TYRION LANNISTER Nagpahinga na muna kami sa ilalim ng puno pagkatapos namin magtanong sa ilang tao. Marami na kaming napagtanungan, pero wala pa rin kaming nakukuhang impormasyon na maaaring makapagturo sa amin kung nasaan si Leina. Pasimple akong sumulyap sa dalawang kasama ko na parehong tahimik dahil mga pagod na. Siguro ay sasabihin ko na lang din sa kanila ang nangyari sa akin kanina. "Rex at Aurora, may nais sana akong sabihin sa inyo." Katulad ng inaasahan ay agad na nabaling sa akin ang atensiyon ng dalawa nang marinig nila ang boses ko. Umayos sila ng pagkakaupo para mas mapagtuunan nila ko ng pansin. "Kanina kasi nang nasa labas kami nina Rex at David at nahiwalay ako sa kanila ay may nangyaring kakaiba. May babae akong narinig na tumatawa at may sinasabi siya na hindi

