TYRION LANNISTER Pagkatapos naming kumain ni Aurora ay agad kaming dumiretso sa kagubatan gamit ang walis na sinasakyan nina Aurora at ng iba pa dahil baka raw may mapahamak na ibang tao kung sakali na may kalaban kaming makita sa bayan ng Revzka. Pagkadating namin sa kagubatan ay nagpahinga lang kami sandali ni Aurora dahil may bagay daw siya na nais ikumpirma bago namin ipagpapatuloy ang paghahanap sa iba pa naming kasama. "Tyrion, p'wede mo bang gamitin ulit ang kapangyarihan mo? Katulad nang ginawa mo kanina sa kalaban ko." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Aurora dahil sa pagtataka. "Pero, hindi ko talaga alam kung paano ko nagamit ang wand na binigay ninyo sa akin." Ilang minuto lang akong tinitigan ni Aurora at hindi sumagot sa aking sinabi hanggang sa bumunt

