TYRION LANNISTER Natahimik ako sa sinabi ni Aurora. Isang malalim na buntong hininga na lang ang napakawalan ko bilang tugon sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pang magiging reaksyon ko dahil sa aking mga nalalaman. Natapos nilang kausapin 'yong lalake nang hindi ko man lang nalaman ang ibang napag-usapan. Naging abala kasi ako kakatanong kay Aurora. Ayos lang siguro dahil marami rin naman akong nalaman na impormasyon mula kay Aurora. Pagkaalis ng lalake ay bumalik sa pagkakaupo ang mga kasama ko. Tahimik silang lahat at parang may malalim na iniisip. Hindi na lang din ako nagsalita dahil mukhang lalo nang sumeseryoso ang mga nangyayari ngayon, pero parang may panibago na namang gumugulo sa utak ko. Hindi ako makapante lalo na at parang walang kasiguraduhan ang mga ginagawa ng kasama k

