LUCIA's POV ♕♕♕ 'Yung malapot na dugo na kumakalat sa buong entablado, 'yung walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa madilim na langit, 'yung leeg niyang sumisirit ng preskong dugo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayari na 'yun at pakiramdam ko ay hahabulin ako nito sa buong buhay ko. "Hindi ba't maganda ang palabas? Nasiyahan ka ba?" Tanong niya at malakas ko siyang sinampal habang nakaupo kaming dalawa sa loob ng karwahe at pabalik na sa pinagtataguan niyang lungga. "Hahaha, Crown prince ka pero hinayaan mong sampalin ka nang maruming babae na 'yan?" Tanong ni Samantha kay Victor at napahawak lang si Victor sa kaniyang pisnge at malalim na nagbuntong hininga. "Alam mo tumahimik ka na lang d'yan Samantha, dapat pinaputol ko na rin ang ulo mo sa entabladong 'yun eh, tsk

