TYRION LANNISTER Tsk. Ito na ba ang Vlamir na sinasabi nila? Parang mas lalo kaming magiging dehado sa laban lalo na at kanina pa gumagamit ng kapangyarihan si Rex. Si Aurora lang ang maaari naming asahan sa mga oras na 'to, pero hindi pa rin nila natatalo 'yong kalaban nila kanina. Nasakit na tuloy ulo ko sa kakaisip ng maaaring gawin para maisahan at makawala man lang sana kami sa kalaban. Napansin kong parang may pinag-uusapan sila kaya naglakad ako ng kaunti para marinig ko kahit papaano ang pinag-uusapan nila. "Vlamir, talaga bang sa reyna ka papanig? Hindi mo man lang ba alalahanin ang mga kabutihan na ginawa sa 'yo ng mahal na prinsipe?" Natigilan ako sa narinig ko mula sa bibig ni Rex. Ngayon ko lang naalala ang tungkol dito. Dati nga pala silang magkakasama dahil iisa lang

