TYRION LANNISTER Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang naghahanap ng mga tao na nakaligtas sa sunod-sunod na pagsabog kanina hanggang sa bigla na lang huminto sa paglalakad sina Chers at Harold. Nakatingin sila sa aming harapan habang nakaturo sa direksiyon ng kanilang tinitingnan. Nagtaka ako sa kinikilos nila kaya sinundan ko ng tingin ang tinuturo nila at nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakita. Nakatayo sa aming harapan 'yong limang tao habang nakatingin sa aming direksiyon. Mabuti sana kung mga ordinaryong tao lang sila, pero kilala naming lahat kung sino ang mga tao na nasa harapan namin ngayon. "Bakit parang may kakaiba sa pagtitig nila sa atin, kamahalan? Nagagambala tuloy ako dahil sa kakaibang tingin nila sa direksiyon na 'tin." Hindi na ko tumingin sa direksiyon n

