TYRION LANNISTER Nang tuluyan nang makaalis 'yong dalawang lalake ay agad kong binaling ang paningin ko sa tatlo kong kasama. Natawa na lang ako nang makita ko ang reaksiyon sa mukha nila. Pagkatapos ay nagkabit-balikat ako at naglakad pabalik sa pamilihan. "Tyrion, bakit naman gano'n ang ginawa mo sa dalawang lalake?" Sumabay sa akin sa paglalakad si Rhea. "Sinong hindi maiinis kung binibini ang tawag nila sa akin?" sagot ko sa kaniya. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Rhea dahil sa sinabi ko. Si Harold ay nakikinig lang sa usapan namin habang si Chers naman ay natutulog na habang nakalutang pa rin siya. "Malamang. Babae kaya ang anyo mo ngayon." Pinag-krus ni Rhea ang dalawa niyang braso at umirap sa akin. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Kahit n

