Nang marating ni Laurenne at Maynard ang apartment ng huli ay mas lalong nadagdagan ang nararamdaman nilang tensyon. “Wala kang sapatos, kaya bubuhatin na lang kita,” sabi ni Maynard, binuhat niya si Laurenne palapit sa kanyang matipunong dibdib. Hindi kagaya ng pagbuhat niya kanina mula sa kuwarto ng dalaga, mas romantic ang pagbuhat ni Maynard ngayon. Ipinatong ni Laurenne ang braso niya sa leeg ni Maynard, pakiramdam niya ay babaeng-babae siya at mahal na mahal ng binata. Naririnig niya ang mabilis na paghinga nito. Dumadampi ang labi ni Maynard sa buhok ni Laurenne habang buhat siya nito paakyat sa kuwarto ng binata. Madilim sa loob, may kinapa si Maynard na switch ng ilaw. Nagliwanag ang dalawang lampshades sa magkabilang dulo ng sofa. Malaki ang kuwarto at maginhawa. Asul ang wa

