TYRION LANNISTER Pagmulat ko ng aking mata ay nasa loob na ko ng magical forest. Hindi ko nakita ang itsura ng loob nito nang una akong pumunta dahil hanggang sa labas lang kami nakatayo ng mga kasama ko noon. Mas maraming kakaibang hayop ang nasa loob ng magical forest. May mga halaman at bulaklak din akong nakita na sobrang ganda, pero hindi ko ito hinawakan dahil sa liwanag na nagmumula rito sa kakaiba nitong kulay. Mamaya ay may lason pala ang mga ito ay makuha ko pa. Huminto ako sa paglalakad nang biglang magbago ang atmosphere sa paligid. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba at dahan-dahan akong tumingin sa aking paligid. Natigilan ako nang makita ang mga hayop na nakatingin na sa aking direksiyon. Parang naging blangko bigla ang pag-iisip ko dahil sa takot na bigla na la

