LUCIA's POV ♕♕♕ Halata sa kaniyang mukha na may nililihim siya sa'kin at may bagay siyang nais aminin ngunit hindi niya magawa ngayon, na nasabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko para sa Duke. "Anong pumasok sa isip mo anak at na gustuhan mo ang Tyrant na Duke ng Istvan?" Tanong ng aking ama at hindi ko maiwasan na mapatungo at isipin kung bakit nga ba. Pagmamahal nga ba na maituturing ang nararamdaman ko o dahil siya ang asawa ko at responsibilidad ko 'to? Ngunit hindi ko matatanggi na lagi niya pinapabilis ang pagtibok ng puso ko, mapakaba man ito o kilig mula sa mga tingin niya. Ngunit malaking basihan na ba 'yun para masabi ko sa sarili ko na isang uri nang pagmamahal ang mga pakiramdam na 'yun? "Lucia, mag-iingat ka at alam mo naman siguro kung sino ang napangasawa mo, alam kong

