TYRION LANNISTER Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka nang may maalala ako. "Hindi ba wala nang mga magulang apat na heneral?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Devine bago niya sinagot ang tanong ko. "Tama ka, Tyrion. Patay na ang magulang namin. Namatay sila ng ipanganak ng nanay namin si Jade." Nang una ay nakangiti pa si David, pero sa bandang dulo ng kaniyang pananalita ay biglang lumungkot ang kaniyang mukha. Hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi nila, pero may isang bagay na bigla na lang pumasok sa aking isipan. "Kung gano'n. . . Maaari na 'ting maging kalaban ang kapatid ninyo kung sakali man na umanib siya sa reyna?" tanong ko sa kanila habang nakatingin ako sa direksiyon nina David at Auro

