SAMAEL's POV ♕♕♕ Nahilot ko ang aking noo habang nakatingin sa mga papel na nakabalandra sa'king harapan, tumingin ako kay Hanes at parang kabadong-kabado siya sa sasabihin ko matapos kong mabasa ang report ni James. "Bakit mo pinagtatakpan ang Duchess?" Tanong ko kay Hanes habang nakayuko siya sa harap ko at kitang-kita ng mga mata ko ang malinaw na sulat ni James sa papel na nagsasabi ng bawat galaw ng asawa ko. "Alam ko kasing hindi sinasadya ng Duchess na bumaba sa lugar na 'yun your grace," depensa niya naman at ayon naman sa na basa ko ay tama ang sinabi ni Hanes. Ang crown prince ang nag-aya na pumunta sa bahaging iyon ng manor na tila ba ay alam niya kung ano ang tinatago ko. Lingid sa kaalaman niya ay matagal ko nang pinagmamatyagan ang galaw ng Duchess sa tulong ng personal

