TYRION LANNISTER Parang binibiyak na ang utak ko dahil sa mga alaala na bigla na lang pumapasok sa aking isipan. Mga alaala na hindi ko naman alam na nangyari sa akin. Habang nakaluhod ako sa lupa ay nakahawak din ako sa aking ulo habang nakapikit. "Liana, sigurado ka na ba?" "Oo, sigurado na ko. Pakiusap, mag-iingat ka?" Hinalikan ng babae 'yong lalake na nakasuot ng magarang kasuotan. Parang kahit damit lang ito ay nagliliwanag siya at kumikinang sa ilalim ng maliwanag na buwan. Pagkatapos kong makita ang huling alaalang 'yon ay hinihingal na kong napahiga sa lupa, pero buti na lang at hindi ako nawalan ng malay. Tumingin ako sa pintuan ng tinutuluyan namin at nakita ko ang paglabas ng mga kasama ko. Hindi ko napansin na may nagkukumpulan na pa lang mga tao sa harapan ko. Ts

