TYRION LANNISTER Biglang iniangat ni Rhea ang ulo niya at bago pa ko makaiwas ng tingin sa kaniya ay nagkasalubong na ang aming mga mata. Naiyak pa rin pala siya kaya napaiwas pa rin ako ng tingin. "Pasensiya ka na, kamahalan. Ay, hindi. Hindi na kita tatawagin na kamahalan, Tyrion. Huwag ka lang ulit magagalit sa akin. Patawad talaga!" Natigilan ako sa sinabi ni Rhea. Hindi ko kasi inaasahan na siya pa ang hihingi ng tawad sa akin kahit na alam kong ako naman ang may kasalanan. Lumapit na lang ako sa kay Rhea at kinuha ko siya. Pinaupo ko siya sa kaliwang kamay ko bago ko siya kinausap. "H-Hindi ikaw ang dapat na humingi ng patawad, Rhea. Wala ka namang ginawang masama e. Pasensiya na rin sa sinabi ko kanina. Tsk. 'Yon lang. Doon ka na!" Hinagis ko si Rhea dahil alam ko naman na

