras katulad ngayon. Para talaga siyang hinihiwa na parang sinusunog. Nararamdaman ko na ang panlalamig ng mga kamay ko.
Napaigtad ako nang bigla siyang nagsalita.
"Are you alright?"
He has this intimidating and cold voice na para bang may kakaiba. Kinalma ko ang sarili ko mula sa sakit na nararamdaman ko. Sa totoo lang, parang lalo pa siyang lumalala.
"Oo naman. Maraming salamat nga pala, Mister?..."
"Idrish Constantine."
"Mr. Constantine, Thank -"
"Don't let me feel older than you. I'm just 5 years ahead of you." he snapped. Ngayon, parang gusto ko nang maniwala na mali ang naging desisyon ko sa pagsama.
Tumahimik na lamang ako at nagpasyang igawi sa labas ng sasakyan ang tingin. Nang may maalala, mabilis kong kinuha ang cell phone ko mula sa bag at binalikan ang text message na pinadala ni Inspector Faegane kahapon.
We are looking into a different angle, Miss salcedo. May CCTV cam kayo sa bahay niyo pati na ang dalawang katabing bahay pero wala kaming makitang palatandaan ng puwersahang pagkuha sa iyong ama. The last footage that we have is when he went out your house at sumakas sa kaniyang SUV.
Sinubukan kong alalahanin kung saan maaaring nagpunta si Daddy. It could be during when he was out of the house, doon may kumuha sa kaniya. Pero may dash cam ang sasakyan ni Daddy. Nasa kamay na iyon ngayon ng mga pulis at kung meron mang kahina-hinalang nangyari, dapat ay nakita na iyon ng mga pulis at sinabi sa'kin. Kahapon lamang nila nakita ang sasakyan ni Daddy. Hindi pa nila sinasabi kung saan kaya ako papunta ngayon sa istasyon para mapag-usapan ang resulta ng kasalukuyan nilag imbestigasyon.
Suddenly, bumalik sa aking isipan ang tungkol sa antidote na nabanggit ni Daddy few weeks before he disappeared. Dad used to be affiliated before in World Health Organization and he used to office in Vietnam. Isa siya sa mga tinitingala at nirerespetong research-scientist sa buong mundo na nagdesisyon nalang na magretiro isang araw. When I asked him why at ilang beses ko na ring itinanong iyon sa kaniya, he will just smile and stare at me with an unknown feeling then will answer, "the world is full of surprises, Anak. Mas kailangan ako sa isang kaganapang makapagbibigay ng kapayapaan sa mundo."
I remember too, one of our serious conversations just month ago, tungkol iyon sa isang antidote na kulay asul. Ilang taon na niya itong binubuo at ramdam ko ang bawat bigat ng kaniyang sakripisyo sa pagbubuhos ng panahon sa gamot na iyon.
"Dad, you need to rest," Isang gabi iyon na nasa Bulacan ako. Dad informed me I can go to the basement. Nami-miss niya daw ako.
"I am almost done, Anak. Kaunting panahon na lamang at mabubuo ko na itong Theriac."
Tinitigan kong mabuti ang likidong napapaloob sa lab bottle na hawak niya. It's an ocean blue substance na parang kay lamig tingnan. The elements that look like dancing, parang nahihipnotismo akong tinitigan iyon.
"This will be my final legacy, Anak. At sana, kung anuman ang mangyari balang araw, maunawaan mo'ko."
Ilang segundo akong nakatitig doon bago ko naibaling kay Daddy ang aking pansin. Kumunot ang noo ko nang makita kong hawak-hawak niya ang larawan ng napakaganda kong ina. He's smiling but I find is voice otherwise.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at tumabi ng upo. I hugged him tightly and when I looked up into his eyes, I saw emptiness and...hesitation?
"Dad, what's wrong?" Malumanay kong tanong. Hindi ako maaaring magkamali, I can see the hesitation in those stares directing to my mom's photo then to that Theriac.
"Hindi po ba kayo masaya na malapit niyo na pong mabuo ang antidote? And what's with the message?" I am always proud of you, Dad.
Which is really true. Si Daddy ay isa ding consultant ng iba't-ibang big pharmaceutical companies at alam ko kung gaano kalaki ang kaniyang kontribusyon sa mga gamot na nabubuo ng mga ito.
Hinawakan ni Daddy ang dalawa kong kamay at masuyong pinisil. It's like he's wanting to say something pero hindi niya magawa.
"Sometimes, we need to sacrifice just for the sake of everyone's welfare. It's a noble deed yet a very painful one for those who truly understand the reason."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko lubos maisip kung para saan ang kaniyang ginagawang gamot but I trust him as he's always the one being called and solicited of his doings and interventions sa buong mundo when it comes to newly discovered medicines.
"I am a man of science but I believe that we're not alone living in this world. We are surrounded by others that can not be seen. Misteryoso ang mundong ginagalawan natin, Anak. At tayo, bilang mga tao, we need to embrace them too lalo pa't wala naman silang masamang hangarin para sa atin. "
"Hindi ko po talaga kayo maunawaan, dad.. Please speak your thoughts on this dahil natatakot akong isang araw ay may kakaiba nang nangyari."
"But you are strong, my sweet. Ikaw ang pinakamalakas sa lahat at darating ang araw, mauunawaan mo din ang ibig kong sabihin."
"Promise me, Abigail. When the right comes, hindi ka susuko at paninindigan mo ang nakatadhana."
Nabalik ako sa reyalidad nang walang anu-ano'y biglang tumigil ang sasakyan. I was lucky I have put a seatbealt dahil kung hindi'y baka nasubsob na ang mukha ko sa dash board.
"Stay here."
"W-Wait, saan ka pupunta?!"
"Just stay here! My driver is on its way."
Napanganga ako. Pangalawang singhal na niya sa'kin pero hindi pa rin ako nakasagot. At bakit bigla-bigla na lamang itong hihinto at iiwan akong mag-isa dito sa loob ng kaniyang kotse sa gitna ng expressway!
Nang walang anu-ano'y halos mapatalon ako sa gulat nang pumasok sa driver's seat ang isang tsinitong lalaki.His face is radiantly smiling pero hindi iyon rason para hindi ako mangamba. Oh my, sino ang lalaking ito at bigla na lamang pumasok sa kalagtnaan ng expressway? really? Dahil wala naman akong nakikitang sasakyang huminto na binabaan nito.
Bago ako nakakilos pra buksan ang pinto sa banda ko, mabilis na itong nagsalita.
"Kumusta po, Binibini. Ako nga po pala si Felipe. Tapat na tagapag-lingkod ni Lord Idrish Constantine."
Mas lalo yatang lumaki ang pagkakabuka ng bibig ko sa gulat. Bigla akong naguluhan.
Ano daw? L-Lord? Ibig sabihin...
Isang dugong bughaw ang kasama at driver ko kanina?!
"L-Lord? As in 'yung parang - p-prinsipe?"
Ngumiti iyong Felipe bago tipid na tumango-tango. Napanganga ang dalaga, hindi inaasahan ang tugon ng kausap. The woman was stunned for a while bago alanganing nangiti. Pasimple niyang ibinaling muli ang tingin sa labas ng sasakyan at mariing napapikit.
Kaya pala parang iba'ng-iba ang kaniyang awra at tindig niya, tahimik niyang kinausap ang sarili. Lampas 6 feet ang tangkad nito at ang mata, parang may sariling isip kung paano siya nito titigan. Tila hinihigop ang kaniyang kaluluwa. Kakaiba ang t***k ng kaniyang puso sa tuwing magtatama ang kanilang mga tingin. Hindi ito maputi at hindi rin kayumanggi pero parang kakaiba ang balat nto. Kaya pala ay dahil sa isa itong dugong-bughaw!
Pero bakit parang nakita na niya ito?
Wala sa sariling naikumpara niya ang lalaki sa mga lalaking modelong kaniyang nakakasama. That man, he's really different. He screams power and royalty. The way he stands, walk and talk, and even tilt his head, para siyang natutulala dito.
Kaya pala, dahil sabon, shampoo, shaving gel, mouthwash nito, malamang mamahalin.
Parang gustong pukpukin ni Abigail ang kaniyang ulo. Kung anu-ano na ang kaniyang iniisip. Right now, gusto niyang matuwa dahil nagkaroon siya ng experience na makasalamuha ang isang royal-blood pero hindi iyon ang tamang panahon. Mabuti na lamang at tumunog ang cell phone na nasa pagitan nila noong Felipe. She got distracted and went back to reality.
Saglit na kinalikot iyon ng lalaki bago sinagot gamit ang isang blue tooth device na nasa kanang tenga nito. Pati ang pormahan ng kaniyang instant driver, mukhang si Vincenzo, iyong isang sikat na korean male protagonist na kaniya dinng pinapanood noong mga panahong hindi pa nawawala ang kaniyang ama. This Felipe, kung hindi siya nagkamali ng dinig niya kanina, ay driver daw noong dugong bughaw.
At ang kotseng kaniyang sinasakyan ngayon.Kanina'y agad na niyang pansin ang luxury car na iyon na mlamang ay isa lamang sa mga mamahaling pagmamay-ari ng lalaki.
"Masusunod po, Lord Idrish." Narinig niyang sinabi ng katabi. Nakafocus ang tingin nito sa daan habang nagmamaneho at the same time, halata ding naka-focus ito sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
Pagkuwa'y lumingon ito sa kaniya ng mabilis. "Miss Abby, pinapatanong po ni Lord Idrish kung kumain na po ba kayo?"
Kumunot ang noo ng dalaga. Maski siya'y noon niya lang naalalang hindi pa nga pala siya kumakain amd it's past 2 PM in the afternoon! And with a que, tumunog ang kaniyang tiyan.
She bit her lips and tried to hide her embarrassment.
"Miss Abby? Kailangan po muna nating bumili ng inyong pagkain."
Mabilis siyang umiling. Sobra-sobra namang abala ang ginagawa niya kung papayag pa siyang pagbilhan ng pagkain.
"Hindi, huwag na, ano, Felipe. Kasi mali-late na rin ako sa meeting. I can manage."
"Pero kasi-,"
"Please, pakihatid na lang ako sa pupuntahan ko. Maraming salamat."
Hindi na niya hinayaan pang makapagsalita si Felipe. She is firm with her decision na makarating na kaagad sa kaniyang pupuntaahan at nang matapos na ang kaniyang pang-aabala sa mga ito, partikular na sa Idrish Constantine na 'yon. Pahamak talaga ang kaniyang boss. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito at nagaw nitong gawing driver niya ang pinsan nitong royal blood. Besided, she really finds it unusual. Hindi niya kilala ang mga ito. Kani-kanina nga lang niya nakilala ang Idrish na 'yun at ngayon ay ang tauhan naman nito ang kaniyang kasama. Bakit ba parang ang bilis niyang magtiwala sa mga ito? Bigla tuloy sumakit ang kaniyang ulo sa bilis ng mga pangyayari.
She is about to say something nang ang kaniyang cell phone naman ang tumunog. Nang tingnan niya ito'y isang unknown number ang nakarehistro.
"Hello? Sino 'to?"
Ilang segundong patlang ang pumagitan bago siya tila nakarinig ng mabigat na paghinga.
"Hello, sino 'to?" Ulit niyang tanong. Napaawang ang bibig niya nang sumagot ang nasa kabilang linya.
"You need to eat first, lady. I can even hear your stomach rumbling."
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Mukhang kilala niya ang malalim na boses na nasa kabilang linya pero hindi siya magpapaapekto.
"Mr. Constantine, that's fine. Thank you and I truly appreciate your concern but I'm totally fine, really. Nasabihan ko na si Mr. Felipe."
Nakarinig siya ng pag-ubo ng tila nahiniran. Nang sumulyap siya kay Felpe, nakita niya itong natatawa bago biglang nagseryoso ang mukha.
If she only knew that moment, sinisita na ni Idrish ang lalaki sa amusement nito sa dalaga. Dahil kung hindi man magawang pasukin ni Idrish ang isip ni Abigail, for sure to who'e with her, he can.
"No, you will eat, Entice. Felipe will pull over to Beatrix, meet me there."
Napapikit ang dalaga sa inis. Ni hindi man lang niya naibuka ang bibig sa muling pagtanggi ng kausap, pinutol na nito ang tawag. Gusto niyang magalit dahil sa tila pangunguna ng lalaking iyon sa kaniyang desisyon pero dahil sa muling tumunog ang kaniyang tiyan, tahimik na lamang siyang humalikipkip.
Bahala na, aniya. Kailangan na muna niyang magkaroon ng lakas para sa paghahanap sa ama.