At dahil sa isang phone call, nasira ang isang romantic moment. Napalitan ng concern ang sensual feeling ni Maynard. “Malamang importante ʼyang tawag na ʼyan at this hour. Bakit ayaw mo pa sagutin?” tanong niya. “Kung hindi siguro ako ang tinatawagan, malamang importante ʼyan,” nanghihinang sagot ni Laurenne habang naglalakad papunta sa refrigerator kung saan nakapatong sa ibabaw ang cellphone nito. “Kasi naman walang inorasan ʼyong Kuya ko na nagta-trabaho sa call center kung tumawag. Basta gustong makipag-chat at may bagong chika, walang pakialam kahit hating-gabi na.” Sinagot nito ang cellphone. Hindi na hinintay ng tumatawag na magsalita si Laurenne. “Merry Christmas baby sistah!” Narinig ni Laurenne ang boses ng kuya Lenard niya. "Bumisita na ba sa ʼyo si Santa Claus today?” ek

