TYRION LANNISTER Pagkalapit namin ni Aurora sa direksiyon ni Rem ay agad na lumuhod si Aurora sa harapan nito. Ako naman ay nanatiling nakatayo habang nagpalipat-lipat ang paningin ko sa direksiyon ni Rem at kay Rex na hanggang ngayon ay kasalukuyan pa ring nakikipaglaban. "Ayos lang ba siya?" Nagulat ako nang bigla na lang punitin ni Aurora ang laylayan ng kaniyang damit. 'Yon pala ay may dugo sa bandang bewang ni Rem. Hindi ko alam kung gaano kalaki ito dahil nakaharang ang damit niya. Hindi ako sinagot ni Aurora dahil abala siya sa paggagamot kay Rem kaya tinuon ko na lang din 'yong atensiyon ko kay Rem. Sinubukan ni Aurora na lagyan ng tela ang sugat ni Rem para kahit papaano ay huminto ang pagdaloy ng dugo nito. Dahil wala naman akong ginagawa ay umupo na lang din ako sa tab

