TYRION LANNISTER Tumingin ako sa dalawang lalake kong kasama. Hindi na rin maipinta ang mukha nila at tila hindi na rin nila alam ang kanilang gagawin. Nakatingin lang sila sa tatlo babae naming kasama na hawak ngayon ng kalaban habang hawak-hawak nila sa kanilang kamay ang mga cleko na kinuha namin. Binalik ko ang paningin ko sa direksiyon ng tatlo naming kasamahan. Tumigil ang tingin ko kay Rosanna na nakatingin ng diretso sa aking direksiyon. Umiiling siya sa direksiyon ko kaya napataas ang isang kilay ko at nang makita niya ang reaksiyon ko ay bahagya siyang ngumiti sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Mahalaga sa amin ang cleko na hawak namin ngayon, pero hindi ko alam kung may mas halaga pa sa buhay na tatlong babae na nasa harapan namin ngayon nina

