TYRION LANNISTER Bumalik kami sa gubat kung saan kami namamalagi pagkatapos naming gamutin sina Rosanna, Rem at Aurora. Ayos na ang kalagayan nila, pero hindi pa namin sila pinapakilos dahil baka magdugo ulit ang sugat sa kanilang noo. Ngayon ay nakapalibot kami sa isa't isa para pag-usapan ang lahat ng nangyari ngayong araw. "Wala na ba tayong ibang paraan para makakuha ng cleko?" Isang iling lang ang sinagot sa akin ng dalawa kong kasama. Tahimik pa rin silang dalawa habang ang tatlo babae naman naming kasama ay natutulog lang sa aming tabi. "Kung gano'n ay wala na tayong ibang maaaring gawin kung hindi kuhanin sa mga kalaban ang cloak, tama ba? Dahil kung hindi na 'tin kukunin ang cloak ay hindi tayo makakapunta sa Kanluran." Tumango naman sila sa akin ngayon bilang tugon ka

