LUCIA's POV ♕♕♕ Nakalublob kaming dalawa sa loob ng paliguan na may maligamgam na tubig at mga talulot ng iba't ibang bulaklak. Tahimik kaming dalawa habang nasa likuran ko siya at nakaupo rin naman ako sa harapan niya. Mukhang nahimasmasan na siya ngayon matapos siyang umiyak sa balikat ko kanina, hindi naman ito malakas ngunit ramdam na ramdma ko ang lungkot niya. Hindi ko inaakala na makikita ko ang ganitong parte ng personalidad ni Samael, isang parte na halatang tinatago niya sa iba at hindi pinapakita sa marami. Hindi ko maitatanggi na masaya ako dahil sa'kin niya binuksan ang kaniyang puso, sa'kin niya pinapakita ang kahinaan niya at bilang asawa niya ay iingatan ko ang mga ganitong oras na kasama siya. "Ayos ka na ba Samael?" Tanong ko sa kaniya habang hindi ko siya nililing

