Nang pabalik na sina Maynard at Laurenne sa presinto ay dumaan sila sa isang eskinita para mag-short cut nang mapadako ang tingin ni Laurenne sa likurang bintana ng sasakyan. “Maynard, hindi pa rin ba nare-retrieve ʼyong van ng Forensic Division? Para kasing nakita kong lumiko doon sa kaliwa, ay one way ʼyon, ʼdi ba?” nagtatakang tanong niya. “Parang narinig ko kaninang umaga sa radyo na hindi pa rin ʼyon nare-retrieve,” sagot ni Maynard. Mabilis nitong binuwelta ang sasakyan. “Tara, tingnan natin!” Tinahak din nila ang kalsada na one way para sundan ang tinutukoy ni Laurenne. Nakita nila ang van, isang bloke ang distansiya nito sa kanilang patrol car. “Patatabihin ko sila.” Inilabas ni Maynard ang flashing light at ipinatong sa bubong ng patrol car. “Kung may official business sila mu

