Chapter 56

1015 Words

TYRION LANNISTER Ang pagkapit ni Rem sa braso ko ay mas lalo pang humigpit hanggang sa nakakaramdam na ko ng sakit kaya napalingon na ko sa direksiyon niya. Saka ko lang nalaman na nakatingin din pala siya sa direksiyon ko. "T-Tyrion, pasensiya ka na. Hindi ako ang may kontrol ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari." Tumulo ang luha sa mga mata ni Rem. Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Pagkatapos ay binalik ko ang aking paningin sa direksiyon ni Rosa. Nakangiti pa rin ito sa amin. Parang hindi maganda ang naiisip ko ngayon. "Kumalma ka lang, Rem. Huwag kang mag-alala. Tatanggalin ko muna ang kamay mo sa braso ko." Wala akong reaksyon na natanggap mula kay Rem. Umiiyak pa rin siya habang nakatingin sa akin. Huminga na lang ako ng malalim para pakalma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD