♕CHAPTER 29♕

2580 Words

LUCIA's POV ♕♕♕ Naglakad kami sa hardin habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga nakaraan namin noong mga bata pa kami. Sa aming apat na magkakapatid, si Lucas ang malapit sa edad ko at siya ang lagi kong kalaro noong mga bata pa kami, lagi siyang nakasunod sa'kin at umiiyak pag hindi ako katabi matulog. Nung nagdalaga at binata kami siya naman ang lagi kong kabangayan at kaaway sa mga bagay na hindi namin na pagkakasunduan pero iyon naman ang humubog sa'ming dalawa para mas maging matibay ang pagiging magkapatid namin sa isa't isa. "Tanda mo ate, rito ka na dapa tapos dumugo ang ilong mo hahaha," paalala niya at sumama ang tingin ko sa kaniya dahil panay siya tawa. "Bakit ganiyan ka makatingin? Totoo naman eh hahaha," pang-aasar niya at inirapan ko lang siya at nag-unat ng katawan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD