SAMAEL's POV ♕♕♕ Nakatingin ako sa mapa at pinag-aaralan ang bawat daan at lagusan sa buong emperyo na maaari nilang daanan at taguan. "Nick, anong report tungkol sa mga karwahe na dumaan sa bawat daan kanina? May na pansin ba silang kakaiba?" Tanong ko sa isa pang kawal na naiwan sa manor, hawak niya ang isang libro at binabasa ang bawat report na kaniyang nakuha sa loob ng isang oras. "Ayon po sa iba pang mensahe ay may dalawang karwahe ang na pag-alaman na galing malapit sa kagubatan papunta sa piyer, isa po rito ay pumunta ng bayan at ang isa naman ay umikot patungo sa kanluran," paliwanag niya habang binabasa ang mga report na hawak niya. Napatingin ulit ako sa mga daan na pwedeng lusutan ng Crown prince, maaaring nanatili siya malapit sa gubat kung saan may mga lumang kastilyo

