LUCIA's POV ♕♕♕ Nang makapasok kami sa kwarto ay agad niya kong binitawan at sa sobrang lakas ay muntikan na kong mapaupo sa sahig. Agad niyang nilagapak ang pinto at napasandal dito sabay sabunot sa kaniyang buhok at hawak sa kaniyang noo. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya pati na rin sa bawat kilos na ginawa niya sa harapan ko. Gusto ko magsalita pero kinakabahan ako na baka saktan niya na naman ako o baka may gawin siyang ikakapahamak naming dalawa. Tahimik lang akong nag-iintay sa sasabihin niya at narinig ko siyang nagbuntong hininga sabay malakas na sinuntok ang pinto. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo!" Sigaw niya at napayuko ako, kabadong matikman ang galit niya. Dahil alam kong namakialam ako sa mga bagay na ayaw niyang galawin ko, pero kailangan kong patakasin

