LUCIA's POV ♕♕♕ Mabilis na lumipas ang dalawang araw namin sa Sullen at oras na para bumalik kami sa Itsvan at magtrabaho ulit. Nung una, ayaw pa umuwi ni Sevius dahil sa hindi niya na raw ulit makikita si Laurio at ang mga kalaro nila, babalik na naman siya sa pag-aaral na kinatatamaran niya ngunit nung pinangako ng Duke na babalik ulit kami rito ay pareho kami ni Sevius na binalot ng saya. Nagpaalam na kami sa'king pamilya at byumahe ng dalawang oras pabalik sa manor ng Istvan, habang nasa byahe ay hindi magmaliw si Sevius sa kakakwento sa'kin ng mga tinurong laro sa kaniya ni Laurio. Ngayon ko lang nakitang ganito kadaldal ang batang 'to at hindi na namin namamalayan na nakauwi na pala kami sa manor. Tinanaw ko sa bintana ang main mansion at nakita ko sila Hanes na nakatayo sa una

