TYRION LANNISTER Pagkapasok namin sa loob ay agad na bumungad sa amin sina Aurora at Rem. Mukhang kagigising lang nila dahil humihikab pa sila at kinukusot ang kanilang mata. "Anong oras na? Saan kayo galing at tila nasa labas na kayo kahit sobrang aga pa lang." Humikab pa ulit si Rem nang makalapit silang dalawa sa direksiyon namin. Nagtinginan kaming tatlo nina Rex at David bago kami muling tumingin sa direksiyon ni Rem at Aurora. "May nangyari kasi kanina. Hali kayo at tingnan ninyo ang nangyari sa labas." Naglakad kami ulit palabas habang sina Aurora at Rem ay nakasunod sa aming likuran. Pagkalabas namin ng inn ay muling bumungad sa amin ang ilang bangkay na mukhang nanigas na yata. Bumuhos ang luha sa mga mata ni Rem nang makita niya ang mga bangkay habang si Aurora naman a

