TYRION LANNISTER Ang kanina na anino lang na nakikita ko ay gumalaw at naglakad patungo sa aking direksiyon. Unti-onti ay nakita ko na rin ng malinaw ang mukha ng prinsipe. Hindi ko na hinayaan na makalapit siya sa akin at naglakad na rin ako palapit sa kaniya. Nang makalapit ay tinitigan ko siya ng masama. Gusto ko sana siyang suntukin dahil sa inis ko, pero baka hindi siya sumama sa 'kin patungo sa labas o kung nasaan man kami ngayon kaya pinakalma ko na lang muna ang aking sarili. Kaya ay parang nang-aasar ang isang 'to dahil kahit gaano kasama ang tingin ko sa kaniya ay parang wala lang sa kaniya. Sa halip ay nakangiti lang siya sa akin habang sinasalubong niya ang masasamang titig ko. "Nagawa ko na ang sinabi mo nang huli tayong magkita. Naikulong ko na ang apat na heneral at nak

