TYRION LANNISTER "Paano mo nasabing mali ako? Totoo naman na kailangan ko ang kapangyarihan na nagmumula sa kuwintas na orasan bago ako makagamit ng kapangyarihan, hindi ba?" Ngumiti sa akin 'yong tatlo at muli nilang iniling ang kanilang ulo dahil sa sinabi ko. Tumingin din ako sa direksiyon ni Rhea dahil napansin ko na kamahalan na naman ang tawag niya sa akin. Ilang beses ko na silang sinabihan na huwag nila kong tawagin sa gano'ng pangalan, pero hindi nakikinig sa akin sina Harold at Chers. Si Rhea naman ay nakisali na naman ngayon. "Wala ring halaga kung tatanungin ko kayo dahil hindi naman kayo sumasagot. Magpatuloy na lang tayo sa paglalakbay." Binalik ko ang aking atensiyon sa pagkontrol ng mga walis pati na rin ang pagtingin sa aming ibaba. Baka kasi nadaanan na pala namin

