LUCIA's POV ♕♕♕ Nakasakay kami sa loob ng itim na karwahe habang papunta sa lugar na nais puntahan ng Duke, pamilyar sa'kin ang daan na ito dahil dito ako dumaan noong unang punta ko sa Istvan. "Madadaanan ba na'tin ang Sullen?" Tanong ko kay Samael habang katabi ko si Sevius na panay ang kain ng mansanas. "Mukhang madadaanan na'tin," maikli niyang sagot kaya napasimangot ako, gusto ko pa sana siyang kausapin at humingi ng permiso na dalawin ang mga magulang at kapatid ko ngunit mukhang ayaw niya makipag-usap sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako at sumalumbaba sabay tingin sa labas ng bintana. Sa pagtulala ko sa tanawin sa labas ay isa-isa na namang naglalabasan ang mga tanong sa utak ko. Na kanino ang kamay na nakita ko sa dungeon na 'yun? Bakit ganoon ang inaakto ni Hanes? At ku

