Chapter Four

2324 Words
Si Maynard ang unang nagbawi ng tingin. Bumaling siya ng tingin sa bintana. “My answer to your question, hindi nag-arrange ang family ko ng marriage sa akin at sa brother ko and even to my two sisters. Kami ang pumili ng aming papakasalan.” Umiling-iling si Maynard. “It worked for my brother and my sisters. Lahat sila happily married with kids, pero ako hindi pinalad ng magandang married life. Kaya sabi nga ng Lola ko, kung siguro siya ang pumili ng mapapangasawa ko, malamang masaya ang buhay ko at baka anim na daw ang naging anak ko instead na annuled at walang anak.” “Ah, annulled ka,” ulit ni Laurenne. “Four years ago na.” Nagtaas ng balikat si Maynard. “Mas matagal pa akong annulled kaysa sa tagal ng pagsasama namin. But it's all in the past now.” “Ilang taon kayo together?” “Two years.” Tumaas ang kilay ni Laurenne. “Two years kayong nagsama, tapos kung hindi kayo nagkahiwalay dapat six years na kayong kasal. Grabe rin naman pala ang Lola mo, ine-expect niya na magkakaapo siya ng anim in six years? Wow! Ganon din ba ang mga kapatid mo?” Tumawa ng malakas si Maynard. “Hindi naman. They only have two kids kahit pa nga gusto ng Lolo at Lola namin ng maraming apo. Mahirap ang buhay ngayon.” “So, ahm... Bakit nauwi sa hiwalayan ang marriage mo?” Serves you right kung hindi niya sagutin ang tanong mo. Feeling close ka Laurenne? Wala ka ng pakialam kung anoman ang nangyari sa married life niya. Hindi mo na dapat ʼyon inusisa. Saway niya sa sarili. Pero curious talaga siya. Nagtaas ulit ng balikat si Maynard. “Well, sabi ni Yannie, ʼyong ex-wife ko, dapat daw hindi na lang kami nagpakasal. We should have merely had an affair instead.” “Affair? Parang pelikula lang ah. Sino ba ʼyong ex mo?” curious na tanong ni Laurenne. Ngumiti si Maynard. “Yannie came from the family of the rich and famous Rodriguez magnate.” “Ha? Sino ʼyon? Sorry ha I have no idea kung sino sila. Hindi ako exposed sa mayayamang tao.” Nagkunwari si Maynard na nagulat at ngumiti. “Ang mga Rodriguez ay galing din sa pamilya ng mga Spanish. Malawak ang lupain nila sa Norte. In short, they belong to the upper-upper class.” Kumunot muli ang noo ni Laurenne. “Ahahaha. Parang lalong hindi ko na-gets. Let me guess... Siguro nagpakasal ang isang mayamang si Ms. Yannie Rodriguez sa isang offspring ng Spanish restaurant owners-- na isa ding pulis--dahil nagrerebelde siya?” “Na pinagsisihan din naman niya agad,” sagot ni Maynard na tila nagpapahiwatig ng lungkot. “Bakit, mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?” nakairap na tanong ni Laurenne. Eh ano naman sa ʼyo kung mahal pa niya? Atribida! “Of course not! Teka, bakit ba napunta dito ang usapan natin?” Tumingin siya sa kanyang suot na wrist watch. “Kailangan ko nang pumunta sa korte. Dadalhin ko ʼyong assigned car natin kaya--” “Kaya hindi ako maaring umalis kung gusto ko. Dito lang ako sa opisina, magbabasa at magtatawag,” pagpapatuloy ni Laurenne sa sasabihin ni Maynard. Hindi naman nakipagtalo pa si Maynard dahil nakita niya sa mga mata ni Laurenne na nagbibiro lang ito. Ganito lang siguro talaga ang babaeng ito. Masasanay din ako. “Tama ka, kaya dito ka lang muna at sumunod sa bilin habang ang macho at gwapo mong partner ay nasa labas.” “Pasalamat ka dahil alam kong nagbibiro ka lang, Santiago.” Ngumiti si Laurenne. “Kaya umalis ka na at pumunta ka na sa courtroom while I'm still being nice.” “O ngayon, sino ang nagbibigay ng order, Manzano?” pagrereklamo ni Maynard. Ngumiti lang si Laurenne na parang nanghahamon. Hindi na ito pinatulan ni Maynard at baka kung saan pa mauwi ang usapan nila. Sa halip ay kinindatan niya si Laurenne at agad na tumalikod. Naririnig pa ni Maynard ang malakas na tawa ni Laurenne habang palabas siya ng corridor. PAGKALIPAS ng dalawang linggo, may natanggap na registered mail si Maynard. Agad niya itong binuksan pagbalik sa kanyang working area. “Nakompirma na ng NBI na mga finger prints nga ni Rike Umali ʼyong nakuha ko sa pagnanakaw sa Computer Store.” Nagliwanag ang mukha ni Maynard. “Sabi ko na nga ba eh. Hindi ako nagkamali sa hinala ko. Makukulong na siya ngayon.” Tumingin si Laurenne kay Maynard mula sa kanyang table na halos isang ruler lang ang layo sa binata. Mas madali lang ang pagkuha ng bagay o kaya pag may ipapatong sila sa kanilang mga tables. “Congrats, Maynard!” Masaya din si Laurenne. “Okay ʼyon. Salamat naman at na-verify agad ng NBI.” Isa sa mga na-discover ni Laurenne sa loob ng dalawang linggong pamamalagi sa Burglary Division ay ang kahirapan sa pag-verify ng mga ebidensiya na nakukuha nila sa crime scenes tulad ng finger prints. Kailangan pa itong ipadala sa finger print section ng NBI, kaya pag natapos ito, dahilan na ʼyon para mag-celebrate sila. “Damputin na natin si Umali,” sabi ni Maynard habang isinisilid sa bulsa niya ang susi ng kotse. “Alam ko kung saan siya nakatira. Parang taon-taon ko na yata siyang naaaresto simula pa noong trese siya.” “Ilang taon na siya ngayon?” tanong ni Laurenne. “Eighteen. Sa wakas hindi na siya makakatakas ngayon dahil hindi na siya menor de edad. Maaring bata pa siya pero professional naman sa pagnanakaw. And not only that, may record din siya ng pag-gamit ng droga. So, sana makulong na talaga siya for good, and for long.” Nang inaresto nila si Rike Umali dahil sa pagnanakaw, pumasok si Laurenne sa apartment nito para magbakasakaling makakuha pa ng ilang impormasyon. “Kaano-ano mo si Rosaly Umali?” tanong ni Laurenne kay Rike na nakaupo sa likod ng mobile car na minamaneho ni Maynard, habang nakaposas ang mga kamay. Binasahan na nila ito ng kanyang mga karapatan, inamin na rin niya ang kanyang pagnanakaw. “Ermat ko,” sagot ni Rike. Tumingin siya sa bintana. “Mother mo?” muling tanong ni Laurenne. “Eh ʼdi ba nasa twenty-han lang siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Laurenne. “Trenta edos na siya. Bakit, kilala mo ba ang ermat ko?” “Oo,” sagot ni Laurenne, at hindi na siya muling nagsalita. Nang maikulong na si Rike, ipinaliwanag ni Laurenne kay Maynard kung paano niya nakilala ang nanay nito. “Ayokong malaman niya na nakilala ko ang nanay niya dahil sa paulit-ulit naming pangre-rade sa prostitution sa loob ng anim na taon. Maganda si Rosaly Umali at mukhang mas bata sa totoo niyang edad.” Huminga ng malalim si Laurenne. “Haist, patapon din ang buhay.” “Well, like mother, like son,” sagot ni Maynard. “Grabe, nabuntis siya at the age of thirteen or fourteen?” “Bata pa siya tapos may bata na rin siyang dapat alagaan. Hindi man lang niya na-enjoy ang kanyang kabataan. Naka kalungkot naman.” “Hindi ka ba nag-iisip kung bakit ka naging pulis? Bakit pinili mong makaharap ang mga taong ayaw naman makasalamuha ng karamihan?” tanong ni Maynard. “Oo naman, nakakapag-isip din. At nagtataka nga rin ako eh kung bakit ako nag-pulis. Ikaw ba?” “Hm, nakakahiyang aminin sa ibang tao, except to another cop. Pero alam mo ʼyon, bakit nga ba andito ako sa ganitong profession? Nagtataka rin ako eh. Wala namang pulis sa pamilya namin.” “Yeah, I feel you. Pag tinatanong ako kung bakit ako nag-pulis at bakit daw hindi na lang ako nag-law o kaya eh kumuha ng business course, I always tell them na malaki ang sweldo nating mga police at kung gaano kaganda ang trabaho natin. Ang haba ng oras na nasa trabaho tayo, walang hali-holidays, weekends, plus ang bonus natin eh nakakasalamuha natin ang mga magnanakaw, mamamatay-tao at lahat ng klase ng kriminal. Magagawa ba yan ng isang MBA or lawyer?” pagbibiro ni Laurenne. “No way! At ʼwag mong kalimutan ang magandang sasakyan na ginagamit natin ha,” sagot ni Maynard habang tumatawa. “Anong sinabi ng BMW dito sa ating sasakyan?” Tinapik ni Maynard ang dashboard at pareho silang napatawa dahil halos kakarag-karag na ang kanilang sasakyan. Binagtas nila ang kahabaan ng kalsada habang alertong tinitingnan ang kanilang paligid. Normal lang ang sitwasyon maliban sa sobrang init ng panahon. “Ilang araw na lang at pasko na pero parang summer pa rin ang panahon.” “Ganitong season ang gusto ng mga magnanakaw eh, Christmas,” sagot ni Maynard. “Sana lumamig naman para maginhawa sa Christmas Eve.” Ngumiti si Laurenne. “Gusto ko rin ng malamig na pasko. Sayang nga at wala tayong white Christmas dito sa Pinas.” “Mas gusto ko pang magtrabaho na lang sa holiday. At dahil six in the evening to five in the morning ang shift ko sa December 24, sana umulan ng malakas para tamarin ang mga magnanakaw na umatake.” “Naka-duty rin ako sa Christmas Eve. Nakipagpalit sa akin si Sarge na siya na lang ang mag pang-umaga para makasimba daw sila ng pamilya niya sa hapon. Duty pa rin ako sa Pasko.” “Ako rin. Ibig sabihin tayong dalawa ang taong-presinto sa mga araw na ʼyon.” Sumimangot si Laurenne. “So, let's wish na hindi lang basta umulan, dapat umulan ng yelo para ginawin ang mga magnanakaw para matulog na lang sila. Naka-duty ka rin ba last Christmas, Maynard?” Tumango si Maynard. “Palagi akong naka-duty pag Christmas simula nang maging pulis ako. Dapat lang naman siguro na ʼyong mga may pamilya eh kasama nila ang kanilang mga anak at asawa during that day.” “Siguro hindi ʼyon nagustuhan ng ex-wife mo.” Ayan ka na naman Laurenne. Atribida ka na naman. “Tama ka, hindi nga.” tipid na sagot ni Maynard. “Eh ʼdi habang nagta-trabaho ka ʼyong ex mo ay mag-isang nagse-celebrate ng Christmas don sa kanyang parents dahil wala ka?” “Yes.” Nakatitig siya kay Laurenne habang tumatango. “Paano mo nalaman?” “Meron din kasi akong naging boyfriend na parang kagaya rin niya. Mayaman si Sam, short for Samuel, nagwo-work siya sa company ng Lolo niya. Hindi niya nagustuhan ang work schedule ko and aside from that, nagagalit siya pag naka-cancel ang mga dates namin dahil sa urgency ng trabaho ko.” Tumango-tango si Maynard. “Nagagalit si Yannie kasi kahit daw holidays and weekend eh nagta-trabaho ako. Akala niya ganon ako kadesperadong kumita ng pera. Sa mundo kasi nilang mayayaman, hawak nila ang kanilang oras.” “Sabi ni Sam, magkaiba daw kami ng mundo. Siguro taga-Mars ʼyon,” pagbibiro ni Laurenne. “Sam? Anong real name niya?” “Samuel Antonio Miguel. Kaya Sam. Anong real name ni Yannie?” Ngumiti si Maynard. “Yasmine Nicole Rodriguez. Kaya Yannie.” “Ah ok. Siya pala ʼyon. Oo, naalala ko na! Siya ʼyong sobrang bongga ng debut.” “Mismo! Doon ko nga lang siya nakilala. Part ako ng sucurity team na ni-request ng family niya. Mas engrande pa ʼyong debut niya kaysa noong ikinasal kami. Galit nga ʼyong parents niya kasi sobrang simple lang daw ʼyong occasion. Gusto yatang imbitahin ang buong baranggay.” “Sorry ha, but I guess she's a snob.” “Parang ganon na nga,” sang-ayon ni Maynard sa sinabi ni Laurenne. “Pero pinakasalan mo pa rin?” “Sisihin mo si John Lloyd. Madami kasi akong napanood na movies niya. Don ko nakita si Yannie. Na-imagine ko ʼyong role niya kaya akala ko ganon din siya in real life.” “Pero ʼyon pala eh kabaligtaran. At wala siyang plano na magbago?” tanong ni Laurenne. “Yeah, I guess. Isa lang naman akong pulis na ang pamilya ay nagma-manage ng isang local restaurant. Napakaliit lang ng tingin nila sa pamilya ko. Kaya nung mawala ang infatuation sa akin ni Yannie, ganon na rin ang tingin niya sa akin. Natauhan bigla.” “I'm sorry.” Nagkibit-balikat si Maynard. “Matagal na naman ʼyon. History na lang.” Matagal na ʼyon kaya wala na siyang ibang nararamdaman kay Yannie? Tanong ni Laurenne sa sarili. Saglit na natahimik si Maynard kaya palihim niyang pinagmasdan ang partner. Iniisip kaya niya ang kanyang failed marriage at ʼyong mga pangarap niya with Yannie na hindi natupad? Kahit dalawang linggo pa lang niyang nakikilala si Maynard, nakaramdam siya ng simpatya para sa binata. Well, I think I like him na. Kahit dominante siya dahil feeling niya siya ang senior, I still like him. As a friend lang naman! Ano ba! Pangungumbinsi niya sa saril. Hindi ako maa-attract sa partner ko. I would not! Batid naman ni Laurenne na kahit kailan ay hindi rin siya magugustuhan ni Maynard dahil inamin nito na mga mukhang modelo at elegante ang tipo niyang babae. At alam ni Laurenne na napakalayo niya sa ideal woman nito. Muli niyang sinulyapan si Maynard. Naisip niya na kung nalulungkot ito, kailangan niya itong pasayahin. Well, mag-kaibigan naman kami tsaka mag-partner, why not. “I have a brilliant idea. Dahil maganda naman ang panahon, let's eat lunch at the park. Mag drive-thru tayo tapos bumili tayo ng snacks sa 711. Parang ano... ahm... picnic lang ba.” “Hindi picnic weather ang ganito kainit na panahon Laurenne. At napakalabong lumamig sa katangha--” “Huwag ka ngang mag-ala-Kuya Kim. Makakabuti sa atin ang fresh air. Pwede rin tayong mag-music, dala ko yong speaker ko, nasa back seat. Didiretso kasi ako sa sister ko mamaya may ire-record ako.” Walang nagawa si Maynard kundi sumunod kay Laurenne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD